KRISTINE'S POV:
"Hay grabe talaga namang nakakapagod tong araw na to"-Mary Rose.
"Sinabi mo pa"-Ako.Inilagay namin sa sofa yung mga pinamili namin ni Mary Rose. At hapong hapo kami na naupo sa sofa.
"Friendship, tingin mo sino kaya ang nagpakalat yung balita na hiwalay na kami ni Wu Chun?"-Ako.
"Hindi ko alam eh. Pero suspetsa ako kung sino yung nagpakalat ng issue na yun"-Mary Rose.
"Sino?"-Ako.
"Edi sino pa. Kundi si Ella Chen. Yung babaeng mukhang anghel pero demonyo naman ang ugali."-Mary Rose.
"Hindi naman siguro niya gagawin yun. Masama ang magbintang lalo na at wala tayong ebidensya."-Ako.August 19, 2008
Birthday ko na, alam kong walang babati sakin ngayong araw na to. Wala namang nakaka alam sa mga kasamahan ko rito na birthday ko ngayon. Nasabi ko nga dati kay Manang Bebeth pero mukhang nakalimutan na niya. Tinawagan ko na rin kanina si Bestie Liesly ang kaso hindi ko naman siya macontact..
"Gising ka na pala. O bakit busangot yang mukha mo?"-Manang Joy.
"Wala po to Manang Joy, puyat lang po"-Ako.
"Ha? Nagpuyat ka?"-Manang Joy.
"Opo Manang Joy, bakit? May problema po ba sa pagpupuyat ko?"-Ako.
"A wala naman."-Manang Joy.
Umalis muna si Manang Joy para ayusin yung dining area. Mag aalmusal na kasi yung buong pamilya Goh.
"Ang Weird ni Manang Joy ah"-Ako.Pagkatapos magbreakfast lahat ng pamilya Goh, nagsi alisan ulit sila. Yung mga bata pumasok sa eskwela. Si Wu Chun my loves ayun iniwan ulit ako dito sa Mansion sinama pa lahat ng mga tauhan nila., Si Mary Rose na kasama ko kahapon ayun sinama din siya. Kaya mag isa lang ako dito sa mansion ngayon.,
"Hmp makatulog na nga lang."-Ako.
Umakyat ako at nagtungo nalang sa kwarto ko at natulog buong maghapon.4:30 pm:
Nagising ako dahil sa alarm clock ko. At sumabay pa yung pag ring ng cellphone ko. Tinignan ko kung sino yung caller.Si Wu Chun my loves!!!!!!!!!!
Mukhang namiss niya ako ah.
"Hello Sir Wu Chun, napatawag ka po?"-Ako.
"Anong ginagawa mo ngayon?"-Wu Chun
"Ah kagigising ko lang po Sir. Bakit po?"-Ako
"Gusto ko lang sabihin sayo na mamayang 5 may susundo sayo jan papunta rito sa kinaroroonan ko. I need you here."-Wu Chun
"Okay po Sir. Hintayin ko nalang po yung sundo ko"-Ako
"Good."-Wu Chun.
Magsasalita pa sana ako eh ang kaso binabaan na ako ng telepono kaya naman kumilos na ako papuntang banyo para maligo, magbihis at magpaganda na rin syempre.5:00pm
Tama nga si Wu Chun, may sumundo sakin dito sa Mansion. Nagtaka lang ako dahil ang sumundo sakin ay yung baklang make up artist ni Angela Zhang na kaibigan din ni Wu Chun.
"Hi Kristine"-Bakla.
Nagbeso beso kaming dalawa. O diba close kami kaagad.
"Hello"-Ako
"Tara na, naghihintay na sila dun"-Bakla.Salon:
"Bakit mo ako dito dinala? Akala ko ba pinasundo ka sakin ni Wu Chun?"-Ako.
"Mamaya ka na magtanong pwede?"-Bakla
Hala tarayan daw ba ako. Wala na akong nagawa nung pinaupo na niya ako sa harap ng isang malaking salamin at doon sinimulan niya akong make upan. Pagkatapos niya akong make upan, pinasuot niya sa akin yung isang napaka gandang red gown, kita yung buong likod ko at hanggang talampakan ko yung haba nung gown. Tapos pinasuot din sakin ni Bakla yung isang red high heels na kumukinang pa dahil sa glitters.
"Ano ba kasi ang meron at bakit mo ako pinasuot at minake upan ng ganito?"-Ako.
"Basta, mamaya malalaman mo rin. Pero sa ngayon eh enjoyin mo muna ha". "Hello Sir, Tapos ko na po siyang ayusan. Okay sige po. Ihahatid ko na po siya jan"-Bakla.
"Teka? Saan tayo pupunta? Ibebenta mo ako sa mga rapist ano? O di kaya ipapakidnap mo ako no?"-Ako.
"Hoy Babae pinaglihi sa bawang, hindi ko gagawin yun sayo noh? At saka pag ginawa ko yun edi lagot naman ako sa boyfriend mo noh. Saka ikaw ibebenta ko sa mga rapist? Sus baka nga hindi ka patulan eh."-Bakla.
"Okay give up na ako sayo. Sige saan ba tayo pupunta?"-Ako.Mga 2 hours ang itinagal ng biyahe namin. Mula doon sa salon hanggang makarating kami dito sa isang Beach Resort. Teka eto yung Beach Resort na pinuntahan namin nung nakaraan ah. Anong meron dito?. Hindi ko naman pwedeng itanong dito sa baklang kasama ko dahil alam kong babarahin lang naman ako neto.
Pagbaba namin sa kotse, deretso agad kami sa loob.
"Mukhang may party yata dito. Siguro invited si Wu Chun my loves kaya niya ako pina ayusan ng ganito."-Ako.Pagpasok namin sa loob, ang dilim! Wala akong makita.
"Hoy bakla asan ka?"-Tanong ko dun sa baklang kasam ko kanina. Hindi siya sumagot,
"Hala iniwan ako nung baklang yun"-Ako.
Kahit natatakot ako sa dilim, naglakad pa rin ako. Tapos nagulat nalang ako dahil biglang bumukas yung ilaw at....................."HAPPY BIRTHDAY!!!!!!!!!!"- sigaw ng mga taong naroon. Isa isa kong tinignan kung sino yung mga yun. Sina Manang Bebeth, Manang Joy, Arcelie, Mary Rose,Molly na nakabusangot ang Mukha, at iba pang mga tauhan sa mansion, maging ang Goh Family ay present din. Nakangiti silang lahat sa akin. Unang yumakap sa akin si Senyorita Lea.
"Happy Birthday Kristine"-Senyorita Lea.
"Thank you Ate Lea."-Ako.
Pagkatapos akong yakapin ni Senyorita Lea, pina akyat na niya ako sa stage.
BINABASA MO ANG
Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)
RandomIsang napakamaningning na bituin na napakahirap abutin, pero pilit na inaabot. Yan ang laging nasa isip ni Kristine. Mahirap lang si Kristine Pero may pangarap sa buhay at yun ay ang makita sa personal ang kanyang ultimate crush na si Wu Chun. Sa to...