KRISTINE'S POV:
Tinawagan ako ng mga magulang ko para kamustahin ako.
"Siyanga po pala Mommy hindi po pala ako makakauwi jan bukas."-Ako.
"Ha? Bakit naman anak?"-Mommy.
"Kasi po naka schedule po bukas yung check up ko."-Ako.
"Ganun ba? Kung gusto mo Anak kami nalang ng Daddy mo ang dadalaw sayo jan"-Mommy.
"Sige po Mommy kayo po ang bahala"-Ako.
"O sige anak ibababa ko na ito. Mag ingat ka jan ha love you"-Mommy.
"Love you too Mommy"-Ako.Kinabukasan ay nagpa check up ako sa aking OB. Sinamahan naman ako ni Wu Chun my loves.
"Bawal sayo ang ma stress ha. Makaka apekto kasi sa bata."-Doc.
"Okay po Doc"-Ako.Pagkatapos naming magpa check up dinala ako ni Wu Chun my loves sa burger shop. Habang nag oorder sa may counter si Wu Chun my loves, hindi ko maiwasang ilibot ang aking mga mata sa aking paligid hanggang sa may nakita akong pamilyar na tao.
"Bestie? Calvin?"-Ako.
Oo tama!, si Bestie nga iyong nakita ko at kasama niya si Calvin. Aba! Aba! Si Bestie pa date date nalang ah. Lumapit sila sa akin nung makita nila ako.
"Hi Kristine, bakit mag isa ka yata?"-Calvin.
"Ay hindi kasama ko si Chun. Ayun siya o umoorder."-Ako.
"Sige pupuntahan ko lang siya."-Sabi ni Calvin sabay tayo papunta kay Wu Chun my loves.Mukhang double date ang mangyayari sa amin ngayon. Masaya to!.
"Bestie, bakit ang lapad ng ngiti mo?"-Tukso ko kay Bestie Liesly ko.
"Eh ikaw nga rin jan e."-Bestie Liesly.
Pagbalik nina Wu Chun my loves at Calvin ay may dala dala na silang mga inorder nilang pagkain.Habang masaya kaming kumakain ay nagring ang cellphone ni Wu Chun my loves at sinagot naman niya iyon.
"Ano?!. Anong sabi mo? Hello Molly"-Nanlalaki ang mga mata ni Wu Chun my loves pagkatapos marinig yung mga sinabi ni Molly. Kami naman nina Bestie at Calvin ay nakikinig lang sa mga sinasabi ni Wu Chun my loves na nakakacurious pakinggan.
"Sino yun Bro?"-Calvin.
"Si Molly. Kailangan na nating umuwi."-Wu Chun.
"Ha? Bakit? Anong nangyari?"-Ako.
"Si Daddy, nabaril"-Wu Chun.
"Ano?!"-Ako.Umuwi na nga kami sa Mansion at naabutan naming nagkakagulo ang lahat.
Nagkalat ang napakaraming dugo sa kwarto ni Don Lee. Nagpatawag ng pulis si Wu Chun my loves at ininterview sina Manang Joy at Molly na siyang nakakita sa buong pangyayari. Ayon sa dalawa natutulog daw si Don Lee nung mga oras na iyon at maglilinis sana yung dalawa nang makarinig sila ng putok ng baril na nanggaling sa labas. Nung tignan nila si Don Lee ay naliligo na ito sa sariling dugo. Hindi rin namukhaan nung dalawa yung bumaril kasi nakabonnet ito. Buti nalang may CCTV.
"Ma'am, Sir ito po yung kuha nung CCTV footage nung nabaril si Don Lee. Umakyat ang suspek sa malaking puno para madaling tamaan ang kanyang biktima. At hindi na po tayo mahihirapang i identify ang suspek at dahil po yun sa buhok at sa mga mata. Pati na rin yung kutis niya."-Pag explain sa amin nung pulis.
"Pwedeng paki zoom in?"-Ako.
Sinunod naman nung pulis yung sinabi ko. Pamilyar sa akin yung ganung figure."ELLA?. Si Ella ang bumaril kay Daddy Lee?"-Ako.
Binalingan ko si Wu Chun my loves na ngayon ay nakakunot noo na at nakakuyom ang kanyang mga kamay. Alam kong galit na si Wu Chun my loves. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay. Pero sa tingin ko ay hindi niyon nabawasan ang galit na nararamdaman niya."Walang hiya talaga yang Ella na yan!. Walang puso't kaluluwa!"-Galit na galit na sabi ni Senyorita Lea.
Andito na kami ngayon sa hospital kung saan dinala si Don Lee. At kasalukuyan siyang nasa operating room.
"Anak! Anong nangyari?"-Tanong ni Mommy ko ng makalapit sila sa amin.
"Nabaril po si Daddy Lee Mommy. Nasa operating room na po siya tinatanggal po yung bala na tumama sa katawan niya."-Malungkot kong paliwanag.
"Si Wu Chun okay lang ba siya?"-Daddy.
"Hindi po siya okay Daddy."-Ako.
"Naku! Walang puso yung gumawa nito kay Don Lee."-Daddy.
"Anak, dito muna kami ng daddy mo ha. Sasamahan namin kayo."-Mommy.
"Salamat po Mommy. Si Lola Gina po ba kasama po ninyo?"-Ako.
"Ah hindi na namin siya sinama anak eh. Nagpaiwan nalang siya sa bahay natin."-Daddy."Babe, sina Mommy at Daddy narito sila"-Ako.
Nilapitan ng parents ko si Wu Chun my loves at niyakap pa siya. Ganundin si Senyorita Lea na tuluyang umiyak sa pagyakap sa kanya ng mga magulang ko."Babe, kumain ka muna oh. Niluto ko to para sayo"-Ako.
Walang imik na sumunod sa utos ko si Wu Chun my loves. Tahimik lang talaga siyang kumain. Ako naman ay tinititigan ko lang siya.
"Babe, tinutugis na pala ng mga pulis si Ella napag alaman din kasi ng mga pulis na hindi lisensyado yung baril na ginamit niya sa pagtatangka kay Daddy Lee."-Ako.
Napatigil naman sa pagkain si Wu Chun my loves.
"Hindi ko lubos akalain na magagawa niya iyon sa Daddy ko!"-Wu Chun.
"Wala naman talagang mabuting kaluluwa yang si Ella, Babe eh kahit sino kaya niyang pasakitan. Kaya kailangan maging handa tayo sa lahat ng maaari niyang gawin."-Ako.
"Tama ka."-Wu Chun.
"Sige na Babe, ubusin mo na yang pagkain mo. Para hindi ka magkasakit. Kagabi ka pa hindi kumakain eh"-Ako.
BINABASA MO ANG
Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)
AlteleIsang napakamaningning na bituin na napakahirap abutin, pero pilit na inaabot. Yan ang laging nasa isip ni Kristine. Mahirap lang si Kristine Pero may pangarap sa buhay at yun ay ang makita sa personal ang kanyang ultimate crush na si Wu Chun. Sa to...