ANG PAG ALIS NI KRISTINE PART TWO

28 0 0
                                    

Halos isang buwan itinagal ang pagtuturo sakin ng Bruneian Langgauge, although mahirap pero kinaya ko naman.,



"Oh ano Kristine tara na muna sa Cafeteria"-Mary Rose.
Si Mary Rose ay naging kaibigan ko na rin sa loob lang ng halos dalawang buwan. Siya ang araw araw na kasama ko pag nandito ako sa agency., tama nga si Bestie Liesly, mabait nga siya. Lahat ng mga empleyado dito ay nirerespeto siya..
Nang nasa cafeteria na kami, ay hinayaan ko lang siya na mag order ng pagkain. At habang ginagawa niya iyon ay biglang nag ring ang cellphone niya, sinagot niya iyon at saka iniwan ako sandali. Pero di nagtagal ay muli siyang bumalik sa pwesto namin.
"Ah Kristine sorry ah, di muna kita masasamahan mag lunch ngayon".-Mary Rose
"Ha?bakit?"-Ako
"Eh kasi kailangan kong bumalik sa loob ng opisina may ipinapaasikaso sakin si Mr. Paragas eh".-Mary Rose
"Ah ganun ba? O sige hintayin nalang kita dito".-Ako
"Naku hindi na. Wag mo na akong hintayin. Kasi baka matagalan pa ako eh, wag kang mag alala sa pagkain nabayaran ko na yan".-Mary Rose.
"Sigurado kang hindi ka muna kakain bago ka pumunta dun?"-Ako.
"Oo sigurado ako., enjoy mo nalang yung pagkain,. Sige na alis na ako. Pagakatapos mo kumain balik ka na kaagad sa loob ah. May papalit muna sakin bilang teacher mo."-Mary Rose.
"Sige sige".-Ako



Pagkatapos kong kumain ay muli akong bumalik sa loob ng opisina at nagtungo sa confession hall kung saan ako laging tinuturuan ni Mary Rose at hinintay ko yung bagong magtuturo sa akin sa hapong ito. At di nagtagal ay may narinig akong mga footsteps, saka ko lang nakita kung sino yung pumasok sa confession hall. Isang matandang babae na chubby at mukhang masungit. Seryoso niya akong tinuruan, at thank god natapos kami ng matiwasay.
"Bukas ako pa rin ang magtuturo sayo. Ayoko ng late ah"-May pagsusungit na sabi ng matanda sa akin.
"Okay po maam, maaga po akong pupunta dito bukas".-Ako.
"Hm, dapat lang. Hindi ka pinapapunta dito para lang makipagsipsipan sa mga may ari ng kumpanyang ito"-si tanda.
Ewan ko ba pero feel ko na mainit ang dugo sa akin ng matandang ito na nagtuturo sa akin. Pero dahil sadyang mabait talaga ako ay binalewala ko nalang yung mga pagsusungit niya sa akin dahil ang mahalaga ay yung mga matututunan ko sa araw na ito.



Araw-araw ay naging routine ko na ang Bahay-Opisina-Opisina-Bahay.. pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si Lola Gina na nanonood at ano pa nga bang aasahan kong panonoorin niya eh ROMANTIC PRINCESS LANG NAMAN!. Nilapitan ko siya at humalik sa kanyang noo.
"Hi la, kumain ka na po ba?"-Ako
"Oo apo kumain na ako. Siya nga pala may ulam jan tinira ko yan para sayo".-Lola Gina
Pagdating ko sa kusina, may mga nakita akong ulam na nasa mesa. Grabe si Lola Tira pa pala yung tawag niya dun sa halos puno pa yung mesa namin sa dami ng ulam na nakadisplay dun. Pero infearness ah ang dami naming ulam ngayon., kaya galit galit muna ako sa diet na yan haha.
"Lola kanino po ba galing tong mga ulam? Bakit parang ang dami po yata?"-Ako
"Ay galing yan kina kapitan, birthday kasi nung anak niyang si Toryong. Hinahanap ka nga ni Toryong kanina eh ang kaso wala ka."-Lola Gina
Ang Toryong na tinutukoy ni Lola Gina ay ang masugid kong manliligaw dito sa barangay namin. Kaso ayaw ko sa kanya dahil hindi lang sa pangit, kundi ubod pa ng manyakis!. Matagal na siyang nanliligaw sa akin, binasted ko na nga ang kaso ayaw akong tigilan hanggang ngayon. Buti nga eh mag aabroad na ako at hindi ko na makikita yung ugok na yun. Naku sorry po lord sa mga nasasabi ko, anong magagawa ko eh hindi ko nga siya magustuhan. Pagkatapos kong kumain at gawin yung mga rituals ko sa gabi ay saka ako nakinood kay Lola. Sakto naman na pag upo ko eh si Wu Chun ang nasa TV SCREEN namin. Yun yung eksena na kinakausap siya ni Calvin about dun sa pagiging tagapag mana nila.



Habang nanonood kami ni Lola, bumuo ako ng plano sa isip ko.
"Since pupunta na rin lang ako ng Brunei, hahanapin ko siya run"-sabi ko yan sa isip ko.



Tinapos lang namin ni Lola Gina ko ang ROMANTIC PRINCESS at saka kami natulog. Nagising ako sa ring ng cellphone ko., hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag.
"Hello sino to?"-inaantok kong sabi.
"Hi Kristine! Si Mary Rose to. Gusto ko lang sabihin sayo na 5 am ang report mo ngayon sa opisina and then i just want to tell you also na wala kang lesson today with Mrs. Estrella. So gumising ka na jan at mag ready na okay?!"-Mary Rose
"Okay"-binaba ko na yung phone ko at nilagay sa tabi ng unan ko. Kahit inaantok pa ako ay tumuloy na ako sa banyo at doon ginawa ang morning rituals ko.,



Nakarating ako sa opisina ng 4:30 palang ng umaga. Kasalukuyan akong nasa Cafeteria at doon nalang ako nag agahan.
"Hi Kristine sorry ngayon lang ako ah. Ano? Tara na sa loob?"-Mary Rose.
"Sige tara na. kaming pumasok ni Mary Rose sa loob ng opisina der2 rn rrnbnbnretso sa opisina ng Daddy ni m Liesly. At dun kinausap niya ako ng masinsinan.
"Kaya kita pinapunta ng ganito kaaga dito ay gusto kong malaman mo na sa makalawa n ang flight mo. At gusto kong ibigay sayo ito ngayon."-Ibingay sa akin ng Daddy Ni bestie ang isang long brown envelope. Tinignan ko kung ano ang laman nun. Isang plane ticket, passport at mga documents na kailangan kong dalhin para sa trabaho ko.
"As soon as possible ay kailangan mo ng pumunta ng Brunei. Alam kong matagal mo ng pangarap na makapunta sa lugar na iyon"-Nakangiting sabi sa akin ng Daddy ni Bestie.
"Po? Paano niyo po nalaman na pangarap ko pong makapunta dun?"-Nagtataka kong tanong sa kanya.

Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon