KRISTINE'S POV:
"Bestie, sure ka ba na kaya mo na ang pumunta doon ng mag isa?"-Bestie Liesly.
"Oo naman Bestie sigurado ako. Kaya ko Bestie, wag kang mag alala"-Ako.
"Oh sige sabi mo yan ah"-Bestie Liesly.
Kausap ko sa phone si Bestie Liesly ko. Nagsasuggest kasi siya na samahan ako papunta sa Mall pero tumanggi ako na magpasama sa kanya. Ang totoo niyan hindi talaga ako sa Mall pupunta. Pupunta ako sa mismong Hospital na pinagdalhan sa akin ni Rain kahapon. Pakiramdam ko kasi ay nagsisinungaling siya sa akin, pakiramdam ko may tinatago siya akin. Kaya nagdecide ako na pumunta ng Hospital.Dalawang oras ang itinagal ng byahe ko mula Mansion hanggang dito sa Hospital. Hinanap ko yung Doctor na nagcheck up sa akin kahapon.
"Doc ano po talaga ang sakit ko?. Totoo ba na pagkahilo lang talaga ang nangyari sa akin kahapon? O may iba pa po ba akong sakit?"-Tanong ko kay Doctor Evelyn Acosta. Siya ang doctor na nagcheck up sa akin. Hindi niya sinagot ang tanong ko. "Sige na po Doc, sabihin niyo na po sa akin ang totoo. Please po. Tatanggapin ko po kung ano po yung sakit ko. Promise po magpapagaling po ako. Sige na po sabihin niyo na po sakin parang awa niyo na po."-Pagpupumilit ko sa Doctor.
Kinuha ni Doctor Acosta ang isang folder at pagbukas nun ipinakita niya sa akin yung mga records ko nung dinala ako dito ni Rain.
"Ito yung record mo nung dinala ka dito ni Rain. And to be honest with you kaya ka nahihilo at nagsusuka ay dahil sa buntis ka. You are two weeks pregnant"-Paliwanag sa akin ni Doc. Pero hindi nag sync in sa utak ko yung sinabi niya.
"O eh buntis lang naman po............." hindi ko na naituloy yung kung ano man ang sasabihin ko ng marealize ko yung sinabi sa akin ni Doctor Acosta. "B-b-buntis po ako?"-Nabubulol kong sabi. Naalala ko na kaya pala hindi na ako dinadatnan ng menstruation ko, buntis na pala ako. May kumawala nang mga luha sa mga mata ko. Magiging Nanay na pala ako. At higit sa lahat si Wu Chun pa ang magiging ama niya. Kailangan malaman to ni Wu Chun my loves.
"Miss Macaraeg may kailangan kang malaman."-Doctor Acosta.
"Ahm ano po yun Doc?"-Ako.
"Sa totoo lang nakiusap sa akin si Rain kahapon na wag kong sasabihin sayo yung totoo na nagdadalang tao ka"-Doctor Acosta.
"Ha? Bakit naman po? Ano daw po ba ang dahilan niya?"-Ako.
"Kahit ako ay hindi ko rin alam kung ano ang dahilan niya kung bakit ayaw niyang ipa sabi sayo ang katotohanan na buntis ka. Pero ito lang din ang masasabi ko sayo Miss Macaraeg congratulations to you and Rain"-Doc Acosta.
"Ho?"-Ako.
"I said congratulations to you and Rain"-Doctor Acosta.
"Ay hindi ho si Rain ang Ama ng batang dinadala ko"-Ako
"Eh sino?"-Doctor Acosta.
"Si Wu Chun po ang ama ng batang dinadala ko."-Ako.Mansion:
ARCELIE'S POV:
"Ano friendship? Nacontact mo na ba siya?"-Tanong ko kay Mary Rose.
Tinatawagan namin si Kristine dahil kanina pa siya wala dito sa Mansion. Alas nwebe na kasi ng gabi. Tapos si Sir Wu Chun naman siguradong pauwi na yun ngayon. At mas siguradong magagalit yun kapag nalaman niyang wala pa dito sa Mansion si Kristine! At sigurado din ako na papagalitan niya kami ni Mary Rose! Nakakatakot pa naman si Sir Wu Chun kapag nagagalit."Sa tingin mo friendship? Saan kaya siya nagpunta?"-Tanong ko ulit kay Mary Rose na busy pa din sa pagpindot sa phone niya. Halata din sa mukha niya na kinakabahan siya tulad ko.
"Hindi ko alam friendship eh. Sigurado ako na pauwi na si Sir Wu Chun"-Mary Rose.
"Friendship, di kaya magkasama silang dalawa ngayon?"-Arcelie.
"Oo nga ano? Bakit hindi ko naisip yan?"-Mary Rose.Sa opisina ni Wu Chun:
KRISTINE'S POV:
"A Miss sino pong hanap niyo?"-Tanong sa akin ng isang receptionist.
"Andito ba si Wu Chun?"-Ako.
"Yes Ma'am andito po siya. Ano pong kailangan niyo sa kanya?"-Receptionist.
"May kailangan lang kasi akong sabihin sa kanya. Paki sabi andito ako."-Ako.
"Sino po ba kayo?"-Receptionist
"Ako yung girlfriend niya. Kristine Macaraeg ang pangalan ko."-Ako.
Tinaasan ako ng kilay nung babaeng receptionist. Akala naman niya maganda siya. Ang kapal naman ng mukha niyang pagtaasan ako ng kilay. Tanggalin ko kaya yun para wala na siyang kilay hahaha ang sama ko diba?."Ma'am may isang babae rito na hinahanap po si Sir Wu Chun. Kristine Macaraeg is the name at girlfriend daw siya ni Sir"-Receptionist.
Tumigil sa pagsasalita yung babaeng receptionist at tila nakikinig lang siya sa sinasabi nung nasa linya. Pagkatapos nun ay ibinaba na ng receptionist yung telepono at saka ako hinarap.
"Ma'am Sir Wu Chun isn't available right now. Bumalik nalang po kayo bukas."-Sabi nung receptionist sa akin. Halatadong inggit sa akin yung babaeng makapal ang kilay na receptionist na iyon,. Kasi naman mas maganda ako sa kanya hahaha.Lumabas nalang ako sa building na iyon.
Condo Unit:
KRISTINE'S POV:
Dito nalang ako sa condominium unit na tinitirhan nila Lola Gina ko at Bestie Liesly ko tumuloy. Malapit lang kasi ito sa building na pinuntahan ko kanina.
"La, nung pinagbubuntis niyo po ba yung Nanay ko noon ano po ang nararamdaman niyo?"-Kunwaring tanong ko kay Lola Gina ko na kasalukuyang nag babalat ng orange.
BINABASA MO ANG
Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)
DiversosIsang napakamaningning na bituin na napakahirap abutin, pero pilit na inaabot. Yan ang laging nasa isip ni Kristine. Mahirap lang si Kristine Pero may pangarap sa buhay at yun ay ang makita sa personal ang kanyang ultimate crush na si Wu Chun. Sa to...