KRISTINE'S POV:
Nakita ko lang naman na magkasamang pumasok sa isang cologne shop sina Wu Chun my loves at Ella.
"Bestie bakit tulaley ka na naman jan? Anyare sayo?"-Tanong sa akin ni Bestie Liesly. Hindi ko na siya nasagot kasi nakatuon lang yung tingin ko kina Ella At Wu Chun my loves na busy na sa pagtingin sa mga naka display na cologne. Sinundan ni Bestie Liesly yung tinitignan ko.
"Hala Bestie diba si Wu Chun labidabs mo yun? Saka bakit kasama niya si pinakapangit na mangkukulam?"-Bestie Liesly.
"Hindi ko rin alam Bestie eh. "-Ako.Sinundan namin sina Wu Chun my loves at Ella kahit saan sila nagpunta. Panghuli nilang pinuntahan ay ang GKC RESTAURANT. Pumuwesto sila sa malapit lang sa entrance samantalang kami naman ni Bestie Liesly ay pumuwesto naman kami sa dulo. Sinigurado namin na makikita namin ang bawat kilos nila pero hindi nila kami dapat makita.
"Bestie sa tingin mo ano kaya ang pinag uusapan nila?"-Bestie Liesly
"Malay ko hindi ko marinig eh."-Papilosopong sagot ko kay Bestie Liesly.
"Aba ang ganda ng tanong ang pangit ng sagot."-Bestie Liesly.
"Bestie, sandali lang ah punta lang ako sa restroom nawiwiwi na ako eh"-Sabi ni Bestie Liesly ko sabay Tayo.
"Okay sige bilisan mo ha."-Ako.Nang makaalis si Bestie Liesly ko ay siya namang pagdating ni Rain. Ang lawak pa ng pagkakangiti niya pagkakita sa akin. Yung ngiti na nakamamatay. Well hindi ko siya nginitian kasi may kasalanan siya sa akin.
"Hi Kristine, mag isa ka yata?"-Sabi niya sabay upo sa may binakanteng upuan ni Bestie Liesly ko.
"Kasama ko Bestfriend ko. Nasa comfort room lang siya."-Ako.
"Ah ganun ba?"-Rain.
Napatingin si Rain sa aking likuran. At sinundan ko yung kanyang tinitignan. Wrong move talaga!KASI NAMAN NAKATINGIN DIN SAMIN SINA WU CHUN MY LOVES AT ELLA.
Nagkatitigan kami ni Wu Chun my loves. Matalim ang tingin na ibinibigay niya sa akin. Lumapit sila ni Ella sa table namin. Kaya naman hindi na ako makagalaw sa kinauupuan ko ng tumabi sa akin si Wu Chun my loves.
"Andito rin pala kayong dalawa"-Sabi ni Ella na parang timang.
"Yup. Napadaan lang ako rito sa mall. And then i saw Kristine here at restaurant alone. So i decided to join her here."-Rain.
"Talaga? Nakita mo lang siya?"-May pagkasarkastikong sagot ni Wu Chun my loves sa sinabi ni Rain. "I thought nagdedate kayong dalawa."
"Ahhhh hindi kami nagdedate babe. Nakita lang talaga niya ako dito sa restaurant. Ang totoo niyan kasama ko talaga si Bestie eh."-Ako.
Nakita kong naikuyom ni Wu Chun my loves ang kanyang kamao na nakapatong sa mesa. Natatakot naman akong hawakan iyon dahil baka maisuntok niya iyon sa akin.Ilang sandali lang ay bumalik na rin si Bestie Liesly sa table namin at makikita sa mukha niya ang pagtataka kung bakit kasama ko na sa table sina Wu Chun my loves, Ella kasama pa si Rain.
MANSION:
Nang makauwi kami ni Wu Chun my loves sa mansion ay tahimik lang kami pareho. Hanggang sa ako na ang unang bumasag ng katahimikang iyon.
"Babe. Galit ka ba sa akin?"-Mahinahong tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot, paakyat na sana siya nung muli akong magsalita.
"Babe, sabihin mo naman sakin kung galit ka o kung may problema ka. Hindi yung ginagawa mo akong parang tanga!"-Hindi ko na napigilan yung sarili ko na magtaas ng boses sa kanya.Humarap siya sa akin at galit na hinablot ang aking kaliwang braso. Namilipit ako sa sakit dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.
Dinala niya ako sa mini office niya. At nang makarating kami doon ay marahas niya akong binitawan. Kaya naman napa sandal ako sa pader. Kinakabahan ako ng may kinuha siya sa kanyang drawer. At nang makita niya yung kanyang hinahanap ay galit na inihagis niya iyon sa akin. Isa isa kong pinulot yung mga litratong iyon. Napatakip nalang ako ng bibig ko sa mga nakita kong mga pictures.
Pictures namin iyon ni Rain. Kuha iyon nung nagsososhooting sina Wu Chun my Loves at Ella. Nakabreak pa nung time na yun si Rain. Meron kaming picture na dalawa na nakatalikod ako tapos si Rain yung nakaharap sa camera. Kaya ang resulta nun ay parang naghahalikan kaming dalawa pero ang totoo ay hindi naman talaga.
Lumapit sa akin si Wu Chun my loves. Isinandal niya ako sa pader. Sinasakal niya ako kaya hindi ako makahinga. Yung picture na kanina lang ay hawak ko ay nabitawan ko na.
"Aray, Babe. N-N-Nasasak-tan ako"-Sabi ko sa kanya. May tumulo na ring luha sa mga mata ko.
"TSSK. TINATANONG MO AKO KANINA KUNG ANO ANG PROBLEMA KO? PWES SASABIHIN KO NA SA IYO!. IK-KAW ANG PROBLEMA KO!. AKALA KO MAHAL MO AKO. PERO NILOLOKO MO LANG PALA AKO!"-sigaw niya sa akin.Nang bitawan niya ako ay napahawak ako sa aking leeg.
"Babe, mahal na mahal kita. Hindi kita niloloko. Itong mga pictures na to. Hindi naman totoo to eh. Babe, maniwala ka naman sakin oh"-Ako.
"KINALIMUTAN KO NA SI LIN EH. KINALIMUTAN KO SIYA PARA SAYO. KASI MAHAL NA MAHAL KITA. PERO NILOLOKO MO LANG PALA AKO!!!!!"-Wu Chun.
"Babe, hindi kita niloloko..."-Ako.
"AYOKO. NANG. MARINIG. ANG PALIWANAG. MO. TAPOS. NA. TAYO!"-Wu Chun.
Hinawakan ko yung kaliwang braso ni Wu Chun my loves kaya lang tinanggal niya lang yung kamay ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/59402745-288-k143303.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)
RandomIsang napakamaningning na bituin na napakahirap abutin, pero pilit na inaabot. Yan ang laging nasa isip ni Kristine. Mahirap lang si Kristine Pero may pangarap sa buhay at yun ay ang makita sa personal ang kanyang ultimate crush na si Wu Chun. Sa to...