CHAPTER SIX: MEET THE GOH FAMILY

100 1 0
                                    

AUTHOR'S NOTE:
Kailangan nating i welcome si Kristine para naman ma boost yung confidence niya kapag kaharap niya si Boss hahaha.
___________________________________
KRISTINE'S POV:
Kinabukasan, ako ang pinaka maagang nagising sa lahat. At dahil nakaligo at nakabihis na ako ay dumeretso na ako sa kusina., nasa second floor sa dulo yung kwarto ko. Pagdating ko sa kusina edi nagluto na ako., bale dalawang putahe ang niluto ko. Una, ay yung beef caldereta. Pangalawa, ay yung minatamis na chicken adobo na paborito ng Lola Gina ko.
Pagkatapos kong magluto ay inihanda ko na ang mesa at nag hain na...
"Hello Kristine Goodmorning baby girl!!"-Masiglang sabi sa akin ni Manang Joy. Kasunod niya si Molly na busangot ang mukha..
"Good morning din po Manang Joy, Molly"- nakangiti kong sabi sa dalawa.. tinulungan nila ako sa ginagawa ko, kaya madali kaming natapos.
"Ikaw ang nagluto ng lahat ng to?"-Molly
"Ah oo ako nga ang nagluto. Hindi na kasi ako makatulog kaya naisipan kong magluto nalang".-Ako
"A ganun ba?, e nagtira ka naman ba para sakin?"-Manang Joy.
"Ah opo naman po Manang Joy, tinirhan ko po kayo ni Manang Bebeth nasa tupperware po sa taas ng Ref."-Ako.
"Hmp ke bago bago palang sipsip na"-bulong ni Molly.
"Ano yun Molly? May sinasabi ka ba?"-Manang Joy
"Wala po Manang Joy"-Molly.
Nakita kong tumingin sa orasan si Manang Joy.
"Naku 1 minute nalang andito na sila, umayos na tayo"-Tarantang sabi ni Manang Joy.
Nagsi linya na rin sa ibang parte ng dining area yung mga iba pang katulong. Maging si Manang Bebeth na kadarating lang ay nagmamadaling tumabi sa amin.
"Hoy Joy!"- Manang Bebeth
"Bakit ganyan ang niluto mo? Caldereta at adobo sa agahan?!. Hindi bat sinabi kong yung mga paborito ni Don Lee at Boss Chun ang ihanda mo?"-Manang Bebeth
Naku patay! Naiinis si Manang Bebeth. Ano kaya ang gagawin ko kapag nalaman niyang naki alam ako sa kusina?.
"Eh pano naman ho kasi makakapag luto si Manang Joy kung may naki alam na sa kusina at inunahan na siyang mag luto".-Molly.
"Ha? Sinong naki alam sa kusina?"-Manang Bebeth.
"Eh sino pa po ba ang pinaka bago satin dito?"-Molly
Unti unting napatingin sa direksyon ko si Manang Bebeth, aaminin ko kinakabahan ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin.
"MAG USAP TAYO MAMAYA!"-mahina pero may diin ang pagkakasabi sa akin ni Manang Bebeth.





Ilang sandali pa ay nagsidatingan na yung mga Boss namin sa dining area. First time kong makikita ang buong pamilya ni Chunnie my loves. Unang pumasok ay isang matangkad na matandang lalaki na kamukhang kamukha ni Wu Chun. Ayon kay Manang Joy yun ang daddy ni Wu Chun, sumunod na pumasok ay yung babaeng kapatid ni Wu Chun na tinatawag nila sa pangalang Senyorita Lea kasunod ang anak nitong batang lalaki., sumunod na pumasok ay ang panganay na kapatid ni Wu Chun na tinatawag nilang Senyorito Leo kasabay ang asawa at dalawang batang babae. At pang huling pumasok ay syempre si Wu Chun my loves na gwapong gwapo sa suot nitong cardigan with maong pants, kasabay niya ay si Arcelie na pagkakita sa amin ay agad itong tumabi sa amin., particularly sa akin.





Tahimik na kumakain ang buong pamilya Goh, maririnig lang dun ay yung mga huni ng kutsara at tinidor na lumalapag sa babasaging pinggan na ginagamit nila sa pagkain. Palihim na tinititigan ko ang bawat isa sa kanila., tinitignan ko kung ano ang reaction nila sa luto ko, kung nagustuhan ba nila o hindi. Nakita kong ngumingiti yung Daddy Ni Wu Chun maging yung mga kapatid niya, lalong lalo na yung mga bata na enjoy na enjoy sa pagkain,. Nang mapadako ang tingin ko kay Sir Wu Chun ay parang nahipnotized ako. Dahil nakita ko na nakangiti siya at ineenjoy din ang pagkain.
"Manang Joy! Ano po bang ginawa mo sa pagkain at parang naka glue na yung ngiti nila boss sa mga mukha nila habang kumakain?"-Arcelie.
"Eh kasi nilagyan ko ng mighty bond yung mga mukha nila kaya ganyan"-Papilosopong sagot ni Manang Joy.
Hindi ko mapigilan ang mapatawa pero mahina lang. Baka marinig kasi nila ako.






Pagkatapos nilang kumain ay pinatawag ni Don Lee sina Manang Joy at Molly. Si Arcelie ay sumama kay Wu Chun my loves, habang kami naman ni Manang Bebeth ay naiwan at nag ayos sa dining area., Nang matapos kami sa gawain, nagtungo kami sa wash area na malapit lang sa kusina at doon kami nag usap. Aaminin ko kinakabahan talaga ako.
"Eeksplain mo nga sa akin kung bakit ka naki alam sa kusina at ikaw pa talaga ang nagluto?"-Manang Bebeth.
"Manang Bebeth ganito po kasi yun, maaga po kasi akong nagising. Eh wala po akong magawa kaya bumaba po ako sa kusina at nagluto po"-Ako.
Magsasalita pa sana si Manang Bebeth ng biglang pumasok si Manang Joy, Molly at kasama si Don Lee.
"Don Lee, what brought you here?"-Manang Bebeth.
"Who is Kristine?"-sa halip na tanong ni Don Lee.
Tinuro ako ni Manang Joy.
"Ow you are Kristine".-Nakangiting sabi ni Don Lee, "well i came here to say thank you for cooking. The food was great! And my family love it."-Don Lee.
"Ow thank you so much Sir!, its my pleasure to cook a food for you".-Hindi makapaniwalang sabi ko. Pinagdaop ko pa ang dalawang palad ko,.
"You're welcome. Just keep up the good work okay?"-Don Lee.
"Okay Sir, i promise i will do my best on my work Sir."-Ako.
"Thank you again"-Pagkasabi nun ay umalis na si Don Lee.






"Naku! Sabi sayo eh nagustuhan nila yung luto mo!"-Masayang sabi ni Manang Joy sa akin.
"Hindi ko po akalain na magugustuhan po pala nila yung luto ko".-Ako
"Sus, para yun lang, simpleng Caldereta at Adobo lang naman ang niluto niya nagustuhan na agad!"-Inis na sabi ni Molly kasabay ng pag irap niya sa akin.
"Hmp alam mo ikaw Molly, inggit ka lang eh. Ikaw kasi hindi ka marunong magluto, kaya hindi nagugustuhan nila Boss ang luto mo".-Manang Joy.

Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon