KRISTINE'S POV:
"Kristine, ngayon ang ituturo ko sayo ay ang pag save ng mga files na kailangan ni Boss Chun. Gagamitin mo itong USB at syempre itong laptop na binigay ko sayo"- Arcelie
Kasalukuyan akong nasa Library kasama si Arcelie. Tinuturuan niya ako ng mga bagay na dapat kong gawin sa trabaho ko bilang Personal Assistant ni Wu Chun my loves. Sa umpisa ay mahirap pero nag eenjoy ako. Bale First day ko ngayon, pero ayon kay Arcelie sinabi ni Wu Chun my loves sa kanya na wag muna akong i pressure pag dating sa trabaho at isa pa ay bisperas ng pasko. Kaya naman busy ang lahat ng mga tao sa mansion,.
"Pagkatapos mong i save itong mga files ni Boss Wu Chun. Eto naman ang susunod mong gagawin"-kinuha ni Arcelie ang isa na namang folder. Naglalaman iyon ng mga script na para kay Wu Chun.
"Kailangan ikaw ang magtago nito, pero kailangan lagi mo itong dala saan man kayo magpunta, para pag hinanap niya ito ay maibigay mo agad agad sa kanya. Naintindihan mo ba ako?"-Arcelie.
"Oo, naintindihan kita."-Ako
"Kristine,pinapaalalahanan kita ha. Sa uri ng trabaho mo hindi pwede ang pabanjing banjing lang. Kailangan lagi kang naka focus, Ayaw ni Boss Wu Chun ang tatanga tanga pagdating sa trabaho. Okay ba yun?"-Arcelie.
Talaga pang idiniin niya yung word na Tatanga tanga, hoy Arcelie masakit kaya yung word na yun. Ikaw kaya sabihan ko nun, hehehe.
"Oo okay yun"-Ako.Alas sais na ng gabi at nasa kwarto ko parin ako., naisipan kong tawagan si Bestie Liesly sa skype. At di nagtagal ay sinagot niya ang tawag ko.
"Hi Bestie!, kamusta ka na kayo jan nila Lola at ng Daddy mo?"-Ako.
"Hello Bestie!. Okay lang naman kami dito. Ay wait lang tatawagin ko lang sila. Nasa baba kasi silang dalawa, tumutulong sa pag aayos ng mga pagkain para sa Noche Buena mamaya."-Bestie Liesly.
Nakita kong bumaba si Bestie, tas lumitaw na lang ang mukha ni Lola Gina ko at ng Daddy ni Bestie sa screen ng laptop niya..
"Hi Apo! Kamusta ka na jan?!"-Lola Gina.
"Hello po Lola, Tito. Eto ayos lang naman po ako dito. Medyo nakapag adjust na po ako."-Ako.
"Ay naku salamat naman at ayos ka lang jan. O ano kumain ka na ba jan apo?"-Lola Gina
"Hindi pa po ako kumain lola, kasi po nilalaan ko po yung space sa tiyan ko para po sa noche buena mamaya".-Ako
"Ikaw talaga bestie basta sa pagkain talagang reading ready ka."-Bestie. Nagtawanan yung tatlo sa sinabi ni Bestie.
"Bakit Bestie? Tingin mo ikaw hindi ganun?"-bawi ko naman kay Bestie ko, tapos nagtawanan ulit yung tatlo.
"Iha! Mukhang hiyang na hiyang mo jan sa Brunei ah"-si Tito yan Daddy ni Bestie Liesly.
"Oo nga apo! Pumuti ka ah,. Dati dati yang balat mo parang uling. Ngayon parang parang bawang na sa sobrang puti!"-Lola Gina.
"Oo nga bestie, nagpa belo ka ba? Isama mo naman ako oh hehe"-Bestie Liesly.
"Grabe kayo sakin ah, pasalamat kayo wala ako jan. Dahil kung nanjan lang ako baka puno na ng bukol yang mga noo niyo"-Ako.
Puro kwentuhan at tawanan lang ang ginawa namin sa skype. Nasabi ko na rin pala kina Bestie Liesly na amo ko si Wu Chun. Sa una ayaw maniwala ni Lola, pero naniwala lang siya nung mismong ang Daddy ni Bestie ang nagkumpirama kay Lola Gina ko. Pagkatapos kong makipagkwentuhan sa kanila ay itinago ko yung Laptop sa cabinet ko, at saka ako naghanda para sa party na gaganapin mamaya. Simple lang yung suot ko pero eleganteng tignan. Isa iyong cocktail dress na color red, na hindi aabot sa tuhod ang haba. In short kita yung legs ko. Yung suot ko ngayon ay bigay to sakin ni Bestie nung birthday ko. Sinadya ko talagang dalhin to para just in case na may mga ganitong mahalagang okasyon eh may maisuot akong matinong damit. Sinundo ako ni Arcelie at Manang Joy.,
"Wow!"-Magkasabay nilang sabi yan.
"Ilabas mo si Kristine namin, please"-Manang Joy.
"Manang Joy ako po to., medyo nag evolve lang po ng konti"-Ako.
"Konti pa pala yang lagay na yan ah"-Arcelie.
"Oh siya baba na tayo,. Sigurado ako marami ng tao sa baba."-Manang Joy.Pagbaba namin ay agad kaming dumeretso sa garden kung saan gaganapin yung party. Marami ng tao ang naroon,. Karamihan sa mga bisita nila ay puro mga mayayaman.
Nagsimula na yung party, nagpatugtog ng mga nakaka indak na sayaw.
"Kristine!, tara sayaw tayo"-Arcelie.
Niyaya ako ni Arcelie na sumayaw, sumunod sa amin si Manang Joy na todo bigay sa pag sayaw. Ako naman ay medyo mahinhin lang ang pag sayaw ko dahil kakakain ko lang.. Pagbalik namin sa dati naming pwesto ay sakto naman ang pagdating ng Goh Family sa venue., nakasuot ng tuxedo sina Don Lee, Senyorito Leo., napakaganda naman ni Senyora Lea sa suot nitong color red gown.. Parang natigil ang mundo ko ng mapatingin ang ako kay Wu Chun my loves na kapapasok lang, gwapong gwapo ito sa suot nitong color black tuxedo, black pants, black shoes with matching shades. Kasama niya yung ka-loveteam niyang si Ella Chen, siya yung sa Hana Kimi..
"Hay naku! Kasama na naman ni Sir Wu Chun yang babaeng yan?"- Manang Joy.
"Ikaw naman Manang Joy, parang di ka naman nasanay kay Sir Wu Chun na lagi niyang kasama si Ma'am Ella"-Molly.
"Hmp basta para sa akin hindi sila bagay ni Sir Wu Chun. Mas bagay nga si Kristine at si Sir Wu Chun eh."-Manang Joy.
"Hmp as if naman patulan siya ni Sir Wu Chun. Eh wala pa nga siya sa kalingkingan ni Ma'am Ella."-Mataray na sabi ni Molly.
Medyo masakit sa akin ang sinabi ni Molly, although totoo naman iyon.
"Hoy Molly magtigil ka nga sa mga pinagsasabi mo!. Paskong pasko ganyan ang ugali mo. Saka nandito tayo para mag saya hindi para laitin si Kristine"-Manang Bebeth.
For the first time sa tatlong araw ko na dito sa Brunei, ipinagtanggol ako ni Manang Bebeth kay Molly.
![](https://img.wattpad.com/cover/59402745-288-k143303.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)
RandomIsang napakamaningning na bituin na napakahirap abutin, pero pilit na inaabot. Yan ang laging nasa isip ni Kristine. Mahirap lang si Kristine Pero may pangarap sa buhay at yun ay ang makita sa personal ang kanyang ultimate crush na si Wu Chun. Sa to...