AUTHOR'S NOTE:
Time check, 2:09 am. Dahil hindi talaga ako makatulog mag uupdate nalang muna ako.
____________________________________
KRISTINE'S POV:
Nandito na ako ngayon sa Main Library ng mansion kung saan naabutan ko si Senyorita Lea na naka upo sa swivel chair at nagbabasa ng dyaryo?... teka? Uso din pala ang dyaryo sa Brunei?
"Hi Senyorita, Arcelie told me that you call for me?"-Ako.
"Ah yeah, please sit down"-utos niya sa akin na sinunod ko naman.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa."-Senyorita Lea.
Napanganga ako kasi sa lenggwaheng ginamit niya! Nag tagalog siya?!. Bingi ba ako o sadyang bingi lang talaga ako?.
"Alam kong nagtataka kung bakit tagalog ang salitang gamit ko ngayon. Well marunong naman talaga akong magtagalog, actually lahat kami dito sa mansion. As you can see mga trabahador namin dito is puro mga pinoy. Kaya naman kaming pamilya Goh ay nagsanay mag aral ng tagalog nang sa ganun eh maka sabay kami sa mga tauhan namin katulad mo. Kaya wag ka ng magtaka kung bakit ako marunong mag tagalog. Ngayon, tatanungin lang kita ng mga basic questions. Una, ilang taon ka na?"-Senyorita Lea.
"19 palang po ako"-Ako.
"Sa edad mong yan, ibig sabihin dapat ay nag aaral ka palang hindi ba?"-Senyorita Lea.
"Opo. Pero sa ngayon po hindi na po ako nag aaral kasi po eh namatay na po yung mga magulang ko"- Ako.
"Good answer. Okay, next question, sa edad mong yan na 19 nagkaroon ka na ba ng manliligaw o boyfriend?"-Senyorita Lea.
"Manliligaw meron po. Pero hindi pa po ako nagkaroon ng boyfriend"-Ako.
"At bakit?, siguro choosy ka kaya wala kang Boyfriend?"-Senyorita Lea.
"Ah hindi naman po sa choosy po ako, kaya lang po ako hindi pa nagkakaboyfriend kasi po inuuna ko po muna yung responsibilidad ko po sa lola ko na nasa pilipinas po ngayon"-Ako.
Nakita ko na parang naawa sa akin si Senyorita Lea.
"Yun lang naman yung tanong ko sa iyo. May isa pa akong sasabihin sa iyo. Alam kong crush mo si Chun, ang kapatid ko. Wag kang magsinungaling sa akin, wala sa mga babae dito o sa labas ng mansion, artista man o ordinaryong katulad mo ang hindi magkakandarapa sa kanya. Pero sa lahat ng mga iyon, sa iyo ako may tiwala. Kaya sayo ko ipapagawa ang gusto ko."-Senyorita Lea.
"Ano po ba yung gusto niyong gawin ko?"-Ako
"Well gusto kong ilayo mo ang kapatid kong si Chun sa inggratang si Ella Chen"-Senyorita lea.
"At bakit ko naman po gagawin yun senyorita?. Diba po mahal naman po ni Sir Chun si Ma'am Ella.l?"-Ako.
"Oo mahal nga niya si Ella. Ang kaso hindi naman siya mahal ni Ella. Ayaw kong nakikitang nasasaktan ang kapatid ko. Kaya nakikiusap ako sayo. Alam kong may concern ka kay Chun. Kaya please sana pumayag ka. Kung hindi mo masasagot ngayon, bibigyan kita ng hanggang bukas ng tanghali. Pag isipan mong mabuti ang paki usap ko sayo."-Senyorita Lea.Magdamag kong inisip ng mabuti yung paki usap sa akin ni Senyorita Lea. Kaya nakapag desisyon na ako.
"Lord sana hindi ko pagsisihan tong desisyon ko na to"-AkoKinabukasan,
Library:
"So, what's your decision?"-Senyorita Lea.
"Pinag isipan ko po ng mabuti tong desisyon ko na to Senyorita. Payag na po ako sa gusto mo. Ilalayo ko po si Sir Wu Chun kay Ma'am Ella."-Ako.
Nakita ko ang pagliwanag ng mukha ni Senyorita Lea,.
"Yes!, naku salamat Kristine at pumayag ka sa gusto ko. Sana mailayo mo talaga si Chun doon sa walang hiyang babaeng yun. Naku thank you talaga."-Senyorita Lea.
"You're welcome po Senyorita."-Magalang kong sabi sa kanya.
Nagsulat si Senyorita Lea sa isang kapirasong papel at binigay iyon sa akin, isa iyong cheke at nang basahin ko kung ano ang nakasulat dun ay binibigyan lang naman niya ako ng halagang.....................500,000 pesos!. May goodness.
"Naku Senyorita hindi ko po matatanggap ito"-Ako.
"Ha? Bakit naman?"-Senyorita Lea.
"Hindi ho ako tumatanggap ng ganyang kalaking pera, at saka po hindi niyo na po ako kailangang bayaran pa."-Ako.
Nag isip sandali si Senyorita Lea. At di nagtagal ay napangiti siya sa akin.
"Okay, sige hindi na kita babayaran, but if you need anything just tell me."-Senyorita lea.
"Opo"-Ako.
"At saka nalang kita pasasalamatan kapag nagawa mo ng mabuti yung pinapagawa ko sayo, ngayon ang masasabi ko lang ay do your job well."-pagkasabi niyon ni Senyorita Lea ay lumabas na siya ng library at ilang saglit pa ay lumabas na rin ako.
"Hoy Bestie sabihin mo nga sa akin kung anong pumasok jan sa kukote mo at pumayag ka sa gusto nung kapatid ni Chunnie loves mo?"-Bestie Liesly.
Kasalukuyan kong kausap sa skype sa mga oras na ito si Bestie Liesly ko. Naikwento ko sa kanya yung usapan namin ni Senyorita Lea.
"Pumayag ako bestie kasi nga napag isip isip ko na chance ko na tong makalapit at maka close si my loves ko. Pinag isipan ko talaga to ng mabuti."-Ako.
"Asus pinag isipang mabuti!. Naku pag ikaw, masaktan jan sa gagawin mo naku! Sinasabi ko sayo kakalbuhin kita, uubusin ko yang napaka ganda at straight mong hair!"-Bestie Liesly
"Ang sabihin mo Bestie, inggit ka lang sa hair ko kasi mas straight kesa sa hair mong shulot (kulot) hahaha"-Ako.
Nag aasaran na kami ni Bestie ko sa skype. Ganito talaga kaming dalawa laging nag aasaran. Pero mahal namin ang isat isa.Kinabukasan maaga akong nagising dahil kailangan namin pumunta ngayon sa shooting. Kailangan ko pang i transfer sa laptop yung mga files na kailangan ni Wu Chun.
"Kristine, dala mo na ba lahat yung mga kailangan natin?"-Arcelie.
"Oo dala ko na lahat"-Ako.
"Sure ka ha, na wala kang naiwan o nakalimutan"-Arcelie.
"Oo sure ako. Chineck ko na lahat ng mga kailangan natin bago ako lumabas ng room ko."-Ako.
"Okay good. Tara na!"-Arcelie.Nakarating kami sa shooting place ng mas maaga sa oras na ibinigay nung director sa movie na gagawin nila Wu Chun at Ella.
BINABASA MO ANG
Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)
De TodoIsang napakamaningning na bituin na napakahirap abutin, pero pilit na inaabot. Yan ang laging nasa isip ni Kristine. Mahirap lang si Kristine Pero may pangarap sa buhay at yun ay ang makita sa personal ang kanyang ultimate crush na si Wu Chun. Sa to...