CHAPTER TWENTY PART FOUR

15 1 0
                                    

KRISTINE'S POV:

December 10, 2009:

Yan ang araw na biniyagan ang anak naming si Nei Nei. Certified celebrity naman si Nei Nei sa araw na iyon dahil pinagkaguluhan siya ng mga bisita sa binyag.
"Look Nei Nei oh, ang dami mong bisita oh"-Sabi ni Wu Chun sa anak namin. Nag smile lang si Nei Nei.

Dalawang buwan palang ang anak namin ni Wu Chun My loves ay marunong ng makisama sa mga tao. Although hindi pa ito nakakapagsalita ay dinadaan muna niya sa pag smile ang mga taong makakasalamuha niya.
"Babe, naka smile na naman siya oh"-Ako.
"I'm sure may gusto na naman siyang sabihin"-Wu Chun.

May 2, 2011:

"Babe, desidido ka na ba jan sa gagawin mo?"-Ako
"Oo Babe. Kailangan ko talagang gawin to. Saka gusto ko naman na talagang tumigil na sa pag aartista para mas lalo akong magkaroon ng oras sa inyo ng mga Anak natin."-Wu Chun.

Malungkot ako sa araw na iyon. Nagdecisyon na kasi si Wu Chun my loves na tumigil na sa pag aartista at ang dahilan niya ay magfofocus nalang siya sa amin at sa mga businesses namin.

Pero yung lungkot na iyon ay biglang nawala ng maalala ko yung dapat kong sabihin sa kanya.
"Babe, may sasabihin nga pala ako sayo."-Ako.
"Ano yun babe?"-Wu Chun.
"One month pregnant na ako babe. Magkaka anak na ulit tayo"-Ako.
"Talaga?!. Magiging Daddy na ulit ako?"-Wu Chun.
Tumango tango nalang ako sa kanya. Habang siya naman ay masayang nagtatatalon sa kwarto namin. Tapos sigaw ng sigaw. Kaya naman sila Lola Gina ay hinihingal pa ng pagbuksan ko ng pinto.
"ANONG NANGYAYARI DITO MGA APO? MAY SUNOG BA? NASAN NASAAN YUNG SUNOG?"-Lola Gina.
Sabihin niyo nga sa akin, OA ba si Lola Gina ko o talagang OA lang talaga siya?.
"Lola Gina wala pong sunog. Kalma ka lang po"-Mahinahon kong sabi kay Lola Gina ko.
"Eh bakit nagsisigaw itong asawa mo?"-Lola Gina. Tinuro pa talaga si Wu Chun my loves na hanggang ngayon eh sigaw pa rin ng sigaw.
"O.A. lang po yan Lola kasi sinabi ko po sa kanya na magiging tatay na po siya ulit."-Ako.
"O eh yun naman pala............... teka? Buntis ka ulit?"-Lola Gina.
Tinanguan ko nalang si Lola Gina. Tapos ayun gumaya din siya kay Wu Chun my loves na sigaw din ng sigaw!.



"Babe, bilhan mo ako ng French fries yung large, tapos Chicken nuggets at saka donut yung white bavarian. Wag mo kalimutan yun babe ah"-Parang bata kong sabi kay Wu Chun my loves.
"Okay Babe, sige bibilhan kita. Ano pa bang gusto mo?"-Wu Chun.
"Syempre gusto ko ikaw!. Umuwi ka ng safe babe ah. I love you"-Ako.
"Promise uuwi ako ng safe. I love you too"-Wu Chun.



Habang tumatagal ang marriage life namin ni Wu Chun my loves mas lalo kaming nagiging sweet sa isa't isa.
Paminsan minsan hindi din namin maiwasan ang mag away, pero naaayos din namin kaagad. Kaya masasabi ko talaga na matibay ang pagmamahalan namin.



February 9, 2012:

Ito yung araw na isinilang ko ang pangalawa kong anak na si Max,. Lalaki po siya. Sabi nga po ng lahat mini Version ni Wu Chun my loves si Max.




"Kamusta ang baby ko? Ha?"-Sabi ni Wu Chun my loves habang binubuhat niya si Baby Max. Hindi umiiyak ang anak ko kapag ang daddy niya ang kumakarga sa kanya. Nakakaselos nga eh kasi kapag ako ang nagkarga sa kanya iiyak yan.
"Namimiss daw niya ang daddy niya."-Ako.
"Ay namimiss mo ako Baby?. Pinaiyak ka na naman ba ng Mommy mo?. Wag kang mag alala paparusahan natin si Mommy okay?"-Wu Chun.
"Ayan ka na naman Babe ah."-Ako.
"Ibang klaseng parusa ang ibibigay natin sa Mommy mo Baby Max."-Wu Chun.
"Loko"-Ako.





At kung tinatanong ninyo kung ano na ang nangyari kina Bestie Liesly ko at Calvin, kasal na rin sila at mayron nang isang anak na babae. Happy ako para sa Bestie ko kasi nakahanap na siya ng happy ever after niya.
Sina Aaron at Jiro naman ay patuloy pa rin sa pag aartista. Katunayan nga halos lahat ng mga eneendorse nilang mga product laging out of stock sa dami ng bumibili. Pati album nilang dalawa isang buwan palang narerelease ubos na agad. Ganun sila kasikat. Pagdating naman sa lovelife medyo hindi sila sinuswerte.
Si Lola Gina kasama naming nag aalaga kina Nei Nei at Max. Sina Manang Joy at Molly naman ay nanatili pa rin sa Mansion. Si Manang Bebeth naman ay siguradong masaya na siya sa heaven. Namatay kasi siya last month sa sakit na Diabetes.
Sina Don Lee, Senyorita Lea at Senyorito Leo naman ay maayos rin Weekend kung dumalaw sila dito sa amin. Lagi silang nagdadala ng mga pasalubong para sa amin. Si Ella ayun siya nakakulong pa rin sa city jail hanggang ngayon. Nang minsang dinalaw ko siya sa city jail ay malaki na ang kanyang ipinagbago, sa kanyang physical appearance ay umitim siya, humaba na rin ang kanyang buhok at pumayat siya. Sa kanyang pag uugali naman ay naging matulungin at syempre bumait na siya. Humingi na rin siya ng tawad para sa mga kasalanang nagawa niya sa akin. At pinatawad ko na rin naman siya. Si Rain naman ay nililigawan niya si Selina, si Hebe naman ay nakatira na sa America at doon ipinagpatuloy ang pag aartista niya.

Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon