KRISTINE'S POV:
Nang sabihin sa akin nung unknown caller yung address ng hospital na pinagdalhan kay Wu Chun my loves ay nagmadali kaming pumunta roon ni Bestie Liesly ko.
"Manong hintayin niyo nalang po muna kami dito."-Bilin ni Bestie Liesly ko kay Manong Jose na siyang naghatid sa amin papunta dito.
"Bestie magdahan dahan ka naman!."-Sabi ni Bestie Liesly sa akin, nagtatakbo kasi ako papunta sa Nurse Station.
"Miss itatanong ko lang po sana kung saan po yung kwarto ni Wu Chun?"-Tanong ko sa isang Nurse.
"Sandali lang po Ma'am ha i checheck ko lang po kung saang room po siya."-Nurse.
Binuklat nung Nurse yung isang makapal na logbook. At may hinanap doon.
"Ma'am nasa Room 264 po siya."-Nurse.
"Saan po ang daan papunta doon?"-Bestie Liesly.
"This way po Ma'am"-Tinuro nung Nurse yung daan papuntang kwarto ni Wu Chun my loves.Narating namin yung kwarto ni Wu Chun my loves. Naroon sa loob sina Don Lee, Senyorita Lea at Senyorito Leo. Matalim ang tingin na ibinigay sa akin ni Senyorita Lea.
"ANONG GINAGAWA MO DITO?!"-Galit na tanong sa akin ni Senyorita Lea.
"Andito po ako para dalawin si Wu Chun"-Magalang kong sagot kay Senyorita Lea.
"HMP! NAKUHA MO PANG DUMALAW SA KANYA, SAMANTALANG IKAW ITONG DAHILAN NG PAGKAKA AKSIDENTE NIYA!"-Senyorita Lea.
"Lea, wag ka namang sumigaw. At wag mong sisihin si Kristine sa nangyari sa kapatid natin dahil wala siyang kasalanan at alam nating pareho iyan."-Senyorita Leo.
Hindi na nakapagsalita si Senyorita Lea. Si Don Lee naman ay nanatiling tahimik hanggang sa makauwi na sila at kami nalang ni Bestie Liesly ko ang naiwan sa hospital para magbantay kay Wu Chun my loves.Nakahiga sa hospital bed si Wu Chun my loves, dextrose lang ang nakakabit sa kanya.
"Bestie tatawagan ko na lang muna si Maricorn. Doon muna ako sa labas, wala kasing signal dito sa loob eh."-Bestie Liesly.
"Okay sige"-Ako.
Pagkalabas ni Bestie Liesly ko ay hinawakan ko ang kaliwang kamay ni Wu Chun my loves.
"Salamat sa diyos at walang nangyaring malubha sa iyo"-Ako.
Ayon kasi kay Senyorito Leo galos lang sa kaliwang braso ang nakuha ni Wu Chun my loves. Kaya naman nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Tinitigan ko ang mala anghel na mukha niya, hinaplos haplos ko pa nga iyon, hanggang sa nakatulugan ko na iyon.Nagising ako dahil sa naramadaman kong may humahaplos sa mukha ko. Pagmulat ko ng mga mata ko nakangiting mukha ni Wu Chun my loves ang bumungad sa akin.
"Diyos ko lord ang gandang panaginip naman ito!"-Ako.
"Hindi ka nananaginip Babe, totoo to!"-Wu Chun.
Tinampal tampal ko pa ang mukha ko para patunayan kung nananaginip lang ba ako o totoo talaga!. Pero naramdaman ko yung pagtampal tampal ko sa mukha ko, kaya totoo nga na gising na si Wu Chun my loves!!!!!. Agad ko naman siyang niyakap ng mahigpit, yung tipong parang hindi na siya makahinga!. Wala siyang magagawa dahil na miss ko siya eh!.
"A...ray B-babe. Hindi nga ako namatay sa aksidente, mukhang mamamatay naman ako sa pagyakap mo sa akin"-Wu Chun.
Bumitiw naman ako sa pagkakayakap ko sa kanya.
"Ay sorry babe. Ikaw naman kasi eh hindi ka nag iingat!. Paano kung natuluyan ka na!, paano na kami ni Baby kung wala ka na!"-Umiiyak kong sabi sa kanya. Naging emosyonal na naman ako.
"Ikaw naman makaiyak ka para namang patay na ako niyan. Hindi ako pwedeng mamatay babe at alam mo naman ang dahilan kung bakit diba?"-Wu Chun.
Tumango lang ako sa kanya.ELLA'S POV:
"Bwisit!"-Ella
Ibinato ko yung cellphone ko sa may sofa.
"O bakit mo ibinato yang cellphone mo?"-Sabi ni Rain na kakapasok lang at may dalang tatlong bote ng Beer.
"Hindi ko macontact si Molly!"-Ella.
Napahawak ako sa sentido ko sa sobrang asar ko kay Molly. Gusto kong malaman kung ano na ang nangyari kay Wu Chun.Tama! Alam ko yung tungkol sa nangyaring aksidente kay Wu Chun. Ako ang may kasalanan kung bakit naaksidente siya. Kaya ko lang naman nagawa iyon ay dahil sa gusto kong makaganti kay Kristine. Pero sa huli ay nagsisisi ako sa ginawa kong iyon.
"Baka naman kasi busy lang yung tao kaya hindi niya sinasagot yang tawag mo. Bakit mo nga pala siya tinatawagan?"-Rain.
Umupo ako sa sa may single sofa. Ikinuwento ko kay Rain yung ginawa kong pagbangga sa kotseng sinasakyan ni Wu Chun.Syempre pinagalitan ako ni Rain.
"Bakit mo naman ginawa yun Ella? Hindi mo ba alam na dahil sa ginawa mong iyon ay maaari kang makulong?"-Rain.
"Oo alam ko. Kaya ko lang naman nagawa iyon kasi sa kagustuhan kong makaganti kay Kristine!. Pero hindi ko ginusto yung nangyaring iyon kay Wu Chun."-Ella.
"Okay sabi mo eh. Pero paano kung may nakakita sa ginawa mo? At idiin ka? Anong gagawin mo?"-Rain.
"Syempre hindi ako aamin!."-Pagkasabi ko nun ay tumayo ako at saka ako umakyat papuntang kwarto ko."Hindi ako aamin sa ginawa kong iyon. Atleast nakaganti na ako sayo Kristine!. Hmp! Magdusa ka ngayon!. Bwisit ka!"-Ako.
Selina's house:
"Kasalukuyan pong nakaconfine sa Goh General Hospital Medical Center si Asian Superstar at Fahrenheit Leader Wu Chun. Kahapon kasi ay nabalitaang naaksidente siya sakay ng kanyang kotse. At ayon din sa report ay may nakakita sa pangyayari. Hawak na rin ng mga pulis ang witness at pinaghahanap na rin ng mga pulis ang suspek na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila pinapangalanan"-News reporter.
BINABASA MO ANG
Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)
DiversosIsang napakamaningning na bituin na napakahirap abutin, pero pilit na inaabot. Yan ang laging nasa isip ni Kristine. Mahirap lang si Kristine Pero may pangarap sa buhay at yun ay ang makita sa personal ang kanyang ultimate crush na si Wu Chun. Sa to...