ELLA VS. KRISTINE PART NINE

13 0 0
                                    

KRISTINE'S POV:
Mag iisang linggo na mula nung makauwi kami dito sa Mansion. Hanggang ngayon hindi pa rin ako kinikibo nung dalawa. Cold treatment yan ang lagi kong nakukuha sa kanila.
"Manang Bebeth hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko eh"-Ako.
"Kung ano ang nasa puso mo iha, sundin mo. Kung ano yung makakapag pagaan sa loob mo gawin mo. Kayang kaya mo yan. Sigurado ako maiintindihan ka din nung dalawa."-Pang aalo sa akin ni Manang Bebeth.




Pagsapit ng alas nwebe ng gabi, dumating si Wu Chun na lasing at may kasamang babaeng mukhang prostitute. Simula nung dumating kami, lagi na lang siyang ganyan. Uuwing lasing tas magdadala ng mga babae. At dumederetso sila sa kwarto., kaya naman itong puso ko parang tinutusok ng milyon milyong kutsilyo sa sobrang sakit., nasasaktan ako sa ginagawang iyon ni Wu Chun my loves. Pero tinitiis ko lang kasi mahal na mahal ko siya.
"Umalis ka nga!. Nakakadiri ka!"-Yan ang lagi niyang sinasabi sa akin kapag nakikita niya ako.
"Babe, don't be too highblood. Sige ka mababawasan ang gwapo mo niyan"-Yan naman ang lagi kong isinusumbat sa kanya kapag binubulyawan niya ako..





Si Bestie Liesly naman bagamat hindi ako kinikibo kapag pinupuntahan ko sila sa condo na tinitirhan nila ng Lola Gina ko, patuloy ko pa rin siyang kinakausap. Si Lola Gina ko, alam kong alam na niya ang nangyari samin ni Bestie Liesly ko. At thankful naman ako sa kanya na tinutulungan niya ako sa problema kong ito.




Alas tres naman ng hapon yan oras ng pagkikita namin nila Jiro at Calvin. Si Aaron kasi nag tour sa canada kaya hindi namin siya makakasama sa meeting namin ngayon.

Tama, nagmemeeting po kami. Pinaplano namin kung paano gumanti sa mga ginawa sa akin nila Ella at Selina pati na rin kay Rain.
"Hindi natin kailangang daanin sa physicalan ang paghihiganti natin sa kanila. Ang kailangan lang natin gawin eh Ang kausapin sila at alamin kung ano ang dahilan nila kung bakit ka nila ginagawan ng masama."-Jiro.
"Tama ka."-Ako.
"Kailan mo gustong gawin to?"-Calvin.
"Bukas na sana para matapos na to. Para maliwanagan na sila Wu Chun at Bestie na hindi ko talaga sila Niloloko."-Ako.
"Tamang tama, dapat din tayong magtawag ng pulis para ibigay to sa kanila"-Ipinakita samin ni Jiro ang isang Usb.
"Ano naman yan?"-Ako.
"Ito ang makakapag patunay na may kinalaman nga si Ella at Selina sa pagbaril sa bestfriend mo. Dadalhin ko to bukas para gawing ibedensiya.




Umaga na, bumangon ako naghanda. Inayos ang aking sarili. Ito na yung araw na magtutuos kami ni Ella. Nagring yung cellphone ko. Si Calvin yung tumatawag.
"Kristine, ready na ang lahat. Ikaw nalang ang hinihintay."-Calvin.
"Sige papunta na ako jan"-Ako.





Sa Beach Resort kung saan ginanap yung birthday party ko, kung saan nabaril yung Bestie ko. Doon kami magkikita kitang lahat. Kunwari aattend ang lahat sa birthday lunch party ng manager ng Fahrenheit na si Jasper. Kinasabwat din namin si Jasper para mangyari itong inaasam ko.




Pagdating ko dun, tama nga si Calvin andun na nga ang lahat. Nakita ko si Ella na nakangising aso sa akin. Ginantihan ko din siya ng isang nakakatakot na napakatamis na ngiti. Sa paligid nakita ko yung mga pulis na nagpanggap na waiter para hindi sila mahalata ni Ella.
"Kristine, halika na sa loob andun na si Calvin at ang buong gang"-Bulong sakin ni Manager Jasper.




Pumasok kami sa loob ng beach resort.
"Okay guys in 2 minutes magsisimula na ang paparty ko. Bale isang oras lang ang itatagal ng program. Kaya mag ready ready na kayo. Lalo ka na Kristine. You have my full support."-Manager Jasper.
"Salamat po Manager Jasper"-Ako.




Tapos na yung paparty ni Manager Jasper. Oras na para maghiganti!.
Nagulat sina Ella at Selina maging si Rain nang palibutan sila ng mga waiter na may dalang baril at itinutok sa kanila.
Maging sina Wu Chun at Bestie Liesly ay ganun din ang reaction.
"Hoy, bakit niyo kami tinututukan hindi naman kami kriminal ah."-Selina.
"Ibaba niyo nga yan!"-Utos ni Ella sa mga pulis pero hindi nila siya pinakinggan. Kaya mas lalo siyang nainis sa mga ito. Hindi na ako nakatiis na lumapit sa kanya at sinampal siya sa magkabilang pisngi. Ni left and right ko yung mukha niyang namumula na dahil sa mga sampal ko. Sa sobrang shock niya hindi agad siya nakapag react sa ginawa ko sa kanya.
"Bakit mo siya sinampal?!"-Selina.
"Bakit ko siya sinampal?. Para sabihin ko sayo sinampal ko siya dahil sa mga pinaggagawa niya sa akin. Well actually kasabwat ka pala niya!"-Ako.
"Walang hiya ka!"-Sasampalin sana ako ni Selina kaya lang hindi niya naituloy dahil inunahan ko na siya. Tulad ni Ella ni left and right ko rin yung pagmumukha niya.
"Ako pa pala ang walang hiya! Sa kabila ng ginawa niyong pang aapi sa akin. Ako pa pala ang masama!."-Ako.
"Hindi namin alam yang mga pinagsasabi mo!"-Ella.
"Ha! Hindi pala ha. Sige gusto mong i remind ko sayo?. Panoorin niyo tong lahat!"-Ako.
Nagplay ang video sa malaking tv screen sa may stage. Lahat tahimik lang na pinapanood yung kuha ng cctv nung araw na binaril si Bestie. May Voice record yun kung saan dinig ng lahat ang mga pinag usapan nina Ella. Pinarinig din ni Hebe yung nirecord niyang usapan nina Molly at Ella nung araw bago mangyari yung gulo sa pagitan namin nina Wu Chun, Bestie at Rain.

Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon