CHAPTER SEVENTEEN PART FOUR

9 0 0
                                    

KRISTINE'S POV:

"Eh sa may walang puso pala yung pamilya ni Ellang Mangkukulam eh. Biruin mo, pinag away yung pamilya mo at pamilya ni Wu Chun labidabs mo."-Bestie Liesly.
"Yun na nga eh. Kaya naman bumalik ako dito para klaruhin ang lahat lahat kay Don Lee. At para naman malinisan na yung pangalan ng mga magulang ko."-Ako.
"Kakampi mo ako jan Bestie"-Bestie Liesly.
Nag apiran pa kaming dalawa ni Bestie Liesly.

9 P. M.:

"Liesly ilabas mo si Kristine!. Alam kong tinatago mo lang siya sa akin!"-Wu Chun

Matutulog na sana kami nina Bestie nang marinig namin ang sigaw na iyon ni Wu Chun my loves. Kinakalampag niya yung pinto ng condo unit.
"Alam mo Bestie. Ang sarap upakan yang Wu Chun labidabs mo, lagi nalang niyang kinakalampag yung pinaka mamahal kong pintuan. Pakitanong nga sa kanya kung in love siya dun sa pintuan ko? At ipamimigay ko nalang sa kanya."-Bestie Liesly.
"Subukan mo siyang upakan at tatamaan ka sa akin"-Pagbabanta ko kay Bestie Liesly ko.
"Ito naman di na mabiro. Sige na puntahan mo na siya doon. Dali na!"-Bestie Liesly.
Ipinagtulakan pa ako ni Bestie Liesly ko.

Pagbukas ko ng pintuan ay pareho kaming natigilan ni Wu Chun My loves. Nagkatitigan pa nga kami eh. Mukhang nakainom yata siya. Amoy alak kasi siya eh. Tapos bigla nalang niya akong niyakap ng pagkahigpit higpit. Syempre bawi bawi din pag may time.

"Babe, sorry ha kung hindi ako nagpakita sa iyo ng ilang araw."-Ako.
"Okay lang yun atleast andito ka na ulit."-Wu Chun.
Binigay ko sa kanya yung tinimpla kong Kape.
"O eto Babe inumin mo para matanggal na yang hang over mo"-Ako.
Ininom naman niya yung kape na binigay ko sa kanya nang hindi inaalis yung tingin niya sa akin.
"Ehem ehem ehem"-Pamemekeng ubo ni Bestie Liesly ko. "Huuuuu ang daming langgam dito oh".
"Diba ikaw yung Artista?"-Tanong ni Maricorn kay Wu Chun my loves ko. Tinuro turo pa niya ito.
Si Wu Chun my loves naman ay tumango tango lang.
"Aaaaahhhhh"-Malakas na tili ni Maricorn.
"Hhhhhuuuuuyyyyy!"-Panggugulat naman ni Manong Jose kay Maricorn. Pero hindi talaga nagulat si Maricorn eh. Busy siya sa kakatitig kay Wu Chun my Loves. Tanggalan ko kaya siya ng mata!. Nakakaselos yung ginagawa niya ha!. At ito namang si Wu Chun my loves gustong gusto naman niya!.
"Ay naku Maricorn kung gusto mo pang mabuhay, tigil tigilan mo si Wu Chun. Kasi baka mamaya niyan eh makita ka nalang namin na patay!"-Bestie Liesly.
"Ha? At bakit naman?!"-Maricorn.
Oo nga pala. Hindi pa pala alam ni Maricorn na boyfriend ko si Wu Chun.
"Eh kasi mukhang makakapatay na yung isa jan sa sobrang selos. Actually namumula na nga siya sa sobrang selos niya."-Bestie Liesly.
Mukhang na gets naman ni Maricorn yung mga pinagsasabi ni Bestie Liesly ko.

"Babe, hindi ka ba talaga sasama sa akin pauwi ng Mansion?"-Wu Chun.
"Hindi muna babe. Mas maganda kung dumito muna ako kay Bestie. Saka dadalawin mo naman ako parati dito diba?"-Ako.
"Oo naman, dadalawin kita syempre."-Wu Chun.
"Nga pala babe, bukas nga pala kailangan kong magpa check up sa ob gyne ko."-Ako.
"Ano bang oras ang check up mo?"-Wu Chun.
"Mga 9 ng umaga!"-Excited kong sabi sa kanya.
"Okay sige sasamahan kita bukas na magpa check up. Tutal mga ala una pa naman yung tv guesting ko sa Show Lou."-Wu Chun.
"Ganun ba?."-Ako.
"Alis na ako ha. See you tomorrow"-Pagkasabi niyon ay kiniss niya ako sa forehead ko at saka siya pumasok ng kotse niya.

Papasok na sana ako sa loob ng building ng may marinig akong nagsalita. Paglingon ko ay nakita ko si Ella kasama sina Selina at Rain.


Pumapalakpak pa si Ella habang lumalapit silang tatlo sa akin.
"What a beautiful scene, kristine or should i say Lin?"-Ella.
"Anong ginagawa niyo rito?"-Binigyan ko sila ng isang matalim na tingin.
"Tinatanong mo kung anong ginagawa namin dito?. Pwes andito kami para balaan ka!"-Selina.
"Kayo talaga wala talaga kayong magawa sa mga buhay niyo eh no? Wala na kayong alam gawin kundi ang manira ng buhay ng may buhay. Pwede ba magsi alis nga kayo rito"-Ako.






Nakatalikod na ako sa kanila at papasok na sana sa loob nang sabunutan ako ni Ella at Selina. Si Rain naman ay nanonood lang. "Inggrata ka!"-Panggigigil sa akin ni Ella.
"Wala kang modo!"-Selina.
Gumaganti rin ako ng pagsabunot sa kanilang dalawa.







"Hoy! Tigilan niyo siya!"-Bestie Liesly.
Tinigilan naman ako nung dalawa. Kaya lang si Ella ay hawak pa rin niya ang buhok ko. Inggit yata siya sa ganda at haba ng buhok kong itim na itim. Palibhasa kasi short hair lang siya.
"Tignan mo nga naman o, dumating ang bestfriend mo. At nagsama pa ng ubod na pangit na unggoy!"-Ella.
"Atleast gwapo."-Manong Jose.
"Pero unggoy"-Ella.
"Ella, Selina tama na yan tigilan niyo na si Bestie ko!"-Bestie Liesly.
"Okay titigilan namin siya. Madali lang naman kaming kausap eh. Pero ikaw ang isusunod namin!"-Selina.
Sinugod nung dalawa si Bestie Liesly ko. Ginawa din nila sa kanya yung ginawa nila sa akin. Inawat naman namin sila. Niyakap ko si Bestie, si Rain ay hinawakan naman si Selina at si Manong Jose naman ay humawak kay Ella. #ManongJoseChansingPaMore.






"Ella pumunta tayo rito para makipag usap. Hindi para makipag away. Mas lalo tayong mabibisto sa ginagawa mo eh"-Rain

Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon