THE TRUTH BEHIND THE PICTURE PART FOUR

16 0 0
                                    

KRISTINE'S POV:

"Ikaw talaga Bestie basta pagkain reading ready ka."-Ako.
"Syempre naman Bestie kung sa iyo uso ang salitang diet dahil sa sobrang kakuriputan mo. Sa akin hindi uso ang salitang diet dahil mayaman ako."-Bestie Liesly.
Super natatawa nalang talaga ako dito kay Bestie. Hindi ko nga alam kung bakit nagugustuhan ko yung mga kakornihan niya eh. "Sige na nga. Ililibre na kita sa may Burgeran jan sa tapat."-Ako.
"Asus ang dami pang sinasabi ililibre din pala ako. Halika na Bestie Dali!!!!!.,"-Hyper talaga si Bestie Liesly.

Burger Shop:

Umorder kami ng burger. Since diet ang peg ko single burger lang ang inorder ko. Pero si Bestie Liesly ko ay naku! Pang sampung tao yung inorder niyang burger. Extra large na sing laki ng bilao yung inorder niya.
"Bestie bakit extra large ang inorder mo? May kakain pa ba niyan? Bukod sa sampung tiyan mo?"-Pang aasar ko kay Bestie Liesly ko.
"Ay grabe siya! Sampu talaga ang tiyan ko. Hindi ba pwedeng iseshare ko to sa Lola Gina mo?"-Bestie Liesly.
"Sorry naman. Akala ko kasi eh sa sampung tiyan mo lang mapupunta yang isang bilaong burger hehehe"-Ako.

Asaran dito asaran dun ang ginawa namin habang kumakain. Pero after naming kumain, ay nakaramdam ako ng pagkahilo at parang nasusuka pa ako.
"Bestie, okay ka lang?"-Bestie Liesly.
Hindi ko na nasagot si Bestie Liesly dahil naduduwal na talaga ako. Kahit nahihilo ay tumakbo pa rin ako papuntang CR. Nakasunod sa akin si Bestie Liesly.
"Bestie anong nangyari sayo?"-Bestie Liesly.
"Naparami yata ako ng kain Bestie."-Ako.
"Halika umuwi muna tayo sa condo. Doon ka muna magpalipas ng gabi."-Bestie Liesly.

Condo Unit:

Dito na ako sa Condo nagpalipas ng gabi kasama sina Lola Gina ko at Si Bestie Liesly. Nawala na rin yung pagkahilo ko. Maya maya ay naamoy ko yung niluluto ni Lola Gina na Tinolang Manok. Hindi ako kumakain ng Tinolang Manok. Pero ngayon parang gusto kong kumain nun.

"Hmnnn ang sarap ng ulam. Lola mayroon pa po bang Tinola?"-Ako
"Wala na apo, ubos na"-Lola Gina.
"Ha? Bakit ubos na po?"-Ako.
"Ubos na Bestie kasi inubos mo na eh"-Bestie Liesly.
"Ha?...."-Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil naduduwal na naman ako.

LOLA GINA'S POV:

"Liesly, kailan pa nagka ganyan yang Bestie mo?"-Lola Gina.
"Kanina lang po Lola nung pagkatapos naming kumain jan sa may Burgeran bakit po?"-Bestie Liesly.
"Ano nga ba yung senyales kapag buntis ang isang babae?"-Lola Gina.
"First signs po is yung pagkahilo at yung pagsusuka"-Bestie Liesly.
"Ibig sabihin buntis si Kristine"-Lola Gina.


KRISTINE'S POV:

Pag uwi ko dito sa Mansion, tumulong ako kay Manang Joy na magluto ng ulam. Beef Rendang ang niluluto namin. Hindi pa ako nakakapagsimulang magbalat ng bawang ay naduduwal na naman ako. Dumeretso ako sa may CR at doon nagsusuka ako.
"Kristine anong nangyari sayo?. Okay ka lang ba?"-Nag aalalang tanong sakin ni Manang Bebeth.
"Okay lang po ako Manang Bebeth. Naparami po kasi ako ng kain kahapon. Parang hindi po gusto ng tiyan ko yung burger na kinain ko po kahapon"-Ako.



"Magpa check up ka sa hospital iha. Para hindi yan lumala."-Manang Bebeth.
"Opo Manang Bebeth."-Ako.



Bago ako matulog nagpunta muna ako sa mini office ni Wu Chun my loves.
"Grabe naman pala ang nangyari sayo. Ikaw pala ang first love ni Wu Chun. Wag kang mag alala jan sa langit, aalagaan at mamahalin ko ng mabuti si Wu Chun"-Kinakausap ko yung batang nasa picture. Siguro kung nabubuhay lang siya, kaedad ko siya. Sayang ang gandang bata. Nung titigan ko yung mga mata nung batang babae.....
"Bakit parang pareho ata tayo ng mga mata?. Bakit parang kahawig kita?. Hay siguro kung nabubuhay ka lang ngayon. Kamukha mo siguro ako noh. Ang ganda mo eh."-Ako.




Nakaramdam na naman ako ng sakit ng ulo... napapikit pa nga ako sa sobrang sakit eh. Tapos may ala ala na naman.....





"Mommy asan po si Chun?. Bakit po wala siya?"-Tanong ng batang babae sa Mommy niya.
"Anak, wala na si Wu Chun. Umalis na siya."-Mommy
"Pero Mommy he promise me na babalikan po niya ako. Tapos papakasalan pa po niya ako."-Batang Babae.
"Anak, hindi mo na siya makikita kahit kailan."-Mommy.
"Pero bakit po Mommy? I want to see him now!"-Umiiyak na yung batang babae. Pumasok sa kwarto ang isang Lalaki na nakapang opisina. At niyakap yung batang babae.
"Hi, kamusta ang baby ko?"-Sabi nung Lalaki na nakapang opisina.
"Daddy i want to see Wu Chun now!"-Batang Babae.
"No!. Hindi ka na pwedeng makipagkita pa sa anak ng kaaway natin!. Nang dahil sa kanya na aksidente ka!"-Lalaking nakapang opisina.
"Pero Daddy!"-Pangungulit ng batang babae sa daddy niya.
"Wala ng pero pero Lin!. Hindi ka na pwedeng makipagkita pa sa anak ng kaaway natin!. Naiintindihan mo?"-Lalaking nakapang opisina.







"Ano na ang gagawin natin ngayon?. Patuloy tayong ginigipit ni Lee sa kumpanya natin"-Mommy.
"We have no choice Amanda. Kailangan nating madala sa ibang lugar si Lin. Para hindi siya madamay sa gulo ng pamilya natin at ni Lee."-Daddy.
"Saan naman natin siya dadalhin?"-Mommy.
"kailangan natin ang tulong ni Manang Gina."-Daddy.






Ipinatawag ng dalawa si Manang Gina.
"Sir, Ma'am. Ipinatawag niyo daw po ako."-Manang Gina.
"Pinatawag ka po namin Manang Gina para sabihin sayo na pinapauwi ka na po namin sa pilipinas"-Mommy.











Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon