CHAPTER SEVENTEEN PART TWO

12 0 0
                                    

KRISTINE'S POV:

"A...a...a...anak ko?"-Hinawakan nung babae yung magkabilang pisngi ko at saka niya ako niyakap. Pati yung lalaki ay nakisali na rin sa amin. Nakaramdam ako ng sinasabing lukso ng dugo.


"Tama na muna yang iyakan niyo jan. Nagugutom na ako. Wala bang pagkain?"-Reklamo ni Lola Gina.
Pati nga ako eh nagugutom na este pati kami pala ng anak ko hihi.


Sa buong maghapong iyon ay kwentuhan lang kami ng kwentuhan. Nalaman ko na nag iisang anak lang pala talaga ako. Hindi na ako nasundan kasi delikado magbuntis ang Mommy ko. Nasabi ko na rin pala sa mga magulang ko na buntis ako at si Wu Chun ang ama. Hindi naman nagalit yung parents ko, kasi wala naman na daw silang magagawa andito na to eh. Ang magagawa nalang nila since bumalik na ako eh gagabayan nalang nila ako.


"Hi Bestie Kamusta?"-Bungad ko kaagad kay Bestie Liesly. Tinawagan niya kasi ako. I'm sure makikibalita na naman ito.
"Eto mabeauty pa rin pero stress na stress ako."-Inis na sabi niya sa akin.
"At bakit ka naman stress?"-Ako
"Eh kasi naman itong si Calvin nagpromise na magdedate kami kahapon ang kaso hindi na naman natuloy kasi nga sumingit na naman yung interview niya sa talk show. Tapos isa pa tong jowabels mo, araw-araw gabi-gabi akong iniistorbo! At take note lasing na lasing. Naku! Nagmumukha na akong zombie nito ah!. Nakakaloka!"-Bestie Liesly.


Hinahanap na pala ako ni Wu Chun my loves.
"So hinahanap niya pala ako."-Ako.
"Oo Bestie hinahanap ka na niya. At eto pa ang kailangan mong malaman. Alam na niya kung sino ka talaga, alam na niya yung tunay mong pagkatao."-Bestie Liesly.
Hindi ako nakaimik sa mga sinabi sa akin ni Bestie Liesly.
"Paano naman niya nalaman?"-Ako.
"Bestie hindi ko alam eh. Hindi ko naman sinabi sa kanya."-Bestie Liesly.


"Bestie, kailan pala kayo babalik ni Lola Gina dito?"-Pag change topic ni Bestie Liesly ko. Marahil ay gusto lang niyang maalis yung pangamba ko.
"Bukas na bukas din Bestie babalik kami jan ni Lola Gina."-Ako.


WU CHUN'S POV:

"Chun I heard na lagi ka nalang daw umuuwing lasing?. Si Kristine ba ang dahilan kung bakit naglalasing ka?"-Senyorito Leo.
Pareho kaming nasa garden ng kuya ko sa mga oras na ito.
"I wonder kung bakit ka na inlove kaagad dun sa babaeng iyon. Kasi siya at si Lin ay iisa lang tama ba ako?"-Senyorito Leo.
"Tama ka. I fell in love for her. I really am."-Maikling paliwanag ko sa kuya ko.
"Then fight for her. Kailangan mapatunayan mo Kay Dad at kay Lea na Kristine deserves to be part of our family especially you."-Senyorito Leo.


Nang iwan ako ni Kuya dito sa garden ay muli kong inalala yung araw na nalaman ko yung totoo.


Flashback:

"Sige bro, uwi na ako ah baka kasi andun na si Kristine eh"-Sabi ko kina Jiro at Aaron na busy sa kakabasa ng kanilang mga script.




Nakauwi na ako sa Mansion namin, paakyat na sana ako nang mapansin kong nag uusap usap sina Molly, Manang Joy at Manang Bebeth. At hindi naman sinasadya na marinig ko yung usapan nila na nagpagimbal sa akin.
"Hindi ko talaga akalain na buhay pa pala si Lin."-Manang Bebeth.
"Oo nga po eh. Kahit po ako hindi ko din akalain yun."-Molly.
"At nabuhay siya sa katauhan ni Kristine. Kaya in short si Kristine at si Lin ay iisa."-Manang Joy.




"Ano po yung sinabi ninyo? Manang Joy?"-Wu Chun.
Nagulat silang tatlo pagkakita sa akin.
"Manang Joy tinatanong po kita. Ano yung sinabi mo? Si Kristine at si Lin ay iisa?"-Pangungulit ko kay Manang Joy.
"Sabihin mo na Joy yung totoo. Ito na yung tamang panahon para malaman ni Sir yung katotohanan. Tutal wala naman na si Kristine dito."-Manang Bebeth.





Tulong tulong silang tatlo na nagkwento sa akin yung totoong katauhan ni Kristine. Ganun na lang ang galit ko nang malaman kong alam na pala Nina Dad, Ate Lea, Ella, Selina,Rain pati si Lola Gina at si Liesly na mismong bestfriend ng pinakamamahal ko.






"Sir, nasabi na po namin sa iyo yung katotohanan. Sana naman po Sir huwag niyo po kaming tatanggalin sa trabaho. Alam naman po ninyo na kami lang po ang inaasahan ng mga pamilya namin."-Paki usap ni Molly.
"Wag kayong mag alala hindi ko kayo tatanggalin sa trabaho. Salamat at inamin ninyo sa akin ang katotohanan"-Wu Chun.





Pagkatapos ng shooting namin ay dinala ko si Ella sa isang restaurant. Nirent ko ang buong restaurant na iyon, at nirequest ko sa mga nagtatrabaho na huwag munang tumanggap ng mga costumers. Sinadya ko talaga gawin iyon dahil gusto kong makausap si Ella ng masinsinan. Yung tipong walang makakarinig sa pag uusapan naming dalawa.
"Ano ang dahilan mo at bakit dinala mo pa ako rito?"-Ella.
"Hindi ko na patatagalin pa. Since tinanong mo na rin lang ako ay gusto kong sabihin mo sa akin yung totoo."-May pagka sarcasm na sabi ko sa kanya.
"Ano ba kasi yang pinagsasabi mo?"-Naiiritang sabi ni Ella.
"Sabihin mo sa akin yung nalalaman mo tungkol sa totoong pagkatao ni Kristine."-Wu Chun.
"Ano ba naman Wu Chun..."-Ella.
"I. SAID. TELL. ME. THE. TRUTH!"-Sinigawan ko na si Ella.







I think natakot naman siya sa akin. Kaya napilitan siyang ikwento sa akin ang lahat lahat.






Hindi pala pamilya ni Kristine ang naging dahilan kung bakit bumagsak ang mga negosyo namin noon.

Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon