KRISTINE'S POV:
"Oo nga po Mommy. Salamat sa diyos at ligtas na po tayong lahat sa mga kamay ni Ella."-Ako.
"Anak, wag mo ng isipin si Ella. Ang isipin mo nalang ngayon eh ay ang magiging anak mo at syempre ang pinakamamahal mong si Wu Chun."-Daddy.
"Tama ang Daddy mo anak, saka kailangan mong magprepare para sa kasal ninyo at sa panganganak mo"-Mommy.
"Mommy, hindi pa nga po nagpopropose sa akin si Wu Chun my loves eh kasal agad ang nasa isip mo"-Ako."Eh anak alam naman namin ng Mommy mo na doon din kayo pupunta ni Wu Chun eh. Para saan pa at naging kayo. At higit sa lahat kailangan ka niyang panagutan dahil magkaka anak na kayo."-Daddy.
Tama nga naman si Daddy ko.
WU CHUN'S POV:
"Ano na ang plano mo ngayon bro? Wala na si Ella na panggulo sa buhay ninyo ni Kristine"-Calvin.
"Pakasal na yan bro"-Tukso sa akin ni Aaron.Andito kami ngayon sa bagong bar na pag aari ni Calvin.
"Tama si Aaron pinsan, pakasalan mo na si Kristine. Babagal bagal ka., sige ka baka mawala pa siya sayo, baka pagsisihan mo pa."-Rain.Kasama na rin namin si Rain ngayon. Parte na rin siya ng grupo namin.
"Since tinutukso niyo na rin lang ako, sige magpopropose ako kay Kristine."-Wu Chun.
"Yun oh"-Nag apiran pa yung apat sa harap ko.
"But in one condition"-Wu Chun.
"Anong condition na naman yan bro?"-Jiro.
"Kailangan ko ang tulong ninyo. Tulungan niyo akong magplano para sa gagawin kong proposal para sa kanya."-Wu Chun.
"Dapat niyan eh maging special yung proposal mo para sa kanya. Yung bang tipong memorable."-Aaron.Ilang araw din naming pinagplanuhang mabuti yung pagpopropose ko kay Kristine. Ang dasal ko lang sana eh Umoo siya. Alam ko namang yun ang isasagot niya sa akin dahil lagi niyang sinasabi sa akin na mahal na mahal niya ako. At ganun din ako sa kanya.
KRISTINE'S POV:
"Bestie kailangan ko ng umuwi, baka kasi hinahanap na ako ni Wu Chun my loves eh, baka nag aalala na yun sa akin."-Ako.
"Eh wag ka munang umuwi Bestie. Dito muna tayo sa mall. Saka maaga pa oh. I enjoy muna natin ang pagsashopping."-Bestie Liesly.Sa totoo lang kanina pa ako nagdududa sa mga ikinikilos ni Bestie Liesly ko. Kaninang umaga gusto kong puntahan sana si Wu Chun my loves sa shooting niya kaso biglang dumating si Bestie at inaya ako magpunta dito sa mall. Nung tatangkain kong tawagan si Wu Chun my loves, pinigilan niya ako at talagang kinuha pa ang cellphone ko. Dahilan niya ay bawal daw mag cellphone habang nagsashopping. Samantalang kanina ko pa siya napapansin na text ng text. O diba ang higpit ng Bestie Liesly ko sa akin. Daig pa ang Lola Gina ko at ang mga magulang ko sa paghihigpit sa akin hehehe. Alam kong may tinatago itong si Bestie Liesly ko sa akin, pero sa ngayon ay hahayaan ko muna siya. Hanggang sa mag open up siya sa akin.
After naming magpa salon, saka lang nagdecide si Bestie Liesly ko na umuwi na kami.
Pag-uwi namin sa Mansion ay kapansin pansin na walang katao tao sa loob.
"Bestie asan kaya silang lahat? Bakit walang tao rito sa loob?"-Tanong ko kay Bestie Liesly. Pero walang sumagot sa akin. Pagtingin ko sa likod ko ay wala na si Bestie liesly ko. Dahil doon ay nagsimula na akong kabahan.Hindi pa ako halos nakakagalaw ay may humawak na sa magkabilang braso ko.
"Sumama ka nalang po samin Ma'am ng maayos"-Sabi nung isang lalaki.
"Para hindi ho kayo masaktan ng magiging anak ninyo."-Lalaki#2.
"Teka? Sino ba kayo ha? At paano niyo nalaman na buntis ako. Kilala ko ba kayo? Kilala niyo ba ako?"-Kinakabahan kong tanong sa kanila.
"Malalaman niyo nalang po mamaya Ma'am. Pero sa ngayon ay kailangan niyo pong sumama sa amin"-Lalaki#1.
"Teka saan niyo ba ako dadalhin?"-Ako.
Piniringan ako nung isang lalaki. Kaya mas nadagdagan ang tindi ng kaba ko."Sige tanggalin mo na yung piring niya."-Utos nung isang lalaki sa isa niyang kasamahan.
Tinanggal nga nung isang lalaki yung piring sa mga mata ko. Sa una ay medyo nasilaw pa ako dahil nabigla yung mga mata ko sa sobrang liwanag sa paligid ko.Ngayon ko lang narealize na nasa garden pala ako ng Mansion.
Nakatayo ako sa stage na talagang set up. At sa malaking SCREEN ay may nagpa flash pang mga pictures namin ni Wu Chun my loves.
Maya maya lamang ay narinig kong kumakanta ng GOD GAVE ME YOU sina Calvin, Jiro, Aaron at Rain.
Nung tapos na silang kumanta ay nakita kong palapit na sa akin si Wu Chun my loves.
So ayun nga nakalapit na nga sa akin si Wu Chun my loves. Nahalata kong pinagpapawisan siya at kinakabahan. Bago siya magsalita ay humugot muna siya ng isang malalim na buntong hininga.
"Babe, alam kong kanina ka pa nagtataka kung bakit hindi ako nagpakita sayo ng buong araw, pati na rin yung pangungulit ng Bestie Liesly mo sayo kanina. And i am sorry for that. Kinasabwat ko ang Bestie mo para magawa ang lahat ng mangyayari ngayong gabi."-Wu Chun.
"A...a...anong ibig mong sabihin babe?"-Ako.
"Babe sandali lang patapusin mo muna ako sa sasabihin ko. Marami na tayong pinagdaanan sa mga buhay natin, mga challenges na hindi basta basta."-Wu Chun
BINABASA MO ANG
Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)
RandomIsang napakamaningning na bituin na napakahirap abutin, pero pilit na inaabot. Yan ang laging nasa isip ni Kristine. Mahirap lang si Kristine Pero may pangarap sa buhay at yun ay ang makita sa personal ang kanyang ultimate crush na si Wu Chun. Sa to...