I CARE FOR YOU PART FOUR

17 0 0
                                    

WU CHUN'S POV:
"Wow ang ganda ganda naman dito!"-Sabi ni Kristine, na mukhang nabighani sa ganda ng view na nakita niya.

Eh paanong hindi siya mabibighani sa ganda ng view, dinala ko lang naman siya sa construction site ng ipinapatayo naming business nina Calvin, Aaron, At Jiro. Sa paligid kasi ng ginagawang building may garden doon na madaming nakalagay na iba't ibang klase ng Rosas. At sa likod naman ng Building ay makikita ang Beach Resort na pagmamay ari din namin ng mga kapwa ko Fahrenheit members.

"Hello Jiro. Asan na kayo?"-Tinawagan ko si Jiro para alamin kung nasan na sila.
"Pare, andito na kami ni Aaron sa opisina natin."-Jiro.
"Eh si Calvin?"-Wu Chun
"Papunta palang siya. Eh pano nakipagdate pa kay Hebe"-Jiro.
"Inlove talaga yung lalaking yun"-Wu Chun
"Ha! Sinabi mo pa."-Jiro.
"Sige ibababa ko na to, papunta na kami jan"-Wu Chun
"Teka? Anong sinabi mo? Kami?, Sinong kasama mo?"-Sunod sunod na tanong ni Jiro Sa akin.
"Girlfriend ko ang kasama ko"-Pagkasabi ko nun binaba ko na kaagad ang cellphone ko at ibinulsa. Alam ko kasing bubungangain na naman ako ni Jiro eh. Hyper talaga yun pag ang usapan eh Babae.
Pinuntahan ko ang kinaroroonan ni Kristine, nakita kong nakikipag usap siya sa isang bata. May binigay siya rito, na sa palagay ko ay pera. Nilapitan ko sila.
"Ate, boyfriend mo po ba siya?"-Bata.
"Ha? Eh....."-Hindi alam ni Kristine ang isasagot kaya naman sinalo ko siya.
"Oo boyfriend niya ako at girlfriend ko siya"-Wu Chun.
"Bagay na bagay po kayo. Maganda po si ate tapos ikaw kuya gwapo ka. Uuuuuyyyyy"-Bata.
Grabe pati ba naman bata kinikilig saming dalawa.
"Sige bata, kailangan na naming umalis ng girlfriend ko dahil may date pa kami"-Inakbayan ko pa talaga si Kristine para ipakita dun sa bata na girlfriend ko nga siya.


"Sir kailangan po ba talagang may akbay pa po?"-Kristine.
"Oo kailangan talaga na may akbay."-Wu Chun

Sa totoo lang kaya ko siya inakbayan kasi nga naaasar talaga ako dun sa mga lalaking nakatingin sa kanya habang naglalakad kami papunta kina Jiro. Syempre para malaman ng mga lalaking iyon na ako lang ang nag mamay ari kay Kristine! Ako lang! Wala ng iba!. Teka bat ganito ang mga sinasabi ko? Diba si Ella lang dapat ang pagmamay ari ko?. Haysst ang gulo ko!.


Nakapasok na kami sa opisina namin. Nasa loob na sila Aaron at Jiro, wala pa rin si Calvin.
"Hi Miss Beautiful!. Kamusta ka na?"- todo ngiti pa talaga si Jiro pagkakita kay Kristine.
"Hello din sa inyo. Ayos lang naman ako. Kayo? Kamusta?"-Aba hindi yata ako na inform na close na itong mga kasama ko?.
"Ayos lang din naman kami. Hindi ka naman ba pinapagod ng boyfriend mong gwapong gwapo sa sarili?"-Aaron.
Bago sumagot si Kristine, umupo muna kaming dalawa sa pangdalawahang sofa.
"Hindi naman ako pinapagod nitong si Wu Chun."-Kristine.
"Saan na daw ba si Calvin?"-Pag iiba ko sa usapan.
"Ang sabi niya sakin kanina malapit na daw sila"-Jiro
"Sila?"-Wu Chun
"Ay oo kasama niyang pupunta rito sila Hebe, Selina at Ella."-Jiro.
"Tamang tama may kanya kanya tayong date. Tigi tig isa tayo. Ako nalang ang date ni Hebe, magtiis nalang si Calvin kay Ella hahaha"-Aaron.
"Sige hintayin nalang natin sila"-Wu Chun.


Mula sa opisina namin, bumaba muna kami sa cafeteria. Nagutom kasi kami sa paghihintay kay Calvin at napagpasyahan namin na doon nalang siya hintayin.

Cafeteria:
Pumasok si Calvin sa loob ng Cafeteria kasama sina Selina, Ella at Hebe.
"Hi guys, sorry nalate kami ah."-Calvin.
Nagsi upuan na ang lahat pagkadating na pagdating nila.
"Sus kailan ka pa nauna sa usapan"-Aaron.
"Tama na muna ang bangayan. Pwede ba umorder na tayo ng pagkain, gutom na gutom na kami kakahintay sa inyo"-Reklamo ni Jiro.



Umorder na kami ng mga pagkain namin at di nagtagal ay dumating na iyong mga inorder naming pagkain.
"So shall we start the meeting?"-Wu Chun.
"Sure"- Jiro.




Habang nagmemeeting kami, yung mga girls ay lumabas muna ng cafeteria. Naboring daw kasi sila kaya ayun nasa labas sila.




"Diba ikaw si Kristine? Yung girlfriend ni Wu Chun?"-Hebe.
"Oo ako nga po"-Kristine.
"Ang tindi mo namang girlfriend, lahat nalang ng lakad ni Wu Chun andun ka"-Ella.
"Syempre kailangan nasa tabi lang niya ako parati. Kailangan ko siyang sundan sa lahat ng lakad niya. Mahirap na baka matuklaw pa ng ahas. Maagaw pa ng demonyo"-Kristine.
Nainis si Ella sa mga sinabi ni Kristine. Kailangan niyang makabawi dito.
"Bakit? Natatakot ka bang maagaw ng ahas yung boyfriend mo?"-Ella.
"Hindi naman sa natatakot ako na maagaw siya. Ang dapat na matakot sa akin yung ahas na mang aagaw, dahil hindi niya alam kung ano ang kaya kong gawin."-Pagkasabi niyon ni Kristine ay tumayo na siya at dumeretso sa may comfort room.
"Bwisit yung babaeng yun. Sinabihan pa ako ng ganun. Ginagalit niya ako"-Ella.
"Ano ang gagawin mo ngayon?"-Selina.
"Pumasok siya ng comfort room hindi ba?"-Ella
"Oo"-Hebe.
"Pwes humanda siya sa akin"-Ella.
Pumunta si Ella sa comfort room kasunod sila Hebe at Selina. Pumasok si Ella sa Loob at nakita niya si Kristine na naghuhugas na ng kamay. Nagulat si Kristine pagkakita niya kay Ella.
"Alam mo Kristine kung ako sayo, ilulugar ko yung sarili ko sa kung saan ako karapat dapat. Hindi ako yung tipong isisiksik yung sarili ko sa mundong hindi naman nababagay para sa akin. Tandaan mo yang sinabi ko ha. Bye..."-Ella.
Lumabas na si Ella sa Comfort Room at nilock niya si Kristine sa loob.

Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon