MEET THE BESTIE PART TWO

25 0 0
                                    

"Hindi ko pa po alam Tito. Bakit niyo nga po pala ako ininvite dito?"-Kristine
"Hindi ko na patatagalin pa, kaya kita pinatawag dito ay gusto kong sabihin sayo ng personal na gusto kitang tulungang umasenso sa buhay. Parang anak na rin ang turing ko sayo, at nakikita ko na good influence ka para kay Liesly. That's why gusto kitang tulungan. Mayroon akong kaibigan na nangangailangan ng trabahador. And let me remind you na sa umpisa hindi magiging madali ang trabaho mo but habang tumatagal ay magiging magaan din"-Mahabang ekspilika ni dad. Pareho kami nila mom, at Bestie Kristine sa sinabi ni Dad. Paano ba naman kasi eh hindi naman namin akalain na ganun ang sasabihin niya kay Bestie Kristine.
"Saan po ba ako magtatrabaho, at ano po ang magiging trabaho ko"-Tanong ni Bestie Kristine kay Dad.
"You will know it soon, but first bigyan mo muna ako ng resume mo. Ipapatawag nalang kita ulit."-Dad.
"Dad pwede naman ba yun?. Saka lang niya malalaman kung ano at saan siya magtatrabaho?. Baka mamaya niyan pang sindikato ang ipatrabaho kay Bestie."-Ako.
"Loko, bakit ko naman ipapagawa yun kay Bestie mo edi ako naman ang nasabit diba?. Wag kang mag alala mababait ang magiging amo niya. Hindi ko naman siya basta basta pwedeng ipagkatiwala sa iba. Ang daddy mo gwapo at mabait, hindi barumbado okay?"-Dad.
"Oo na alam na naming mabait ka. Ang kaso lang maniwala kaya si Kristine na gwapo ka? Lalo na't ikaw lang ang nagsasabi niyan sa sarili mo.?"-Mom.
"Abat. Edi sige tanungin natin siya at nang malaman natin kung gwapo nga ako o hindi"-Dad.
"Ano Kristine iha, magsabi ka ng totoo ha? Gwapo ba talaga ang tito mo? O hindi?"-Tanong ni mom kay Bestie.
"Gwapo naman po si Tito. Kaya lang po mas lamang pa rin po yung pagiging mabait."-Bestie Kristine
Nagtawanan nalang kaming lahat sa sinabi ni Bestie. Grabe ang galing talaga nitong taong to sumakay sa mga jokes. Sabagay komedyante naman talaga yan eh.

Makalipas ang ilang araw mula nung dinner namin nila dad kasama si Bestie sa bahay, naging masigla na ulit si Dad. Ewan ba namin kay Dad parang may sapi, minsan masungit minsan naman nangingiti nalang mag isa. Habang naglalakad ako along the hallway sa school namin, may nakita akong malaking poster na nakasabit sa may building sa labas. At ganun na lang ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng makita ko kung sino ang nasa poster. ITS RAIN THE BRUNEIAN/KOREAN SUPERSTAR, my ultimate crush ever since. Nilapitan ko yung poster. Binasa ko kung ano ang nakasulat dun at nakalagay ay RAIN IS COMING CONCERT UNIVERSITY TOUR., Held at UNIVERSITY OF PARAGAS., and FREE ADMISSION!. OMYGGGGG! kailangan makapunta ako, sana payagan ako ni Dad at ni Mom. Isasama ko na rin si Bestie Kristine para naman ma meet niya si ultimate crush ko. Akala niya kasi si Calvin ang Ultimate Crush ko eh, pero hindi talaga eh.. yung concert niya ay sa makalawa na so kailangan ko makapag ready.. Pupunta ako sa bahay nila Bestie para iinvite siya.
"Bestie!!!!!"-sigaw ko kay Bestie Kristine.
"Ay butiking palaka!"-Gulat na sabi niya.
"Hm? Kailan pa naging magkalahi ang butiki at ang palaka?"-Ako.
"Hay naku bestie pilosopuhin mo pa ako ulit matatamaan ka na talaga sa akin".-Kristine.
"To naman di mabiro. Well pumunta pala ako dito para sabihin sayo na may pupunyatahan tayo sa makalawa".-Ako
"Ha? Saan naman?"-Kristine
Kinikilig na kinuwento ko sa kanya yung about sa concert ni Raine dito sa pilipinas.
"Samahan mo ako Bestie ah"-Ako.
"Okay basta ba ilibre mo ako. Alam mo naman na wala akong pera"-Bestie Kristine.
"Okay okay sige ililibre kita samahan mo lang ako hehehe. :)"-Ako.

RAINE'S CONCERT:
This is it pancit! My gosh concert na ni Raine., kasalukuyan akong nandito sa house nila Bestie Kristine at dito talaga ako nag ready!.
"Liesly baka naman mapagkamalan kang multo ni Rain niyan, sa itsura mo palang baka matakot na sayo yun"-Sabi yan ng Lola ni Bestie Kristine
"Lola ito po talaga ang uso ngayon. Saka korean superstar po yung mag coconcert hindi po pontio pilato"-Ako
"Ah ganun ba? Akala ko eh concert ng isang gang jan sa kalsada,"-Lola Gina.
Habang nag uusap kami ni Lola Gina ay lumabas na si Bestie Kristine mula sa kwarto niya. Parehas kaming napa wow ni Lola Gina pagkakita sa kanya. Oo alam ko mistisa si Bestie Kristine at super ganda niya, pero ngayon iba talaga eh, nakasuot lang siya ng isang pink cocktail dress na tinernuhan niya ng pink rubber shoes with matching headband ang cute niya!. Alam ko hinuhulaan niyo kung ano ang suot ko, well i wear a black cocktail dress with black high heels na sinamahan ko pa ng black purse.
"Oh siya gorabels na po kami lola."-Ako.
"Iuwi niyo nalang si Rain para sa akin ha?"-Sabi ni lola habang palabas kami sa bahay nila Bestie Kristine.



Nung nasa concert hall na kami, ang dami ng tao ang nasa loob. Pero mas pinili ko ang umupo sa harap na malapit lang sa stage.,




Ilang sandali pa ay nagsimula na ang concert ni Raine, sigawan, Tili lahat na maririnig mo sa loob ng concert hall.
"Hay bestie grabe ang gwapo niya talaga. :)"-Ako
"Bestie baka naman pwedeng ibang linya naman ang gamitin mo?"-Bestie Kristine.
"Ha?bakit naman Bestie?"-Ako
"Kasi kahapon mo pa sinasabi sakin yan eh wala na bang iba?"-Bestie Kristine
"Okay sige iibahin ko, grabe Bestie ang gwapo talaga ni Wu Chun noh? Kahit si Rain naman ang nakikita natin ngayon"-Pagkasabi ko nun tinignan ko siya, akalain niyo yun kinikilig ang babaita,.






Natapos na ang concert, mahigit 3 hours lang ang itinagal nun. Sa ngayon ay papunta na kami sa backstage ng concert hall para magpa autograph at magpapicture na rin syempre,.
"Tapos na ang concert bestie baka mamaya niyan pagdating natin sa kinaroroonan ni Papa Rain eh maglupasay ka ng bonggang bongga sa sahig ah"-Bestie Kristine.

Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon