LIESLY'S POV:
"Anong ginagawa niyo rito?"-Bestie Liesly.
"Hmm well nandito kami para kamustahin kayo"-Ella.
"Hindi tayo close para kamustahin mo kami. Tara na nga Liesly. Umuwi na tayo. Naaalibadbaran ako sa mga view rito"-Lola Gina.
Sabay pa kaming tumayo ni Lola Gina. At paalis na sana kami ng magsalita ulit si Ella.
"Hay naku, kahit iwasan niyo kami ng iwasan. Hindi namin kayo titigilan lalo na yung pinakamamahal niyong si Kristine."-Selina.
Susugurin sana ni Lola Gina si Selina pero napigilan ko siya.
"Wag na wag niyong sasaktan ang apo ko dahil kapag ginawa niyo iyon ako ang makakalaban ninyo!"-Lola Gina.
"Ha! Talaga lang a. Ang tapang mong matanda ka!. At ang lakas din ng loob mong tawaging apo si Kristine ni hindi mo nga siya tunay na apo."-Ella.
Nagkatinginan kami ni Lola Gina. Paano nalaman ni Ella na hindi tunay na apo ni Lola Gina si Kristine?.
"Ano? Edi natahimik kayong dalawa? Ibig sabihin totoo yung sinasabi namin."-Ella."Paano niyo nalaman yun?"-Bestie Liesly.
"Alam mo Liesly maganda ka sana eh tanga ka lang."-For the first time nagsalita si Rain. Maganda na sana eh, kaya lang sinabihan pa akong tanga.
"Grabe ka naman!. Makapag sabi ka sakin ng tanga parang ang perpekto mo. Gwapo ka nga mukha ka namang gorilla. Sayang crush pa naman kita. Pero hindi na ngayon. Ang itim ng budhi mo!"-Bestie Liesly.
Punong puno na ako. Kaya pati si Rain na crush na crush ko ay napagtaasan ko na rin ng boses.Condo Unit:
"Nakakabwisit yung Molly na yun. Naisahan niya ako ha. Buti nalang nakuha na natin yung picture."-Lola Gina.
"Pero Lola anong gagawin natin ngayon? Unti unti nang nabubunyag yung tunay na pagkatao ni Bestie?. Baka ikalat nila Ella, naku pagmunukha palang nung babaeng yun eh hindi na kapanipaniwala."-Bestie Liesly.
"Hindi ko pa alam eh. Sa ngayon ang magagawa lang muna natin eh magdasal na sana hindi mangyari yung kinatatakutan natin."-Lola Gina.
"Sana nga po Lola Gina"-Bestie Liesly.WU CHUN'S POV:
"Sir, confirm po na buhay pa po yung taong pinapahanap mo po sa akin."-Private Investigator.
Nagliwanag ang mukha ko mula sa aking narinig.
"Talaga? Nahanap mo na ba siya? Asan siya?"-Wu Chun.
Excited talaga ako. Lalo pa at nalaman kong buhay si Lin. Ang babaeng tunay kong minamahal.
"Sir, hindi ko pa po siya nahanap. Pero napag alaman ko po na nasa Pilipinas po yung taong pinapahanap niyo po sa akin. Nabalitaan ko rin po na kinupkop siya ng isang matandang babae."-Private Investigator.
"Sa Pilipinas? Matandang Babae?"-Nakakunot noo Kong tanong sa investigator na hinire ko.
"Opo Sir, nasa Pilipinas po siya at kinupkop po siya ng isang matandang babae na dati rin pong nagtatrabaho sa kanila bilang katulong"-Private investigator.
"Pumunta ka ng Pilipinas. Alamin mo kung saan siya naroon. Kapag nakita mo na siya saka mo sabihin sa akin kung saan mo siya nakita"-Wu Chun.
"Sige po Sir."-Private Investigator.Bar:
"Talaga Bro?, nahanap na si Lin?"-Aaron.
"Oo. At ang sabi ng Private investigator na hinire ko nasa Pilipinas lang daw si Lin."-Wu Chun.
"Ha? Ang lapit lang ng Pilipinas eh. Bro, isang sakay lang ng eroplano mararating mo na ang Pilipinas. Kung ako sa yo Bro, puntahan mo na dun si Lin."-Jiro.
"Bro, gustuhin ko man na puntahan siya kaagad doon pero Bro hindi pwede at hindi basta basta."-Wu Chun.
"Bakit naman Bro?"-Calvin.
"Kapag malaman kasi ng Dad ko na buhay pa si Lin, baka magkagulo lang. Hahayaan ko muna siya roon. Pag nagkaroon ako ng pagkakataon pupuntahan ko siya sa pilipinas."-Wu Chun.
"At kapag nagkita na kayo ni Lin paano naman si Kristine?"-Jiro.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa tanong na iyon ni Jiro sa akin. Sa totoo lang kahit ako hindi ko rin talaga alam ang sagot sa tanong na iyon.
"Natahimik ka na jan Bro? Hindi mo alam ang sagot no?."-Calvin.
"Payong pang Bro a. Kung ako sayo kalimutan mo na yang si Lin. Kasi matagal na panahon na siyang wala sa piling mo bro. Pero si Kristine na aminadong patay na patay sa iyo, nasa harap mo na bro. Sabihin na nating Oo mahirap nga si Kristine, pero ang nakakabilib sa kanya ay kayang kaya niyang i level up yung sarili niya. Kaya kung ako sayo forget Lin and Love Kristine."-Calvin.
"Ang dami mong sinabi kay Chun. Mukhang inspired ka ngayon ah."-Jiro.
"May pinaghuhugutan ka Bro"-Aaron.
"Kayong dalawa tumigil nga kayo. Palibhasa basted kayo"-Calvin.
Tahimik nalang akong nakikinig sa mga biruan nung tatlong kasama ko. Naiisip ko kasi Yung Bro-Advice sa akin ni Calvin. Hanggang sa makauwi ako sa Mansion ay yun pa rin ang iniisip ko.Mansion:
"God gave me you, show me what's real.
There's more to life
Than just how i feel
And all that im worth
Is right before my eyes
And all that i live for
Though i didn't know why
Now i do
Cause God Gave Me You".Hindi ko na kailangang hulaan pa kung kaninong boses iyong naririnig ko. Iisang tao lang naman ang alam kong kanta ng kanta dito sa Mansion. Yun ay walang iba kundi si Kristine.
Nakita ko siya sa may kusina at abala sa paghiwa ng mga ingredients na kailangan sa pagluluto. Tinititigan ko lang siya. Habang tumatagal ay parang nagagandahan ako sa kanya. Mukhang tama nga si Calvin.
![](https://img.wattpad.com/cover/59402745-288-k143303.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)
RandomIsang napakamaningning na bituin na napakahirap abutin, pero pilit na inaabot. Yan ang laging nasa isip ni Kristine. Mahirap lang si Kristine Pero may pangarap sa buhay at yun ay ang makita sa personal ang kanyang ultimate crush na si Wu Chun. Sa to...