I CARE FOR YOU PART TWO

24 1 0
                                    

AUTHOR'S POV:
Pansamantala munang magpapahinga si Kristine. Si Wu Chun muna this time :)
____________________________________
WU CHUN'S POV:
"Pare umamin ka nga samin, kailan mo pa naging girlfriend yung si Miss Beautiful?"-Jiro.

Nasa Bar kami ngayon na pagmamay ari ng Manager namin na si Jasper. Kasama ko sina Aaron, Calvin at Jiro. Pina uwi ko na si Kristine dahil alam kong pagod na siya kanina pa. At hindi ko kailangan mag worry dahil alam kong kasama niyang umuwi sina Arcelie at Mary Rose.

"Last week lang, bakit ba?"-Wu Chun.
"Wala lang naninibago lang kami sayo pare. Dati dati habol ka ng habol kay Ella, ngayon naman may Iba ka na."-Aaron.
"Iba ka talaga bro!"-tinapik pa ni Calvin yung braso ko.
"At hindi lang yun ah, hindi pala basta basta yung pinalit mo kay Ella. Bro, palaban!. Biruin mo sinuntok pa talaga si Rain."-Jiro.
"Kung ako sayo bro, wag mo ng pakawalan yun."-Calvin.
"At saka baka maging sakit sa ulo mo pa yun bro"-Aaron.
"Bakit naman?"-Wu Chun.
"Napansin ko lang kasi kanina sa presscon nung pumasok siya pinagtitinginan siya ng mga tao, specially yung mga lalaki"-Calvin
"Kung ako sayo bro, babakuran ko na siya"-Jiro.
"Alam niyo kesa pag usapan niyo ang lovelife ko,. Bakit di nalang natin pag usapan yung balak nating gawing business?"-Wu Chun.
"Bro, iwas pa more Haha"-Calvin.



Pinag usapan namin nila Calvin, Jiro at Aaron ang binabalak naming itayo na business. Pero paminsan minsan isinisingit pa rin nila sa usapan si Kristine. Ewan ko ba dito sa mga to, masyadong na hooked kay Kristine.



3AM
Hindi muna ako umuwi sa Mansion dahil malayo yun sa pinuntahan naming Bar at isa pa medyo nakainom ako at hindi makapagdrive ng maayos, kaya nagpahatid nalang ako kina Jiro dito sa Condo Unit ko, na nataon namang malapit lang sa Bar na napuntahan namin.

"Hello Arcelie"- Tinawagan ko si Arcelie. Ang tagal nga niya sagutin eh. Nakatatlong ring pa bago niya sagutin yung tawag ko.
"Sir Wu Chun napatawag po kayo?"-Arcelie.
"Sorry sa pang istorbo ko sa tulog mo. Gusto ko lang sanang itanong kung ano ang schedule ko mamayang umaga?"-Wu Chun
"A Sir, hindi ko po hawak yung schedule file niyo"-Arcelie.
"Ha? Eh nakanino? Diba ikaw ang nag aayos ng schedule ko?"-Wu Chun
"Sir, ako nga po ang nag aayos ng schedule mo. Pero hindi po ako ang humahawak nun. Si Kristine po, yung pinaka maganda niyong P. A./Girlfriend niyo ang humahawak po nun."-Arcelie.
"Oo nga pala"-Wu Chun
"Gusto niyo po ba Sir gisingin ko po siya para kunin po yung schedule file niyo po?"-Arcelie.
"Hindi na Arcelie. Wag na, bumalik ka nalang sa pagtulog. Ako nalang ang bahalang kumuha nun sa kanya."-Wu Chun
"Sige po Sir"-Arcelie.

Matapos kong kausapin si Arcelie, agad kong tinawagan si Kristine,,actually malapit nang maubos ang pasensya ko sa kanya. Nakaka anim na tawag na ako sa kanya, hindi pa rin sinasagot ang tawag ko!. Nakakainis diba?.
"He...l...l...o"-Inaantok ba sabi ni Kristine sa akin.
"Kristine!"-Sigaw ko sa kanya, eh pano inis na ako eh.
"Ay Sir. Ikaw po pala"-Tingin ko nagulat siya niyan. "N...napatawag po kayo?"-Kristine.
"Oo napatawag ako kasi gusto kong malaman kung ano ang schedule ko para mamaya. Ang kaso tinutulugan mo ako eh"-Wu Chun
"Ay sorry po Sir, napagod po kasi ako kagabi eh. Kaya pasensiya na po."-Kristine.
"Ano. Sasabihin mo ba sakin yung schedule ko? O magchichismisan nalang tayo?"-Medyo sinungitan ko na siya niyan dahil gusto ko na talagang malaman kung ano ang schedule ko. At syempre gusto ko na ding matulog.
"Okay po Sir, eto na po sasabihin ko na po"-Kristine.
"Dalian mo, ang bagal!"-Wu Chun
"Sir, mamayang 1pm po may tv guesting po kayo sa Mr. Con and Mrs. Csi at mamayang 3pm naman po sa Super idol. Yun lang naman po ang schedule niyo po."-Kristine.
"Okay Kristine, sige matulog ka na ulit. Sorry sa pang iistorbo ko"-Wu Chun.
"Naku, wala po yun Sir. Basta ikaw!"-Kristine





"Okay nagbabalik po tayo dito sa Mr. Con and Mrs Csi., kasama na po natin ngayon dito sa studio ang loveteam na talaga namang pinag uusapan at pinagkakaguluhan"-Mr. Con
"Yes please welcome, Ella Chen and Wu Chun of Fahrenheit"-Mrs. Csi

Sabay kami ni Ella na pumasok sa studio ng Mr. Con and Mrs. Csi. Isang talkshow na sikat na sikat dito sa Brunei. Nagsigawan yung mga tao, nakakabingi!.

"Hi Wu Chun, Hi Ella"-Mr. Con
"Hello"-Ella.
"Batiin niyo naman yung mga fans niyo. Kanina pa naghihintay yang mga yan sa inyo eh"-Mrs. Csi.
"Hi sa inyong lahat. Kamusta kayo?"-Kumaway pa ako sa mga fans namin. Ganun naman palagi ang ginagawa namin eh,.

"Since nandito na rin lang kayong dalawa. May mga tanong na inihanda ang mga fans ninyo para sa inyong dalawa"-Mr. Con





Game na game naman kaming dalawa ni Ella na sumagot sa mga tanong sa amin. Hanggang sa.....................





"Etong last question ay para kay Wu Chun. At galing ito kay Larry Dela Pena. At ang tanong niya ay 'Paano mo nakilala ang girlfriend mong napakaganda at napaka talented'."-Mrs. Csi.
Muli kong ikinuwento sa lahat yung kinuwento ko kina Jiro kagabi. Kinilig naman ang lahat, Si Ella lang ang hindi. Halata sa mukha ang pagka inis,
"Sige lang mag selos ka lang. Sorry Ella this time Kristine is my priority after nung ginawa mo saking pang iwan, mamatay ka ngayon sa selos. Haha"-Sa isip ko lang yan.

Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon