CHAPTER THREE: MEET THE BESTIE

21 1 0
                                    

AUTHOR'S NOTE:
This time si kristine ay magpapahinga muna, kilalanin muna natin ng mabuti yung Bestie niya na si Liesly. O ryt! Lets go!.
Note: Wala ako picture ni Ate Les kaya, tignan niyo nalang si Iya Vilania ganun yung itsura niya :)
____________________________________
LIESLY'S POV:
Sigurado ako na kilala niyo na si Bestie Kristine, this time ako naman ang magpapakilala sa inyo. Ako nga pala si Liesly Paragas. Ang bestfriend ni Kristine., Ang Dad ko na si Emil ay isang Doctor, ang mom ko naman na si Lea ay isang kilalang business tycoon sa pilipinas. Nag iisang anak lang ako., kaya sa akin lahat ipapamana nila Daddy at Mommy ang mga ari-arian namin. Gusto ko nga i share kay Bestie ang kung ano man ang meron sa akin., sabi nga ng mga taong nakakakilala sa amin ay siya ang kabaliktaran ko. Kung mayaman ako, dukha naman siya. Kapag may mga nagsasabi samin ng ganun ay nasasaktan talaga ako.


"Mam gising na daw po kayo jan, sabi ng mom niyo po"-sigaw ng katulong namin.
"Okay!"-Ako.


Pagpunta ko sa aming kusina nakita ko ang mom at dad ko na naghahanda na para mag almusal. Si dad tuwing gantong nag aagahan kami lagi yang may hawak na dyaryo at sasabayan niya ng pag inom ng kape., si mom hindi pwedeng mawala sa tabi niya ang isang ballpen at maliit na notebook.
"Good morning mom and dad"-Kiniss ko sila both sa forehead. At saka ako dumeretso sa upuan ko na katabi lang ni dad, sa tapat ko naman ay si Mom.
"Good morning too my dear. Anong plano mong gawin today?".-Mom.
"The usual mom, pupunta po ako kina Kristine".-Ako
Nakita kong ibinaba ni dad ko yung dyaryo niya sa mesa namin.
"Speaking of Kristine. Bring her here tomorrow, i want to talk to her".-Dad.
Nagtataka na tinignan ko si dad.
"Bakit po dad?. Ano pong dahilan at pinapapunta niyo siya dito?"-Ako.
"Bakit? Masama ba?. Basta bring her here tomorrow night, invite her over dinner"-Dad.
Parang kinakabahan ako sa pinagsasabi ni dad, pero binalewala ko nalang yun at pinagtuunan nalang ang pagkain ko.
Pagkatapos kong mag agahan, diretso agad ako sa room ko., pagkatapos gawin lahat ng rituals ko lumabas na ako ng bahay namin at nag gorabels na kina Kristine.



Pagdating ko sa bahay nila ay nakita ko siya na nasa kusina nila at nagluluto ng kanilang pagkain malamang, naaawa talaga ako dito kay bestie ko,. Lumaki na ngang walang magulang, lumaki pang salat sa buhay. Hay anu ba yan.



"Bestieeeeeeee!!!!!!"-Sigaw ko, habang siya ay nagulat at nakalagay pa yung kamay niya sa tapat ng kanyang dibdib nang humarap sa akin.
"Grabe naman bestie talaga bang dapat na manggulat?"-Kristine.
"Eto naman parang hindi ka na talaga nasanay sa akin"-Ako.
Nang matapos magluto si Bestie Kristine, ay tinulungan ko siyang mag ayos sa mesa. Pagkatapos ay sabay na kaming kumain. Hindi namin nakasabay kumain ang Lola Gina niya dahil nasa garden ito kasama yung mga amiga niya., sosyal diba? Hehe. Pagkatapos namin kumain ay tinulungan ko siyang maghugas ng pinagkainan namin. Pagkatapos nun tumambay kami sa terrace nila.
"Bestie siya nga pala may sasabihin ako sayo"-Ako
"Ano naman yun Bestie?. Goodnews ba yan o bad news?. Tungkol ba yan kay Wu Chun?"-Bestie Kristine.
I rolled my eyes over her, kahit kailan talaga obsessed kay Wu Chun. Hulaan ko hindi pa yan nakakamove on sa date nila last month lang. O.A. din eh..
"Well di ko naman masasabing goodnews at di ko din masasabing bad news".-Ako
"Naku naglitanya ka pa! Sabihin mo na kasi!"-pasuplada niyang sabi sakin.
"Well, iniinvite ka lang naman ni dad over dinner tomorrow"-Ako
"Ha?bakit daw?"-Nagtataka niyang sabi sa akin.
"Hindi ko nga rin alam kung ano dahilan ni dad kung bakit ka niya biglang ininvite. Kahit nga kami ni mom nagtataka sa kanya nung sinabi niya yun sakin"-Paliwanag ko sa kanya.
"Parang kinakabahan ako sa dad mo ah"-Bestie Kristine
Same lang kami ni Kristine, kinakabahan talaga ako sa pag invite sa kanya ni dad over dinner. Knowing dad hindi talaga yun basta basta nag iinvite ng tao sa house namin kung walang dahilan.





Kinabukasan maghapon ako nag stay kina Kristine, inutusan kasi ako ni mom ko na turuan ko raw siya ng right manners pag harap sa mesa, ayaw kasi ni dad ko ng magulo ang pagkain. Hindi naman sa magulo si bestie Kristine sa pagkain kailangan ko lang talaga siya turuan baka masita siya ni dad.
"Kailangan ko pa talagang gawin to bestie?"-Kristine
"Oo bestie, saka baka maulit pa yung pag invite sayo ni dad. Malay mo rin someday magamit mo yung matututunan mo dito. Saka wag kang mag alala madali lang gawin to."-Ako.
Di nagtagal ay natutunan lahat ni Bestie Kristine ang mga tinuro ko sa kanya. Jan ako bilib sa bestfriend ko eh, mabilis matuto.





Mga 7 pm nakarating na ako sa bahay namin, kasama ko na thins time si Bestie Kristine na halatang kinakabahan.
"Bestie wag kang kabahan, its just my dad. Kapag pinakita mo na kinakabahan ka mas lalo ka lang tatakutin nun"-Ako.
Nakita ko ang pagbuntong hininga ni bestie.,
Pagpasok namin loob ng house namin sumalubong sa amin si Nanay Tasing ang mayordoma namin.
"Iha nasa dining area na sina mom at dad mo".-Nanay Tasing
"Thanks Nay"-Ako.
"Naku Kristine ang ganda ganda mo na. Sigurado ka bang ikaw yan?"-Nanay Tasing
"Nay Tasing naman, ako po to. Bakit? Gandang ganda po ba kayo sakin?"-Natatawang sabi ni Kristine
"Oo na naniniwala na ako sayo. Oh siya pumunta na kayo sa dining area baka mainip yung dalawang matanda dun makarinig pa tayo ng flying plates"-Nanay Tasing.
Tinawanan lang namin si Nanay Tasing, at saka namin siya sinundan papuntang dining area.






Ilang minuto na ang nakalipas mula nung magsimula kaming kumain ay binasag na ni dad ang katahimikan sa dining area.
"I bet hindi mo pa alam ang dahilan kung bakit kita ininvite dito sa house namin over dinner"-Sabi ni dad, sinilip ko si bestie Kristine na nasa tabi ko lang.

Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon