CHAPTER NINETEEN PART FIVE

11 0 0
                                    

WU CHUN'S POV:

Madami pa kaming napag usapan ng Babe ko. Miss na miss ko na talaga siya. Di bale ilang araw nalang naman eh kasal na namin. Babawi talaga ako sa kanya pag nagkita ulit kami.

Nakatitig nalang ako sa cellphone ko nang lumapit sa akin ang Kuya Ko.
"Namimisa mo siya ano?"-Senyorito Leo.
"Yup"-Wu Chun.
"Noong kami ng Ate mo ang kinasal wala kang paki alam, akala namin eh bitter ka na forever.. hindi pala."-Senyorito Leo.
"Kuya Noon yun, iba na ngayon"-Wu Chun.
"In love ka nga!"-Senyorito Leo.
Tinapik tapik pa ng Kuya ko ang aking kaliwang balikat.
"Imbes na titigan mo yang Cellphone mo, halika sa labas"-Senyorito Leo.
"Saan naman tayo pupunta?"-Wu Chun.
"I aadvance ko na yung gift ko para sa yo!"-Senyorito Leo.

Dinala ako ng Kuya ko puntod ng Mommy namin.
"Bakit mo ako dinala dito?"-Wu Chun.
"Ipapaalam kita kay Mommy."-Senyorito Leo.
Umupo sa harap ng puntod ng Mommy namin si Kuya ko.
"Mommy, alam kong hindi pa nagpapa alam si Wu Chun sa yo. Kaya ako na ang gagawa nun para sa kanya. Ikakasal na po siya three days from now, kaya itong bunso niyo pagwapo ng pagwapo kasi takot na mawala sa kanya ulit si Kristine/Lin. Siguro kung andito lang po kayo mas masaya. Anyway promise po namin sayo na after ng kasal nilang dalawa ipapakilala namin si Kristine sayo. Yun lang po Mommy"-Senyorito Leo.

Muling tumayo si Kuya Leo ko. At ako naman ulit ang binalingan niya.
"Tapos na ang litanya ko kay Mommy. Ikaw naman"-Senyorito Leo.
Itinulak pa ako ni Kuya Leo ko papalapit sa puntod ng Mommy ko. Tahimik lang akong nakatitig sa kanyang lapida. Nang mabasa ko yung araw ng kamatayan ng Mommy ko ay naalala ko na yun ang araw na pinakamalungkot na nagdaan sa buhay ko. Parehas kasi yung araw na nawala si Kristine at yung araw na namatay ang Mommy ko. Year nga lang yung pinagkaiba.
"Mom, i know you're happy for me. Thank you kasi kung di dahil sayo hindi ko makikilala ang babaeng pinakamamahal ko. Ikaw ang dahilan kung bakit nabuhay ako sa mundong ito. You and Dad will always be my treasure wala ng iba. I really really love you Mom."-Wu Chun.

Restaurant:

Ang restaurant na pinuntahan namin ngayon ng Kuya ko ay mismong pag aari nila ng asawa niya.
"Hmn, ang sarap ng pagkain dito Kuya ha."-Wu Chun.
"Talagang Masarap. Lalo na kung yung nagluto eh maganda"-Senyorito Leo.
"Gusto mo isumbong kita sa asawa mo?"-Pagbabanta ko kay Kuya ko.
"Paano mo ako isusumbong eh sa siya nga ang nagluto niyang kinakain mo. Dapat nga ikaw jan ang isumbong ko kay Kristine eh"-Senyorito Leo.
"At bakit mo naman ako isusumbong sa kanya?"-Wu Chun.
"Nakikita mo yung mga babaeng yun?"-Senyorito Leo.
Tinuro ni Kuya Leo ko yung mga babaeng nakapwesto sa di kalayuan sa amin. Kumaway pa nga sila sa amin eh.
Magaganda yung mga babae, maiiksi nga lang yung mga damit nila,.
"Kita mo! Sa ating dalaws ikaw itong nagkakasala eh."-Senyorito Leo.
"Kuya naman tinignan ko lang sila nagkasala na agad ako?"-Wu Chun.
Tumango lang sa akin si Kuya Leo ko. Napainom naman ako ng tubig bigla.

KRISTINE'S POV:

One day before the wedding, todo preparation na ang lahat. Ako naman ay ayaw akong pakilusin ng mga taong nakapaligid sa akin. Ang reason nila is kailangan kong magbeauty rest which is sinusunod ko naman.

"Friendship nawala lang kami ng ilang araw tapos malalaman namin na ikakasal ka na pala."-Mary Rose.
"Ganun talaga friendship"-Ako.
"Uy congratulations ah. Deserve mo yan friendship. Sa dami ng pinagdaanan ninyong pagsubok nalagpasan niyo lahat iyon, deserve niyong maging happy, isama mo pa yang bulinggit na nasa tiyan mo pa lang."-Mary Rose.
"Salamat Friendship."
"Siya sige balik na ako sa garden ha,"-Mary Rose.


Inaayos na ang set sa garden ng bahay namin. Garden Wedding ang gusto naming pareho ni Wu Chun my loves, at invited ang lahat. Artista, myembro ng media, ordinaryong tao, at maging ang Hari at Reyna ng Brunei ay invited sa kasal namin. Sabi ko nga kay Wu Chun my loves mas marami mas masaya.

AUGUST 19, 2009

Birthday ko, araw ng kasal ko.



This is the day!


4:30 palang ng umaga ay gising na ang lahat ng mga tao sa bahay namin. Maraming mga guest ang nakitulog doon. Karamihan ay myembro ng media. Sigurado ako na itong kasal namin ni Wu Chun my loves ay lalabas sa news at sa social media.


Pagkatapos ng tanghalian ay sinimulan naman akong ayusan ng make up artist. Siya rin yung nag ayos sa akin noon.
"Long time no see Kristine. Mas lalo ka yatang gumanda ngayon"-Make up artist.
"Salamat naman"-Ako.
"Anong gusto mong ayos? Yung katulad ba nung dati? O bago?"-Make up artist.
"Gusto ko yung bago. Para maiba naman"-Ako.
"Okay sige. Gagawin natin yan. Papainlabin natin yang si Papa Chun"-Make Up Artist.




Umabot ng halos dalawang oras ang pag aayos sa akin. Naka suot na rin sa akin yung Wedding gown ko na gawa naman ng sikat na filipino fashion designer na si Rajo Laurel. Isa iyong pure white tube gown.






Nag iisa na lang ako sa kwarto ko at hinihintay ang cue ko para lumabas. Pumasok naman ang Mommy ko na nakangiti pa talaga sa akin.



Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon