CONTINUATION:
Habang hinihintay namin yung special guest sa loob ng area kung saan gaganapin yung Meet And Greet para kina Calvin Chen at Wu Chun, naki chika chika muna kami ni Bestie.
Napag alaman namin na yung event na yun ay para lamang sana sa mga myembro ng press, media at staff ng ABS-CBN. Pero nag request mismo sina Wu Chun at Calvin Chen na magsama ng kahit apat lang na fans.
"Swerte niyo at napasama kayo dito sa event na to. Very special tong event na to para saming mga staff"-Sabi ng isa sa mga staff na ang pangalan ay charie.
"Paano pala kayo napunta dito? At sino ang nagbigay sa inyo ng ticket?"-Staff
"Napunta kami dito kasi ininvite kami ni Mel. At saka siya na rin ang nagbigay samin ng ticket para makapasok dito."-Bestie.
"Ah talaga? Naku swerte niyo talaga. Atleast free yung ticket niyo :) "-Staff.Alas dos na ng hapon nang magsimulang magsi pasukan yung mga iba pang kasali sa meet and greet., kapansin pansin ay yung mga chinese na ayon kay Mel ay sila yung mga kasama nila Calvin at Wu Chun na nagtatrabaho sa GTV COMPANY. Yun yung Network na nagha handle kina Wu Chun at Calvin.
Ilang sandali pa, nagsimula ng magsigawan yung mga tao. Sign na papasok na yung pinakahinihintay ko. Unang pumasok sa area ay si Calvin na todo ngiti ng humarap sa amin. Then sumunod na pumasok sa area ay si Wu Chun na todo rin ang ngiti.
Grabe hindi ako makagalaw sa kinaroroonan ko, parang first time kong makakita ng tao sa mga oras na ito. Super gwapo niya talaga.
"Bestie gumalaw galaw ka naman jan pwede?!. Yang itsura mo parang ngayon ka lang nakakita ng tunay na tao"-Bulong sa akin ni Bestie.
"Eh sa hindi ko talaga mapigilan ang tumitig sa kanya eh."-Ako.
"Sabagay gwapo naman talaga yang chunnie loves mo. Saka paalala lang bestie ah, pwedeng pakisara naman yang nakanganga mong bunganga?. Kita na kasi ang buong building ng ABS-CBN jan eh."-Bestie.
Imbes na mainis ako kay Bestie sa mga pinagsasabi niya sa akin ay natatawa na lamang ako, pero hindi ko pinakita sa kanya yun. Hahaha!!!.Sa pagdaan ng oras, puro games, kantahan, sayawan, sigawan at meron ding question and answer portion ang nangyari sa area. At syempre syempre hindi ko pwedeng hindi ikwento sa inyo yung experience ko sa stage kasama siya.
Bale dalawang games ang sinalihan ko. Yung una ay question and answer lang.
"And now we are going to our next game!. This time our game is question and answer portion!. I am incharge to choose two girls who will answer a question."-Sabi nung emcee na si Ginger Conejero.
Habang namimili sila ng unang girl na sasabak sa stage ay nagkalkal muna ako sa aking bag upang hanapin yung polbo ko. Habang ginagawa ko iyon ay hindi ko namalayan na sa akin na pala nakatutok yung spotlight. Tiningnan ko yung paligid ko., lahat sila nakatingin sa akin. Tapos nung tinignan ko si Bestie....
"Bestie!!! Ikaw yung napili. Chance mo na to daliii!!!. Galingan mo ha."-Pag aassure sa akin ni Bestie., itinulak niya ako papunta sa stage. At nagulat pa ako ng hawakan ni Wu Chun yung kamay ko. At saka ako dinala sa gitna ng stage.
"Wow what a beautiful lady., what's your name?-Tanong sa akin ni Ginger.
"Ahm my name is Kristine Macaraeg".-Ako.
"So im going to choose another girl, now! Who will be the partner of Calvin?"-Ginger.Sigawan ang lahat ng mga tao, lalo na yung mga girls. Habang namimili si Ginger, ako naman ay hindi mapakali sa gitna ng stage dahil alam kong tinititigan ako nung dalawa., mas lalo pa nadagdagan yung kabog ng puso ko nung kausapin niya ako.
"Are you a staff here? Or a fan?".-Wu Chun
" im just a fan of your's"-Ako. Nahihiya kong sabi kay Wu Chun.
"It seems like you're nervous"-Wu Chun.
"A yeah a little bit nervous but im fine"-Huhuhooooh for the very first time in my whole living life as a human being nakapag english ng wala sa oras!. Dumugo ilong ko dun ah!..
"Im pretty sure you'll gonna enjoy the game :)"-Calvin. Grabe talaga bang sadyang ipinanganak ang lalaking to ng napaka smiling face?. O sadyang smiling face lang talaga siya?.Di nagtagal ay nakapili na si Ginger ng makakapareha ni Calvin sa game. At alam niyo ba kung sino?????
SI BESTIEEEE LANG NAMAN!!!!. Juice ko lord mukha yatang pinagpala talaga kaming dalawa ngayong araw.
Sa umpisa ng game si Bestie yung unang tinanong, pero mali yung sagot niya, tapos sumunod ay ako at tama naman yung sagot ko. Umabot kami ni Bestie sa hanggang 9 na tanong, 10 questions yun, pareho kaming mali sa pang 10 kya tie kami. At syempre hindi mawawala ang premyo!.
"Okay, since the two ladies over here are tie, they will get their prize!. So girls are you ready to know your prize?"-tanong samin ni Ginger. Excited naman na tumatango kami ni Bestie. "So the first prize is......... a personal card came from Chun and Calvin!-Ginger.
Sabay na binigay samin ni Bestie yung mga cards na galing sa kanila. Hindi ko muna yun binasa, sa bahay nalang :).
"The second prize is a special gift from Chun and Calvin!"-Ginger.
Sabay na naman na binigay nina Wu Chun at Calvin sa amin ang isang papel. Binasa ko kung anong laman nun. At alam niyo ba kung ano ang laman nun???.A DATE WITH CHUN AND CALVIN AT CROWNE PLAZA HOTEL. AT MANGYAYARI YUN BUKAS!.OMG TALAGA AS IN SPELLED BY O-M-G!!!!.
'That's your grandprizes girls. Thank you for joining. And we hope that you enjoy the game."-Ginger.
Pagbaba namin ng stage ay parang wala pa rin ako sa sarili ko. Kumbaga yung utak ko sa kalawakan pa.
"Hoy!!! Okay ka lang?"-pangugulat sa akin ni Bestie.
"Ah oo okay lang ako"-Ako. Sinipat sipat ni Bestie yung mukha ko.
"Weh di nga?. Yang mukhang yan? Okay lang talaga?.Sinungaling."-Di makapaniwalang sabi sakin ni Bestie.
"Alam mo Bestie kaysa makipag diskusyon ka sakin ngayon. Umuwi nalang kaya tayo ngayon para makapaghanda ng susuutin nating damit para bukas."-Ako.
"At syempre kailangan din natin ng todo todong practice ng english para bukas dahil sigurado ako na duduguin yang ilong mo."-Pagkasabi nun ay inunahan ako maglakad.
"Tignan mo tong taong to makapanglait!. Hmp."-kahit naiinis ako kay bestie ay sinundan ko nalang siya. Mahirap na baka wala ako masakyan pauwi.
BINABASA MO ANG
Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)
DiversosIsang napakamaningning na bituin na napakahirap abutin, pero pilit na inaabot. Yan ang laging nasa isip ni Kristine. Mahirap lang si Kristine Pero may pangarap sa buhay at yun ay ang makita sa personal ang kanyang ultimate crush na si Wu Chun. Sa to...