KRISTINE'S POV:
"Apo ko!"-Niyakap ako ni Lola Gina ko nang napakahigpit. Pati si Bestie Liesly ko ay nakiyakap na rin sa amin.
Iyak lang kami nang iyak.
"Lola Gina gusto ko po sanang itanong sa inyo kung nasaan ang tunay kong mga Magulang."-Sabi ko kay Lola Gina nang mahimasmasan ako.
Napabuntong hininga si Lola Gina.
"Alam ko kung saan matatagpuan ang mga magulang mo. Pasensiya ka na apo kung itinago ko sa yo ang tunay mong pagkatao. Sana mapatawad mo ako."-Lola Gina.
"Ako rin Bestie. Sorry din kasi hindi ko sinabi sa iyo na alam ko yung tungkol sa nakaraan mo."-Bestie Liesly.
"Sus! Wala yun Bestie, Lola. Alam ko naman po na kapakanan ko lang naman po ang iniisip ko. Dahil dun nagpapasalamat ako sa inyo"-Ako.Limang araw na akong hindi umuuwi sa Mansion. Kaya limang araw ko na din na hindi nakikita yung mga tao dun. Specially si Wu Chun my loves. Kahit Miss na miss ko na siya, kailangan kong magtiis kasi gusto ko munang hanapin yung totoo kong mga magulang. At kapag naayos na ang lahat saka ako magpapakita ulit sa kanilang lahat para linawin ang dapat na linawin.
"Handa ka na ba Apo?"-Tanong sa akin ni Lola Gina.
"Opo Lola handa na po ako"-AkoKasalukuyan kaming nasa Benggawan. Ang sabi sa akin ni Lola Gina dadalhin niya ako sa dati naming tirahan. At ayon din sa impormasyon na nakuha ko may dalawang matanda na nakatira doon ngayon. Kaya nagdesisyon kami ni Lola Gina ko na puntahan iyon. Nagbabakasakali kami lalo na ako na makita ang tunay kong mga magulang.
"Andito na tayo Apo"-Lola Gina.
Lumabas kami ni Lola Gina ko sa taxi na sinakyan namin. Paglabas ko, bumungad sa akin ang isang napakalaking gate na kulay dark green yung pang mayaman talaga. May dalawang guard na nakabantay doon.Nilapitan namin ni Lola Gina yung mga gwardya.
"Mga Manong, excuse me ho may itatanong po sana kami sa inyo"-Lola Gina.
"Ano ho iyon Manang?"-Sabi nung isang gwardya. Na naka shades pa.
"Itatanong ko lang po sana kung dito pa rin ba nakatira yung pamilya Ying?"-Lola Gina.
"Bakit? Sino po ba kayo?"-Sabi nung isang guard na kalbo. Kamukha ni Wally Bayola yung isang Host sa Eat Bulaga.
"Dati akong nagtatrabaho dito, gusto ko sana silang makita. Pwede ba?"-Lola Gina.
"Sandali parang kilala kita ha"-Sabi nung isang guard at nagtanggal pa talaga ng shades. Kamukha naman siya ni Jose Manalo yung sa Eat Bulaga din. "Manang Gina!!!.
"Sandali Bakit mo ako kilala?"-Lola Gina.
"Manang Gina, ako ito si Jose yung anak ni Mang Peter yung hardinero dito. At ito naman si Wally kapatid ko. Hindi lang halata kasi gwapo ako pangit siya. Hihihi"-Manong Jose.
"Grabi ka naman sa akin dooong"-Manong Wally.
"Eh teka? Manang Gina ano pong ginagawa niyo rito? At sino po yang magandang binibini? Ipakilala niyo naman po samin oh"-Manong Jose.
"Kagaya nga ng sinabi ko sa inyo kanina nandito ako para bisitahin si Senyor at Senyora anjan ba sila?"-Lola Gina.
"Naku hindi niyo po sila naabutan Manang Gina. Kaka alis lang po nila."-Manong Wally.
"Ganun ba?. Mga anong oras daw sila babalik?"-Lola Gina.
"Hindi po namin alam eh. Siguro matatagalan na naman po sila. Ngayon po kasi yung flight nila papuntang pilipinas. Nabalitaan po kasi nila na doon daw po nakatira yung nag iisa nilang anak na babae"-Manong Wally.
"Ano?!!!!!. Eh paano yan? Andito yung Anak nila."-Lola Gina.
"Ha? Nasaan po?"-Sabay na tanong nina Manong Wally at Manong Jose.
"Ako po yung Anak nila"-Sa wakas nakasingit na rin ako sa usapan.
Sabay sabay silang tumingin sa akin at talagang nanlalaki pa ang kanilang mga mata."LIIIIIINNNNN I...I...I...IKKAW NA BA YAN?"-Manong Jose/Manong Wally.
"Oo Ako nga!"-Ako.
Pagkasabi ko nun ay Tumakbo sila papunta sa akin at saka ako niyakap ng mahigpit. Naaalala ko na rin silang dalawa. Sila yung lagi kong kasa kasama noon na naglalaro sa loob ng hacienda. Kababata ko rin sila katulad ni Wu Chun my loves."Bago pa tayo matusta ng tuluyan sa araw pwede ba papasukin niyo na kami sa loob ng Mansion at nang makalanghap naman kami ng sariwang hangin galing sa hacienda."-Pagsingit sa amin ni Lola Gina.
Humiwalay mula sa pagkakayakap sa akin yung dalawa. Nakita ko na naluluha sila.
"Pasensiya na ho Manang Gina, ngayon lang ulit namin nakita si Lin eh."-Naiiyak na sabi ni Manong Jose.Pinapasok nila kami sa isang napakaganda at napakalaking bahay. Sa tingin ko sing laki rin ito ng bahay nina Wu Chun my loves.
"Itong lugar na ito, dito ka isinilang ng mommy mo. Talagang pinanatili nila ang ganda ng bahay na ito."-Sabi ni Lola Gina habang inililibot namin ang aming nga paningin. Napatigil ang paningin ko sa isang wall. Yung wall na iyon ay puno ng mga litrato nung bata pa ako. Nilapitan ko iyon, hinaplos ang bawat picture na makikita ko.
"NASAN? NASAAN SILA?"-Narinig naming sigaw ng isang babae.
"Nasa loob na po sila Senyora"-Manong Wally.Pumasok ang isang babae at lalaki sa may sala. Pareho pa silang hinihingal.
"Manang Gina!"-Niyakap nung babae si Lola Gina.
"Nasaan na po yung anak namin?"-Tanong nung lalaki kay Lola Gina."Siya, siya ang inyong anak. Siya si Lin"-Pagpapakilala sa akin ni Lola Gina sa Bagong dating.
![](https://img.wattpad.com/cover/59402745-288-k143303.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)
DiversosIsang napakamaningning na bituin na napakahirap abutin, pero pilit na inaabot. Yan ang laging nasa isip ni Kristine. Mahirap lang si Kristine Pero may pangarap sa buhay at yun ay ang makita sa personal ang kanyang ultimate crush na si Wu Chun. Sa to...