CHAPTER TWELVE PART TWO

17 1 0
                                    

KRISTINE'S POV:
"Halla nakalimutan daw ba?"-Bestie Liesly.
"Eh pasensiya naman Bestie. Ang dami kasi ng iniisip ko eh. Una si Wu Chun my loves. Pangalawa yung trabaho ko. Pangatlo eto etong papel na to."-Ako.
Ibinalandra ko pa sa ere yung papel na pinipirmahan ni Wu Chun my loves na nabasa ng tinimpla kong kape kanina.
"E kaya nga tinutulungan kita diba? Para saan pa at naging mag Bestie tayo. Hello"-Bestie Liesly.
"Oo na oo na. Tulungan mo na ako"-Ako.
Magdamag naming ginugol ang oras namin ni Bestie sa computer. Pinagtulungan naming dalawa na itype muli yung papeles na iyon. Nung tapos na kami, sunod naman naming ginawa ay tinawagan si Calvin at kinasabwat siya para dun sa gagawin namin bukas.

Alas otso ng umaga:
"Kristine, sigurado ako magugustuhan ni Sir Wu Chun itong inihanda mo para sa kanya"-Manang Joy.
"Sana nga po Manang Joy"-Ako.
"Ikaw pa, eh alam naman namin na Mahal ka ni Sir. Tingin namin nagseselos yun kay Sir Rain, kaya siya nagkakaganun"-Manang Joy.
"Oo nga, dati kasi nung sila pa ni Ma'am Ella ganyan na ganyan din siya. Kapag may lumalapit kay Ma'am Ella na ibang lalaki naku selos talaga si Sir Wu Chun"-Molly.
"Hoy Molly pwede ba wag mo ngang mabanggit banggit yang si Ma'am Ella lalo na kapag kasama natin tong si Kristine."-Manang Bebeth.
"Bakit Manang? Bawal po ba?. Di rin magtatagal hihiwalayan din siya ni Sir Wu Chun at babalikan niya si Ma'am Ella."-Molly.
Gusto ko na talagang bangasan ang mukha ni Molly. Kaya lang pinigilan ko lang ang sarili ko.
"Hayaan mo yang si Molly, Kristine. Inggit lang sayo yan. Palibhasa mas maganda ka kesa sa kanya"-Manang Joy.
"Thanks Manang Joy."-Ako





Pagkatapos ng tanghalian, ay sinimulan ko namang lutuin ang Beef Rendang, Ambuyat at Nasi Lemak. Ayon kina Manang Bebeth at Manang Joy yun daw ang pinaka sikat na pagkain dito sa Brunei at paborito daw iyon ng mga magulang ni Wu Chun my loves. Tamang tama andito si Don Lee, magpapa impress ako hehe. Medyo matrabaho nga lang ang pagluluto pero kakayanin ko para kay Wu Chun my loves.
"Hmmmnnn ang bango!"-Sabi ko habang inaamoy amoy yung niluluto ko.
Habang hinihintay ko maluto yung Beef Rendang, kumanta muna ako. God Gave Me You ang kinanta ko..






Alas sais ng gabi:
Lahat nagreready na para sa magaganap mamaya. Lalong lalo na ako. Sana naman this time hindi na ako pumalpak para hindi na niya ako bulyawan pa.
"Kristine, pinapatawag ka ni Senyorita Lea. Sa kwarto ka raw niya pumunta."-Manang Bebeth.
"Okay po Manang Bebeth. Papunta na po ako."-Ako.







Sa kwarto ni Senyorita Lea:
"Pinapatawag mo raw po ako Ate Lea?"-Ako.
"Oo pinatawag talaga kita. Gusto kong malaman kung ano ang problema niyo ng kapatid ko? Baka sakaling makatulong ako."-Senyorita Lea.
"Nakita niya po kasi akong kayakap ko si Rain nung nasa Seri pa po kami"-Ako.
"Ano?!. Nakita niya kayo?. Bakit mo kasi ginawa yun?"-Senyorita Lea.
"Nagsosorry po kasi sa akin noon si Rain, tapos niyakap po niya ako tapos ayun nagulat nalang po ako na nagsusuntukan na po silang dalawa."-paliwanag ko.
"Okay now i get it. Kung bakit nagkakaganun si Wu Chun. Nanumbalik siya sa dati niyang ugali."-Senyorita Lea.
"Nanumbalik sa dating ugali?"-Ako.
"May ikukwento ako sayo. Pero wag kang magagalit o magseselos lalong lalo na wag na wag mong babanggitin kay Wu Chun na ikinuwento ko ito sa iyo."-Senyorita Lea.
"Okay po."-Ako.







"Masayang masaya si Wu Chun noon ng maging sila ni Ella. Ang tagal niyang hinintay na sana ay sagutin na siya ni Ella. Everytime na magcecelebrate sila ng Anniversary nilang dalawa, lagi silang pumupunta sa Seri at namimigay ng relief goods. Minsan nga nakikisabay pa yung mga fans nilang dalawa na magpunta sa Seri para mamigay din ng relief goods. Pag magkasama yung dalawa talagang hindi sila mapaghiwalay. But then again Rain came over. Then may nangyaring hindi maganda between the three of them. Chun found out that Ella is secretly having an Affair with Rain. To make it short two timer si Ella. Dun sa lugar kung saan nakita ka niyang kayakap mo si Rain, yun din yung mismong lugar kung saan nakita niyang magkahalikan ang dalawa. Kristine, alam kong bukod sa akin ay kinausap ka ni Chun para magpanggap bilang girlfriend niya. At ang dahilan niya ay para pagselosin niyo si Ella. I know my brother very well. He already moved on with Ella. I like you for my brother, i know you we're the one who will make him happy. I know you really love him"-Senyorita Lea.
Hindi ako nakapagsalita sa mga sinabi niya. Oo tama siya, Mahal ko nga si Wu Chun. Mahal na mahal. Kaya lang ang tanong mahal din kaya niya ako?.
"Wag po kayong mag alala Ate Lea, gagawin ko po ang lahat para maging okay siya. Para maging masaya siya."-Ako.
"Salamat Kristine"-Senyorita Lea.






Alas otso ng gabi:
Eto na eto na ang gabi... gabi ko, gabi namin ni Wu Chun my loves. Andito na ako ngayon sa may garden ng Mansion, ako palang ang nandito.

Nag set ako ng dinner date. Kinasabwat ko lahat ng mga tauhan sa mansion, maging sina Don Lee, Senyorita Lea, Calvin, Jiro, at Aaron. Tumunog yung cellphone ko at nagtext si Calvin.
"Papasok na jan sa loob ng Mansion si Wu Chun"-Calvin.
"Okay sige thank you"-Ako.

Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon