CHAPTER SEVENTEEN PART FIVE

16 0 0
                                    

KRISTINE'S POV:

Nakita kong nagbubulungan sina Ella at Rain. Hindi maganda to! May kutob ako na may binabalak na naman silang masama sa akin. Buti nalang mukhang hindi nila magagawa yun dahil dumating si Bestie ko at si Manong Jose na nanggigigil kay Ella.

"Pasalamat ka Kristine at dumating yang kaibigan mong octopus!"-Ella.
"Hmp! Magpasalamat ka rin Selina at kasama mo yang kaibigan mong hippopotamus!"-Ganti naman ni Bestie Liesly.

Mas maganda naman yung octopus kaysa yung hippopotamus hahaha. Bestie talaga oh Nang aano siya eh ha.

"Ang sarap upakan talaga yung Ella at Selina na yun. Si Rain naman ang sarap ipakain sa buwaya."-Bestie Liesly.
"Weh? Si Rain ipapakain mo talaga sa Buwaya Bestie? Ikaw ha wag mo nga akong pinaglololoko."-Ako.
"Anong pinaglololoko ang pinagsasabi mo jan?!"-Bestie Liesly.
"Kunwari binoyfriend mo si Calvin pero ang totoo hindi ka pa nakakamove on jan kay Rain. Kitang kita kita kanina Bestie, yang mata mo kulang na lang maghugis puso nung makita mo siya. Kunwari galit ka sa kanya pero ang totoo niyan in love ka pa rin sa kanya. Kaya wag ka ng magmaang maangan jan."-Pangungulit ko sa kanya.

"Hem hem Bestie kahit kailan talaga hindi ako makapagtatago sa iyo ng true feelings ko. Sige na nga aamin na nga ako. Oo mahal ko pa rin si Rain. Pero mas mahal ko na ngayon si Calvin. Gets mo?."-Bestie Liesly.
"Oo na nagets ko."-Ako.
"Bestie naman eh, parang labas naman sa ilong yang sinasabi mo eh. Pero okay sige aamin talaga ako sayo. Katulad nga ng nasabi ko sayo kanina, oo mahal ko pa rin si Rain pero mas mahal ko na ngayon si Calvin. Yung true love ko ay nakalaan na para kay Calvin. Si Rain hanggang crush ko lang siya. Yun na yun Bestie.
"Buti naman at natauhan ka. Ang sama kasi ng ugali nung crush mo eh"-Ako.
"Oo na oo na alam ko na yan."-Bestie Liesly.
"Okay sige alam mo na pala eh.... Pero alam mo din ba Bestie na gutom na gutom na ako."-Ako.
"Hala kanina lang kumain ka ng dalawang burger na large. Tapos tinira mo yung ginawa kong salad na nilagay ko sa isang malaking tupperware, tapos ngayon sasabihin mo sa akin gutom ka na naman. Ibang klase ka ring maglihi ah"-Reklamo ni Bestie Liesly ko.
"Sige na Bestie ibilhan mo na ako ng burger please"-Nagpacute pa talaga ako kay Bestie ko.
"Hay naku ano pa nga bang magagawa ko. O sige na nga ibibilhan na kita. Manong Jose tara samahan mo ako sa may burger shop. Bilhin na po natin lahat ng mga tinda nilang burger doon!"-Bestie Liesly.

Sus magrereklamo pa si Bestie Liesly ko eh alam ko namang makiki kain din sakin yan mamaya hahaha!.

"Bestie ang dami mo namang biniling burger!?"-Ako.

Ibinalandra nina Manong Jose at Bestie Liesly yung Apat na malalaking kulay Green na supot. Naglalaman iyon ng mga burger buns at mga burger patties!.

"O eto luto na. Kainin mo na!"-Binigay naman sa akin ni Bestie Liesly ko yung isang burger na luto na. Cheeseburger pa talaga! Hmmmmmnnnnn yum yum yum!.


Pasensiya na po kayo ha, nagutom ako sa sabunutan namin ni Ella kanina eh. Hihihi.


Kinabukasan sinamahan nga ako ni Wu Chun my loves na magpa check up sa isang OB-GYNECOLOGIST. After akong check upin ng doctor ko ay binigyan niya ako ng Vitamins na kailangan kong inumin 3x a day.


Matapos niya akong samahan na magpacheck up ay nag request ako na kumain kami sa may burger shop.


"Hmmmmmnnnnn ang sarap. Babe bakit hindi ka kumakain?"-Tanong ko kay Wu Chun my loves na nakatingin lang sa akin habang kumakain ako. Hala baka maisipan niyang ipagpalit nalang ako sa iba.
"Kung kakain ako, edi kukulangin itong mga inorder natin. Mukhang sayo palang kulang na kulang na."-Wu Chun.
Itinigil ko ang pagkain ko ng burger, at mabilis akong tumayo pero hinawakan niya yung wrist ko, hinila niya ako kaya naman napaupo ako sa kandungan niya.
"Babe, ikaw naman yun lang yung sinabi ko nagtampo ka na kaagad."-Wu Chun.
"Eh ikaw naman kasi, tinatanawanan mo ako. Baka mamaya niyan pag nagmukhang balyena na ako hiwalayan mo na ako."-Umiiyak na sabi ko sa kanya.
"Babe, hindi kita tinatawanan okay?. ang ibig kong sabihin kumain ka hanggat gusto mo"-Wu Chun.





Matapos akong lambingin ni Wu Chun my loves ko ay hinatid niya ako sa condo unit tapos siya naman ay dumeretso na kaagad sa GTV NETWORK. May guesting kasi siya mamaya kay Show Lou.






"Bestie, buti naman at dumating ka na"-Bestie Liesly.
"Bakit? Ano bang meron?"-Ako.
"Ma'am Kristine napanood po kasi namin sa balita na naaksidente daw po si Sir Wu Chun. Kanina lang nangyari yung aksidente."-Maricorn.
"Ano?! Eh kakahatid lang niya sa akin ah"-Ako.
"Yun na nga Bestie eh. Malapit mismo dito yung pinangyarihan ng aksidente."-Bestie Liesly.







Nalaglag sa floor yung bitbit kong plastic na may lamang burger na tinake out pa ni Wu Chun my loves para sa akin. Maya maya lang ay nag ring ang cellphone ko. Unknown number ang nakaflash sa screen ng cellphone ko.
"Hello."-Ako
"Hello po Ma'am. Ito po ba si Ma'am Kristine?"-Unknown caller.
"Oo ako nga. Sino to?-Ako.
"Ma'am ako po yung tumulong sa pagtakbo sa hospital kay Mr. Chun. Naaksidente po kasi siya..."-Unknown caller.
"Saang hospital mo siya dinala?"-Pagpuputol ko sa sasabihin nung unknown caller.

Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon