SURPRISE BIRTHDAY GIFT PART FIVE

19 1 0
                                    

KRISTINE'S POV:

August 18, 2008:

Isang araw nalang birthday ko na, haha countdown talaga eh no?.
Ngayon walang shooting si Wu Chun my loves. Wala rin siyang business meeting ngayon pero umalis siya kasama si Arcelie, Manang Joy, Manang Bebeth, Molly at iba pang mga tauhan sa Mansion. Kami lang ni Mary Rose ang naiwan dito sa mansion..

"Saan daw ba nagpunta sila Wu Chun my loves?"-Ako.
"Naku, ewan ko ba sa kanila kung saan sila pumunta. At iniwan pa talaga tayong dalawa dito sa mansion."-Mary Rose.
"Eh si Senyorita Lea umalis ba siya?"-Ako.
"Oo umalis din siya. Tayong dalawa nga lang talaga ang iniwan nilang lahat dito sa Mansion eh."-Mary Rose.
"Hmmm ano kaya ang pwede nating gawin?"-Ako.

Naalala ko na naman yung picture frame na nakita ko sa mini office ni Wu Chun my loves. Pupuntahan ko ulit yun.
"Uy saan ka pupunta?"-Mary Rose.
"Sa mini office ni Wu Chun my loves ko"-Ako.
"Hala baka pagalitan ka ni Sir Wu Chun jan sa gagawin mo?"-Mary Rose.
"Hindi, hindi ako pagagalitan nun."-Ako.
"Sigurado ka ba?"-Mary Rose.
"Oo naman sigurado ako"-Ako.




Narating na namin ni Mary Rose yung Mini Office ni Wu Chun my loves. Hinanap ko yung picture., wala kasi dun sa mesa kung saan ko nakita. Sa ibaba ng mesa may drawer,.
"Uy ano ba yang tinitignan mo jan?"-Si Mary Rose, may hawak itong libro na sa tingin ko ay encyclopedia.
"Hinahanap ko yung picture, dito ko lang nakita sa mesa yun eh"-Ako.
"Baka naman wala na jan"-Mary Rose.
"Hindi. Andito lang yun eh"-Ako.




"Naku, hindi pwedeng makita ni Kristine yung picture!. Sana hindi niya mahanap. Pag nagkataon, lagot ako kina Don Lee nito eh. Pati na rin kay Sir Emil"-Mary Rose.




Patuloy ko pa ring hinahanap yung picture, ang kaso hindi ko na makita. Sa Mesa, drawer, cabinet maging sa may Ref nga nandun eh hinanap ko, eh waley talaga eh.
"Friendship wag mo na kasing hanapin yun!. Punta nalang tayo ng Mall para di tayo maboring, magpa manicure tayo, magpa spa. Tamang tama diba magpapadala ka ng pera sa lola mo?"-Mary Rose.
"Ay oo nga friendship. Kailangan ko palang magpadala ng pera ngayon kay Lola para sa pampa check up niya"-Ako.
Nakahinga ng maluwag si Mary Rose, para siyang nabunutan ng tinik.
"O yun naman pala eh, kaya halika na?"-Mary Rose.
"Teka lang. Lalabas tayo ng naka pantulog lang? Diba pwedeng magpalit muna ng damit?"-Ako.
"Ay oo nga ano?. Halika na magpalit na tayo ng damit"-Mary Rose.





Nang matapos magpalit ng damit si Mary Rose agad niyang tinawagan si Wu Chun.
"Hello Sir"-Mary Rose.
"O Mary Rose, napatawag ka? May problema ba jan?, may nangyari ba kay Kristine?"-Sunod sunod na tanong ni Wu Chun kay Mary Rose.
"A Sir wala naman pong problema. Wala rin pong nangyaring masama kay Kristine. At napatawag po ako kasi gusto ko pong ipaalam sa inyo na pupunta po kami ngayon ni Kristine sa mall."-Mary Rose.
"Ah ganun ba? Okay sige. Aliwin mo muna siya. Habang nag reready kami rito. Siguraduhin mo lang na hindi siya pupunta rito okay?"-Wu Chun.
"Okay po Sir"-Mary Rose..
"And if may kailangan kayo, lalo na siya sabihin niyo lang sa akin. Sige ingat kayo"-Wu Chun
"Sige po Sir kayo din po"-Mary Rose.

"Hmmm inlove na nga kay Kristine si Sir Wu Chun. Masaya to!"-Mary Rose. "Matext nga si Sir Calvin".

"Sir Calvin, Confirmed!"-Mary Rose.

Message sent.

Tapos na rin akong magbihis, pagbaba ko nakita ko si Mary Rose na naghihintay na sa akin sa may sala.
"Ano? Tara na?"-Ako.
"Okay, Lets go friendship!"-Excited na sabi ni Mary Rose.






MALL:

"Grabe busog na busog na ako friendship!. Ang sasarap ng mga pagkain na kinain natin!."-Ako.
"To naman parang first time kumain,. Pero infearness friendship gwapo yung nag serve satin kanina diba?"-Mary Rose.
"Oo naman. Halos lahat yata ng mga empleyado dito sa mall na to eh puro mga gwapo. Yung mga girls naman ang gaganda din pero wala silang magagawa kasi mas maganda naman ako sa kanila."-Ako.
"Hem, binuild up ang sarili teh?, pero sabagay tama ka. Kakaiba nga yang ganda mo eh."-Mary Rose.
"O di inamin mo rin na maganda talaga ako"-Ako.
"Oo na maganda ka na. Alam mo may alam akong magandang bilihan ng mga shoes dun oh. Tara bili tayo"-Mary Rose.






Shopping dito, shopping doon ang ginawa namin ni Mary Rose. Hindi na nga kami magkanda ugaga sa pagbitbit sa aming mga shopping bags.
"Friendship, kailangan na pala natin umuwi magsasara na pala tong mall"-Mary Rose.
Tinignan ko yung orasan ko. Mag na nine na pala ng gabi.
"Sige tara na. Uwi na tayo"-Ako.






Paglabas namin sa mall, may mga sumalubong sa aming mga reporters. Nilapitan kami ni Mary Rose, at hinarang kami sa daan. May mga nagkikislapang mga camera na nakatutok sa amin.
"Hi diba ikaw yung magandang girlfriend ni Wu Chun?"-Reporter#1.
"Ah oo ako nga"-Ako.
"Bali balita kasi na naghiwalay na raw kayo ni Wu Chun. Totoo ba yun?"-Reporter#2.

Hindi ako nakapagsalita sa tanong nung isang baklang reporter. Actually nabigla nga ako sa tanong niya eh. Buti nalang anjan si Mary Rose na siyang sumagot sa tanong na para sa akin.

"Hindi totoo yang issue na yan."-Mary Rose.
"Kung hindi totoo, bakit hindi sila magkasama ngayon?"-Reporter#3.
"May appointment kasi na pinuntahan si Sir Wu Chun ngayon kaya hindi sila magkasama. Actually si Sir nga ang gumastos ng ipinanshopping namin ngayon. Yun lang thank you". "Friendship halika na"-Mary Rose

Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon