CHAPTER SIXTEEN PART ONE

12 0 0
                                    

KRISTINE'S POV:

Tama nga ang hinala ko, dumating na si Wu Chun my loves. Nakita ko siyang bumaba mula sa kanyang sasakyan. Ako naman ay naghanda na para salubungin siya.

Pagbukas ko nung malaking pintuan tamang tama naman na naroon na siya sa tapat nito. Nag smile ako sa kanya. Yung tipong abot hanggang dulo ng tainga ang ngiti ko. Pero siya hindi man lang niya ako nginitian. Akmang hahalikan ko na sana siya sa kanyang pisngi pero umiwas lang siya sa akin.

"Ah Babe, kumain ka na ba? May inihanda ako sa kusina para sayo. Niluto ko yung paborito mong ulam."-Sabi ko sa kanya.

Hinubad ni Wu Chun my loves yung kanyang mga sapatos at saka naka paang umakyat. Pumunta naman ako sa kusina para ihanda yung kanyang paboritong pagkain at pagkatapos ko ay umakyat ako patungo sa kanyang kwarto.

Pagdating ko roon ay wala siya. Nakarinig nalang ako ng lagaslas ng tubig galing sa CR.
"Siguro naliligo siya."-Sabi ko sa aking sarili. Inilapag ko yung isang malaking tray na may kargang mga pagkain sa isang mesa na malapit lang sa kanyang kama. Kumuha ako ng isang pirasong papel na nakita ko sa drawer at saka sinulatan iyon.
"Babe, kumain ka na. Alam kong gutom ka na. Kaya nagluto ako ng paborito mong ulam. I love you Babe."-Matapos kong magsulat ay iniligay ko iyon sa tabi ng tray at siniguro kong mababasa niya iyon.

Base sa nakita kong reaction niya kanina nung makita niya ako ay parang hindi siya natuwa. Kaya hindi ko sinunod yung suggestion sa akin ni Bestie. Ipagpapabukas ko nalang yung comfrontation ko sa kanya.


5 AM:

Maaga akong gumising ngayong araw dahil may schedule ngayong umaga si Wu Chun my loves. Kailangan niyang pumunta sa isa na namang charity event.



Pagbaba ko, naabutan ko si Wu Chun my loves na kumakain na sa dining area. Kasama niya si Don Lee at Senyorita Lea..
"Kristine gising ka na pala halika na sumabay ka na sa amin."-Masiglang pagyaya sa akin ni Senyorita Lea.
Tinignan naman ako ni Don Lee ng makahalugan, Si Wu Chun my loves naman ay agad na tumayo pagka upo na pagkaupo ko.
"O Chun, tapos ka na kumain? Ang bilis mo naman?"-Paninita ni Senyorita Lea.
"Nawalan na ako ng gana!"-Yun lang yung sinabi niya at saka nilisan ang dining area.
Ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain kasama sina Don Lee at Senyorita Lea.



CHARITY EVENT:

"Huuuuuyyyyy"-Panggugulat sa akin ni Arcelie. "Anyare sayo? Bakit kanina ka pa tulaley jan?".
"Iniisip ko lang kung ano kaya ang problema ni Wu Chun my loves."-Ako.
"Halla, bakit di mo alam kung ano ang problema niya? Akala ko ba girlfriend ka niya?"-Arcelie.
"Oo nga girlfriend nga niya ako. Hindi naman siya nagsasabi sa akin kung may problema nga talaga siya o wala"-Ako.
"Kausapin mo na siya friendship habang wala pang pila doon sa area niya."-Arcelie.





Pinuntahan ko si Wu Chun my loves kung saan siya naroon. Nakaupo lang siya at ang lalim ng iniisip.
"Babe"-Pagtawag ko sa kanya. Aalis na sana siya kaya lang hinarang ko siya sa dadaanan niya. "Wait lang Babe, pwede ba tayong mag usap?"-Tanong ko sa kanya pero sinagot lang niya ako sa pamamagitan ng tingin. Yung facial expression niya ay blangko lang. Kaya hindi ko alam kung gusto niyang makipag usap sa akin o hindi.






"Babe, alam kong kong may problema. Hindi ko alam kung ano ang dahilan mo kung bakit hindi mo ako pinapansin. Babe kung ano man yung problema mo. Sabihin mo naman sa akin o. Para naman alam ko."-Malungkot kong sabi sa kanya.






Hinintay ko talaga kung sasagutin niya yung tanong ko. Kaya lang tinalikuran niya lang ako at itinuloy yung ginagawa niyang pamimigay ng mga laruan para sa mga bata. Napabuntong hininga nalang ako.






Condo unit:

"Ano? Nakausap mo na ba siya?"-Tanong ni Bestie Liesly sa akin.
"Oo"-Ako.
"O eh anong sabi niya sayo?"-Bestie Liesly
"Wala"-Ako.
"Ha? Ano? Wala? As in Waley? Waley talaga siyang sinabi sayo?"-Bestie Liesly.
Malungkot lang akong tumango sa mga sinabi ni Bestie Liesly.
"Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko Bestie"-Ako.
"Wag kang mag alala tutulungan na lang kita. Since nangengealam na rin naman ako eh sasagad sagarin ko na"-Bestie Liesly.
"Talaga? Tutulungan mo ako?"-Ako.
"Oo. Pero bago yun, pwede ba tulungan mo muna akong tawagan yung si Calvin. Kanina pa ako bwisit na bwisit dun,sa lalaking yun eh. Napudpod na tong beautiful hands sa kakapindot ng numero niya dito sa cellphone ko"-Bestie Liesly.






Buti pa si Bestie Liesly, masaya ang lovelife. Siya nga pala sila na ni Calvin nung isang araw lang. Sabi ni Bestie Liesly hanggang crush lang daw ang nararamdaman niya para kay Rain pero mas mahal niya si Calvin. Masaya ako para sa Bestie Liesly ko.
"Alam mo ang mabuti pa, para matanggal pareho yung mga stress natin sa mga boyfriend natin, punta nalang tayo sa mall. Mag shopping nalang tayo., at saka natin planuhin kung ano ang pwede nating gawin para mapansin ka ulit ni Wu Chun my loves mo."-Bestie Liesly.
"Tama! Bakit di ko naisip yan?"-Ako.
"Eh wala ka namang isip eh"-Pambabara sa akin ni Bestie Liesly.






MALL:

Nagtungo nga kami ni Bestie Liesly dito sa mall. Kasalukuyan kaming nasa may jewelry shop nang may makita kaming dalawang pamilyar na tao na papasok sa kalapit na pwesto. At dahil doon ay binalot ako ng pagtataka at selos.....

Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon