WU CHUN:
Pagkatapos ng guesting namin sa talkshow na Mr. Con and Mrs. Csi pinapunta kami sa kanya kanya naming dressing room.
"Sir Wu Chun, eto na po yung gatorade mo po. Color blue pa po yan"-Kristine.
Binigay sakin ni Kristine yung gatorade na color Blue. Na inabot ko naman.Si Kristine yung tipo ng P.A. na sobrang maasikaso, lahat kaya niyang gawin. Yung dati kong P.A. napakatamad. Saka lang kikilos kapag uutusan, si Kristine hindi eh. Meron pa nga yung time na hindi ko naman siya inutusang magluto ng para sa breakfast ko, ayun nagluto pa rin siya.
"Kristine"-Wu Chun
"Yes po Sir? Bakit po?"-Kristine
"Kailan nga pala ang day off mo?"-Wu Chun
"Day off po Sir?"-Kristine
"Yup, day off."-Wu Chun
"Sir, Wala po kayong binigay na Day Off sakin eh"-Kristine.
"Ganun ba?."-Wu Chun
"Opo Sir. Bakit po?"-Kristine
"Wala lang, sige balikan mo na yung ginagawa mo."-Wu Chun.Binalikan na ni Kristine yung ginagawa niyang pag aayos sa mga gamit ko. Tinititigan ko siya. Ngayon ko lang narealize na napaka ganda pala niya. Nung una ko siyang nakita sa Pilipinas, naalala ko pa nun na naka cocktail dress siya. At hindi ko pwedeng kalimutan yung araw na iyon,.
"Ow there you are Chun, well narito na yung mga fans mo na nanalo sa promo last night."-Manager Jasper. "Girls pasok na kayo".
May limang babae ang pumasok sa loob ng dressing room ko. Nagtitilian sila pagkakita sa akin. Yung dalawa ay medyo may edad na. Sa tingin ko eh nasa edad 50 pataas. Tapos yung tatlo mukhang mga teen ager..
"Uy diba ikaw yung girlfriend ni Wu Chun??"-Tanong ng isa sa mga teen ager.
"Ha?"-Nagtataka na si Kristine.
"Yeah She's my girlfriend"-Segunda ko kaagad.
"Ang ganda ng girlfriend mo Wu Chun. Walang panama dun sa Ex mong si Ella. Naku iha wag mong hihiwalayan si Wu Chun namin ha?"-Fangirl number one.
"Opo naman po.. promise hindi ko po siya ibebreak"-Kristine.
"Napakabait mo naman iha, sana kayo ang magkatuluyan ni Wu Chun"-Fangirl#2.
"Oo nga, at saka bagay na bagay kayo"-Fangirl#3.
Nagtilian pa ang lima pati si Manager Jasper ay nakisabay pa. Ako naman napakamot nalang sa batok.
"Oh siya sige na magpa picture na kayo at magpa autograph"-Manager Jasper. "Kristine i assist mo sila".
"Sige po".
"Ah Kristine sali ka sa amin."-pag aaya nung isa sa mga teen ager kay Kristine.
"Naku wag na lang, pipicturan ko nalang kayo"-Kristine.
"Girlfriend ka naman ng idol namin eh, sige na Kristine please"-Pagmamakaawa ng isa pa sa mga teen ager na fan ko.
Nakita kong kinuha ni Manager Jasper yung mga cellphone at camera kay Kristine at saka ito itinulak sa tabi ko.
"Sige na Kristine pagbigyan mo na sila. Ako na ang bahala mag picture sa inyo"-Manager Jasper.
Habang nagpipicture kami, pasimple kong inakbayan si Kristine. Lumabas na naman ang pagiging kwela ni Kristine, kaya naman tuwang tuwa yung mga Fans ko sa kanya.
"Ano bang meron sayo, at lahat nalang ng makasalamuha mo nahuhumaling sila sayo?"-Wu Chun."Salamat Wu Chun at pinagbigyan mo ang kahilingan namin na makita ka sa personal"-Fangirl#1.
"Walang anuman., its my pleasure na makilala ko kayo"-Wu Chun.
"Napakabait mo talaga. Pagpalain kayong dalawa ng girlfriend mo."-Fangirl#2.
"Sige alis na kami bye thank you sa inyo ah"-Fangirl 1/2/3/4/5.
"Salamat din sa inyo"-Wu Chun.Pagkalabas na pagkalabas nung lima....
"Oh ano na hot seat kayo ano?. Alam niyo kayong dalawa medyo bawas bawasan niyo nga yang kasweetan niyo. Nagseselos ako eh. Hehehe"-Manager Jasper.
Nagtinginan nalang kami ni Kristine, at siya ang unang nagbawi ng tingin sa aming dalawa.Nag guest pa kami ni Ella sa Entertainment show na Super Idol na ang host ay Si Show Lu. Pero wala sa show ang utak ko. Mukha ni Kristine ang lumilitaw sa utak ko, yung mukha niya na nakangiti. Ano ba to, bat ganito ang nararamdaman ko?. Para akong lutang na lutang. Hindi kaya nahuhulog na ako sa kanya?. Ay hindi. Imposible yun, si Ella pa rin ang mahal ko. Siya pa rin, si Ella pa rin. Nabalik ang lutang kong pag iisip ng pinitik ni Show Lu ang noo ko.
"Mukhang lutang na lutang ka ngayon Mr. Wu Chun? Wag kang mag alala yung iniisip mo nasa backstage lang"-Dahil sa sinabing iyon ni Show Lu sabay sabay na nag salita ng "Uuuuuyyyyy!" Yung mga audience sa loob ng studio.
"Pwede ba, mag focus ka naman sa trabaho mo? Hindi puro yang girlfriend mong timang ang nasa isip mo"-Inis na bulong sakin ni Ella.
Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya.
"Pwede ba wag mo akong paki alaman at wag na wag mo ngang tatawaging timang ang girlfriend ko dahil hindi siya ganun. Mas masahol ka pa nga sa kanya"-Tiningnan lang ako ni Ella ng masama, haha inis pa more Ella.
Hindi na nagsalita si Ella."Kristine, mauna ka ng umuwi sa mansion. Ipapahatid nalang kita kay Manong Dante. May pupuntahan ako."-Wu Chun
"Ha? Saan ka po pupunta Sir"-kung makapag tanong girlfriend lang ang Peg?
"Pupuntahan ko lang yung construction site nung bussiness project namin nila Jiro"- Wu Chun.
"Ah Sir, pwedeng sumama nalang po ako sa inyo?"-Kristine.
"Kristine, wag nalang..........."-Wu Chun
"Sir please"-Pagmamakaawa niya sa akin at pinagsalikop pa yung dalawang palad niya at saka nagpa cute. "Sir wala naman po kasi akong gagawin sa Mansion eh. At saka nagsasawa na po ako sa pagmumukha nila Mary Rose at Arcelie lalong lalo na ni Molly. Please sir sama na po ako"-Kristine.
"Sige na nga"-Napilitan na akong pumayag dahil makulit eh!.
![](https://img.wattpad.com/cover/59402745-288-k143303.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)
De TodoIsang napakamaningning na bituin na napakahirap abutin, pero pilit na inaabot. Yan ang laging nasa isip ni Kristine. Mahirap lang si Kristine Pero may pangarap sa buhay at yun ay ang makita sa personal ang kanyang ultimate crush na si Wu Chun. Sa to...