ELLA VS. KRISTINE PART FIVE

16 0 0
                                    

ELLA'S POV:
"Bwisit talaga yang babaeng yan!, sinundan pa talaga si Chun sa Seri!"-Ella.

Inis na inis si Ella sa nakikita niya. Sinundan nila ni Selina at Hebe si Kristine papuntang Seri. Balak kasi sana nila itong harangin at pigilan pero hindi na nila ito nahabol.

"So what are we gonna do now?"-Selina.
Nag isip sa saglit si Ella ng pwede nilang gawin kay Kristine.
"Hmmm mukhang kailangan na natin ang tulong ni Rain ngayon. Saktong sakto meron si Chun. Makikita niya kung paano lumandi yang girlfriend niyang bulok"-Ella.

Tinawagan nga ni Ella si Rain.

"O anong kailangan mo at napatawag ka?"-Rain.
"Nakalimutan mo na yata yung napag usapan natin the last time na nagkita tayo"-Ella.
"Alin? Yung kailangan kong gantihang babaeng amazona na yun?"-Rain.
"Oo, at mukhang alam ko na kung kailan mo gagawin yun"-Ella.
"At kailan naman?"-Rain.
"Ngayon, sinundan namin siya dito sa Seri. Tamang tama nga eh andito rin yung pinsan mong si Chun."-Ella.
"Hmmm timing ah. Makikita niya kung ano ang gagawin ko sa girlfriend niya. Sige hintayin niyo ako jan. Pupunta ako"-Rain.

Hmmm mukhang nangangamoy riot ito mamaya.

"O ano raw ang sabi ni Rain?"-Hebe. Aba for the first time nagsalita ngayong araw tong babaeng to.
"Hintayin daw natin siya at papunta na siya rito para tulungan tayong gantihan ang babaeng yun."-Ella.

Nakokonsensiya na si Hebe para kay Kristine dahil sa mga pinaggagawa ng mga kaibigan niya. Pero wala naman siya magawa kundi ang magdasal na sana walang masaktan sa kanila.


Kasama na nila ngayon si Rain at nagpaplano ng gagawin nila sa araw na iyon.
"Lalapitan mo si Kristine at kunwari mag sosorry ka sa kanya. Then saka mo kaibiganin"-Ella.
"Sus ang dali lang palang ipapagawa mo eh. Kayang kaya ko yan"-Mayabang na sabi ni Rain. "Eh kayo? Anong gagawin ninyo?"-Rain.
"Wala, ayaw namin maging mabait dun sa babaeng yun. Naaalibadbaran ako"-Ella.
"Tara na labas na tayo"-Selina.

Lumabas na nga ng sasakyan yung mga magkakaibigan. Papunta sila sa kubo kung saan naroon sina Wu Chun, Kristine, Manong Dante, Molly na nagsilbing mata ni Ella, at mga taong nakatira dun sa lugar na yun.


KRISTINE'S POV:
"Babe, tatawagan ko lang sila Calvin ah"-Wu Chun.
"O sige Babe"-Ako.

Kasalukuyan kaming nagpapahinga ngayon. Kakatapos lang kasi naming magbigay ng mga relief goods. Kasama ko pa rin sina Wu Chun, Manong Dante, Molly at mga taong nakatira dito.
"Hmp, may pa babe babe pang nalalaman di naman sila Bagay"-Bulong ni Molly pero dinig naman namin ni Manong Dante.
"Hoy Molly, bakit? Wala bang tumatawag sayong Babe? Gusto mo ireto kita kay Banong? Yung bagong hardinero nila Sir?"-Manong Dante.
"Che, Kahit wag na!"-Molly.


"Hi everyone!"-Ella.
Napalingon kaming lahat sa may pintuan kung saan nakita kong nakatayo doon sina Ella, Selina, Hebe at si Rain. Nagulat kaming lahat, maging si Wu Chun my loves na may kausap sa phone ay napatigil din sa pagsasalita marahil ay narinig din nito yung pagsasalita ni Ella. Ngiting ngiti pa sila na pumasok sa loob ng kubo kahit hindi naman sila pinapapasok.
"Anong ginagawa niyo rito?"-Hinarang ko sila.
Tinaasan ako ng kilay nina Selina at Ella. Si Hebe naman ay yumuko lang, si Rain naman ay inilibot ang paningin sa paligid.
"Bakit? Bawal ba kaming pumunta rito?"-Ella.
"Hindi naman bawal pumunta rito. Nagtataka lang kasi ako kung bakit kayo nandito?"-Kristine.
Nagcrossed arms si Ella habang nakataas pa rin yung kaliwang kilay niya.
"Wag ka ng magtaka girl kung nagpunta kami dito. Kasi dati naman na kaming pumupunta dito eh, lalo na kapag nagsicelebrate kami ni Wu Chun ng anniversary namin"-Ella.
Magsasalita pa sana ako pero nakalapit na si Wu Chun my loves sa amin, inakbayan niya ako. Kaya nakita ko ang umuusok na ilong ni Ella. Haha Nganga siya diba?. Nginitian ko siya ng nakakaloko.
"Anong ginagawa niyo dito? Hindi ko iniexpect na pupunta kayo ngayon dito."-Wu Chun.
"Napunta kami dito kasi sabi ni Molly sa amin, andito ka at nagbibigay ng relief goods"-Ella.
Binaling ni Wu Chun my loves ang tingin niya kay Molly.
"Sinabi mo sa kanila!"-Sigaw ni Wu Chun my loves kay Molly. Habang si Molly naman eh napayuko nalang. Bwisit siya, nung tumawag ako sabi niya bawal storbohin si Wu Chun my loves ko tapos ngayon malalaman ko na sinabi niya kung nasaan ang boyfriend ko!. Nakakainis siya!.
"Wag kang magalit kay Molly. Nasabi lang naman niya eh, actually malapit lang kasi dito yung mall show namin kanina kaya naisip namin na dumeretso nalang dito. Tutal matagal tagal na rin naman na hindi kami nakapasyal dito. So we decided na pumunta nalang dito"-Rain.



Gusto kong maniwala sa mga sinasabi ni Rain, kaso malas niya dahil kasama niya yung three witches kaya sorry siya! Hindi ako naniniwala!.
"Tamang tama papunta rin sila Calvin dito ngayon."-Wu Chun.
"Okay, one big happy family pala tayo rito!"-Manong Dante.





Dumating sina Calvin, Aaron, Jiro kasama pa si Bestie Ko at si Manang Joy., iniutos pala ni Wu Chun my loves kay Calvin na isama dito sina Manang Joy at Bestie ko para makapasyal din daw sila. Nagpaiwan naman si Manang Bebeth sa condo unit kung saan tumutuloy sina Bestie at Lola Gina ko.






Alas sais ng gabi:
Kasalukuyan akong nagluluto ng uulamin namin, tumutulong naman sa akin sina Manang Joy at Bestie. Habang yung iba naman ay nasa loob ng Kubo.
"Ano Bestie? Natanggal na ba yang pagdududa mo kay Chunnie Loves mo?"-Bestie Liesly.

Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon