CHAPTER SIXTEEN PART FOUR

12 1 0
                                    

SENYORITA LEA'S POV:

Matapos akong kausapin ni Kristine nang tungkol sa nangyayari sa relasyon nila ng kapatid kong si Wu Chun at malaman kong kinausap siya ni Dad para hiwalayan si Wu Chun ay hindi na ako nakatiis at pinuntahan ko na si Dad dito sa kanyang opisina.
"Ow, Lea what brought you here?"-Tanong sa akin ni Dad pagkapasok na pagkapasok ko palang sa loob ng mismong office niya. Naabutan ko siyang pumipirma ng mga papeles. Sa tingin ko iyon yung papers para sa arrangement ng business partner niyang si Mr. Tan.
"Dad, bakit naman ganun ang trato mo kay Kristine? I thought you like her for Chun that Much."-Singhal ko kay Dad.





My dad froze because of what i've said.
"Nakapagsumbong na pala sa iyo ang babaeng iyon?"-Don Lee.
"No! Hindi siya nagsumbong sa akin. Pinilit ko siyang magsabi sa akin ng totoo!. Now, Dad tell me the truth! Totoo ba na kinausap mo siya para hiwalayan si Chun"-Senyorita Lea.
Tango lang ang naisagot sa akin ni Dad.
"Grabe!,. I can't believe you!"-Sigaw ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin iyon nang ganun ganun na lang. "But Dad! Why did you do that?!"-Senyorita Lea.





"You want to know the reason why i want Kristine out of our lives? Out of Chun's life?!. Okay, sasabihin ko sa iyo ngayon ang totoo!. Because Kristine is very dangerous person!"-Don Lee.
"What do you mean that she's very dangerous person? Ano ba ang kinakatakot mo sa kanya Dad?!"-Senyorita Lea.





"BECAUSE KRISTINE IS LIN LI YING!. SIYA ANG NAWAWALANG ANAK NG KATUNGGALI KO NOON. SIYA YUNG BATANG SI LIN NA INAKALA NATING LAHAT NA PATAY NA! AT SIYA RIN YUNG BATANG KABABATA NG KAPATID MO!. AT SIYA RIN ANG DAHILAN KUNG BAKIT NASIRA ANG BUHAY NG KAPATID MO NOON!!!!!"-Galit na galit na sabi sa akin ni Dad. Ako naman ay hindi makapaniwala sa aking mga narinig mula sa kanya.





SI LIN LI YING AY BUHAY!.





At hindi ko akalain na siya pala si Kristine ngayon.





Hate na hate namin ang pamilyang Ying. Sila kasi ang nagnakaw sa mga negosyo namin noon. Ngayon na nalaman kong buhay si Lin, muling nanumbalik ang pagkamuhi ko sa kanya lalong lalo na sa mga magulang niya.
"I'm sorry if i judge you Dad. What are your plans now? Sasabihin mo ba kay Chun ang tungkol kay Lin?"-Senyorita Lea.
"No! Hindi niya pwedeng malaman ito!. Mas mabuti nang walang alam si Chun sa totoong pagkatao ni Kristine!"-Don Lee.





MOLLY'S POV:

"No! Hindi niya pwedeng malaman ito!. Mas mabuti nang walang alam si Chun sa totoong pagkatao ni Kristine!"-Yun ang panghuling narinig kong usapan nina Senyorita Lea at Don Lee. Lahat ng pinag usapan nila ay narinig ko. Agad kong inireport iyon kay Ma'am Ella.





"Isa rin palang malaking Tanga yang si Don Lee. Hanggang ngayon nagpapaniwala pa rin siya na pamilya nga ni Kristine ang sumira sa mga negosyo niya noon"-Ella.
"At hindi niya alam na pamilya mo ang sumira diba..."-Selina.
Tinignan ni Ella ng masama si Selina.
"O bakit ka ganyan makatingin? Totoo naman diba?"-Selina.
"Oo totoo nga, pero bakit kailangan mo pang ipaalala sa akin. Sige na Molly, umalis ka na. Itext mo sa akin kaagad kung ano ang nangyayari sa mga buhay nung mga tanga tanga yun."-Ella.





Iniwan ko na sina Ma'am Ella At Selina sa restaurant na pinagkitaan namin.
"Ibig sabihin hindi ang pamilya ni Kristine ang dahilan kung bakit nasira ang mga businesses noon nina Sir GKC? At ang pamilya ni Ma'am Ella ang totoong dahilan nun?"-Sabi ko sa sarili ko nung makalabas na ako sa restaurant na iyon. Aaminin ko sa sarili ko na naaawa na ako kay Kristine.





Mansion:

"O Molly, bakit ngayon ka lang? Saan ka galing?"-Manang Joy.
"Manang Joy, may iseshare po ako sa iyo"-Molly.
"Sige ano ba yun?"-Manang Joy
"Pero wag po tayo dito mag usap."-Molly.







Dinala ko si Manang Joy sa aming kwarto. Pero sinigurado kong walang makakarinig sa aming dalawa. Nagtataka naman,sa ikinikilos ko si Manang Joy.
"Uy Molly okay ka lang ba? Bakit parang natataranta ka yata?"-Manang Joy.
"Manang Joy may sasabihin po ako sa iyo"-Molly.
"Ano nga iyon?!. Alam mo kanina pa ako asar na asar sayo ha. ano nga kasi yung sasabihin mo"-Manang Joy.
"Manang Joy, hindi ba kilala mo naman po si Lin? Yung kababata ni Sir GKC?"-Molly.
"Oo naman. Kilalang kilala ko yung batang yun. o eh ano naman sayo kung kakilala ko si Lin?"-Manang Joy.
"Okay kakilala mo naman pala. Diba ang alam nating lahat patay na siya?. Pero Manang Joy akala lang po pala natin yun!."-Molly.
"Ha? Teka! Ano ba yang pinagsasabi mo Molly?"-Manang Joy.
"Manang Joy patapusin mo po muna kasi ako. Hindi ko matapos tapos yung sasabihin ko sa iyo singit ka kasi ng singit eh."-Molly.
"Bilisan mo kasi ang magsalita ang bagal mo eh"-Manang Joy.
"Manang Joy diba ang akala po nating lahat eh patay na si Lin? Pwes mali po pala tayo dahil buhay na buhay po pala siya at alam ko po na hindi agad kayo maniniwala sa sasabihin kong si Kristine at Si Lin po ay iisa lamang at hindi rin po totoo na ang pamilya Ying ang sumira sa mga negosyo noon nila Don Lee ang totoo pong sumira nun ay walang iba po kundi ang pamilya ni Ma'am Ella Chen"-Tuloy tuloy kong sabi kay Manang Joy.

Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon