CHAPTER NINETEEN PART TWO

19 0 0
                                    

KRISTINE'S POV:

"At kung naaalala mo yung sinabi ko sayo nung mga bata pa tayo,nung ikaw palang si Lin. Sinabi ko sayo na pag laki natin aalukin kita ng kasal. Babe i think this is the moment that we've been waiting for..."-Wu Chun.

Saglit na tumigil sa pagsasalita si Wu Chun my loves, lumuhod siya sa harap ko. May kinapa siya sa bulsa niya, isa iyong maliit na color red na box tapos nung binuksan niya iyon ay nalula ako sa nakita ko.

ISA LANG NAMAN IYONG DIAMOND RING!.

Napatakip nalang ako ng bibig ko, Hanggang sa tinanong na niya ako ng.....................

"Babe will you Marry Me?"-Wu Chun



Para suspense sinadya kong patagalin yung sagot ko sa kanya. Halata na talaga sa mukha niya ang kaba. Ang cute niya kapag namumula yung mukha niya hehehe.



"Babe, okay lang sa akin kung ayaw mong sagutin ngayon yung tanong ko sayo. Maghihintay ako kahit gaano pa katagal..........."-Wu Chun



"Paano kung sabihin ko sayo ngayon na Oo ang sagot ko, maghihintay ka pa rin ba?"-Ako.



Ayun na nga, umoo na ako sa kanya.
"Talaga!?! Umoo ka na sakin?!!!"-Wu Chun.
Nakangiti lang ako na tumatango sa kanya. Niyakap niya ako ng sobrang higpit!. Kaya gumanti rin naman ako sa kanya.



"Huuuuuyyyyy Bro, bayaran mo naman yung oras namin!"-Sigaw ni Jiro.
"Oo nga pati yung boses namin bayaran mo din"-Calvin.
"Pati yung kinanta namin pakibayaran din, lakihan mo ng konti english kasi yun eh"-Aaron.




"Kita mo tong mga to, kahit kailan mga reklamador"-Bulong sakin ni Wu Chun my loves.
"Hayaan mo na Babe. Atleast nag effort sila sa pagkanta. Ikaw may utang ka sa akin na oras."-Ako.
"Aha! Edi yun yung kailangan ko talagang bayaran!"-Wu Chun.
"Edi Wow!"-Ako.




"Uy! Uy! Uy! Tama na yan, nilalanggam na kaming lahat dito!"-Jiro.
"Oo nga langgam pa more!"-Aaron.
"Bro!. Magpapasakal este magpapakasal ka na diba?. Magpa burger ka naman jan!"-Parang bata na sabi ni Rain.
"Tssssskkkkk"-Wu Chun.




Wala nang nagawa si Wu Chun kundi ang ilibre kaming lahat ng burger hehehe.





Condo Unit:

"Bestie sorry ah, kung nakipagsabwatan ako kay Chunnie loves mo."-Bestie Liesly.
"Okay sorry accepted. Pero paano ka naman niya napapayag sa gusto niya?"-Ako.






Kasama ko ngayon si Bestie Liesly ko sa Condo Unit na tinitirhan niya. Mag isa nalang kasi siya dito eh simula nung bumalik si Lola Gina ko sa totoo kong tahanan.






So ayun nga kinuwento niya sa akin yung buong pangyayari kung paano siya nakipagsabwatan kay Wu Chun my loves. Sinuhulan siya ng magaling kong fiancee na magshopping at kailangan daw ay kasama ako, kailangan malibang niya ako, tapos ang kapalit nun ay sasagutin ng magaling kong fiancee ang date ni Bestie Liesly ko at ni Calvin. O diba ang galing!?. ;)






"Bestie wag kang magalit sa akin ah, saka unang una sa lahat kasalanan ng fiancee mo yun, magaling manuhol eh hehe"-Bestie Liesly.
"Hindi naman ako galit sayo Bestie. Kaya lang halatang halata kita kahapon eh. Pero okay na yun. Atleast nag enjoy tayo pareho sa pagsashopping natin kahapon, aminin mo"-Ako.
"Oo nga Bestie nakaka enjoy magshopping pero yung pinangako ng Fiancee mo na date namin ni Sweetie pie ko hindi pa niya tinutupad ah."-Bestie Liesly.
"Wag kang mag alala tutuparin ni Wu Chun my loves yun. Yun pa eh hindi naman sumisira ng pangako yun eh. Saka bakit may pa sweetie sweetie pie ka ng nalalaman ha?"-Ako.
"Ano ka ba yun yung tawagan namin ni Calvin noh."-Bestie Liesly.






YING'S MANSION:

Umuwi ako dito sa house namin. Dito muna ako mag e stay ngayon hanggang bago kami ikasal ni Wu Chun my loves. At siya rin mismo ang naghatid sa akin dito. Isinama ko na rin pauwi sina Manong Jose, Maricorn at syempre pati na rin si Bestie Liesly ko. Masaya ang naging biyahe namin., pagdating namin sa bahay ay sinalubong kami ni Lola Gina na isa isa kaming niyakap.
"Namiss kita Apo ko."-Lola Gina.
"Namiss rin po kita Lola."-Ako.
"Congrats nga pala sa inyong dalawa mga Apo ko ha"-Lola Gina.
"Thank you po Lola."-Wu Chun.
"Manang Gina, baka naman po pwedeng pumasok na po kami sa loob. Yung si Pareng araw eh galit na galit na po sa amin oh. Nagpapakawala na ng tindi ng init o. Saka si Sir Wu Chun baka umitim siya! Kasalanan mo."-Manong Jose.
"Okay sige pasok na nga tayo."-Lola Gina.
"Manong Jose hindi naman po iitim si Sir Wu Chun, baka ang ibig mo pong sabihin eh ikaw po yung mas lalong iitim. Hehehe."-Maricorn.
"MARICORN!"-Napikon yata ni Maricorn si Manong Jose kaya ayun naghabulan silang dalawa.
"Tingin ninyo magkakatuluyan kaya yung dalawang yun?"-Lola Gina.
"Hmmm pwede po Lola. Pero kami nitong si Kristine eh talagang talaga :) "-Wu Chun.







Kasama namin si Wu Chun my loves hanggang matapos ang tanghalian namin. Pagkatapos nun ay bumalik na siya sa City., kailangan niyang bumalik kasi may shooting pa siya ng movie nila ni Selina.
"Babe, mag ingat ka sa pagmamaneho ha. Saka itext mo ako agad kung naka uwi ka na babe ah"-Ako.
"Yes Ma'am gagawin ko po yan. I promise."-Wu Chun.
Sasakay na sana siya sa kotse niya kaso pinigilan ko...
"Babe, mukhang may nakakalimutan ka yata?"-Ako.
"Ha? Alin? Yung Cellphone ko?"-Kinapa kapa niya pa yung bulsa niya sa likod ng pantalon niya.

Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon