KRISTINE'S POV:
Nakalabas na ako sa Hospital tatlong araw na ang nakalipas. Hindi muna ako pinagtrabaho ni Wu Chun ngayon at si Arcelie muna ang pumalit sakin sa trabaho ko."Kristine, bakit bumaba ka na?"-Manang Bebeth.
"Manang Bebeth ayos na po ako. At saka boring po dun sa kwarto ko kaya bumaba po ako. Wag po kayong mag alala dahil hindi po ako magpapasaway ngayon"-Ako.
"Buti naman kung ganun. Oh siya sige, umupo ka muna jan at titignan ko lang si Manang Joy mo kung naluto na niya yung pagkain mo"-Manang Bebeth.
Sinunod ko yung utos ni Manang Bebeth. Nasa dining area ako ngayon, dito ako pina upo ni Manang Bebeth."Kristine, luto na yung pagkain mo"-Masiglang sabi ni Manang Joy. May dala itong tray, nakalagay doon yung pagkain ko. Pang break fast lang talaga siya. Hotdog, longganisa, at omellette. With rice and fresh milk.
"Thank you Manang Joy"-Kristine
"You're welcome Ma'am Kristine"-Manang Joy.Pagkatapos kong kumain, pinatawag ako ni Senyorita Lea. This time hindi kami sa library nag usap. Dito kami ngayon sa may opisina niya sa taas na malapit lang sa kwarto ko.
"Kamusta ka na?. Balita ko na hospital ka raw."-Senyorita Lea.
"Ah opo, pero ayos na po ako. Wala na po problema"-Ako.
"Okay, at kamusta naman ang pagpapanggap bilang fake girlfriend? May progress na ba?"-Senyorita Lea.
"Ayos naman po yung pagpapanggap ko bilang fake girlfriend po niya. Kaya lang po sa tingin ko wala pa pong pagbabago. Tingin ko po kasi eh mahal niya pa rin po si Ma'am Ella"-Ako.
"Well kung ganon, mukhang ma chachallenge ka sa kapatid ko. Pero wag na wag kang titigil hanggat hindi mo nailalayo si Wu Chun kay Ella."-Senyorita Lea.
"Pangako po Senyorita hinding hindi po ako titigil. Lalo pa at alam ko po na may sa ahas po ang ugali ng babaeng yun"-Ako.
"Bakit? Ano ba ang ginawa ni Ella sayo?"-Senyorita Lea.
Ikinuwento ko kay Senyorita Lea yung buong pangyayari nang ikulong ako ni Ella kasabwat pa yung mga alipores niyang sina Selina at Hebe.
"Eto na nga ba ang sinasabi ko eh, bwisit yung mga yun. Kailangan makaganti tayo sa ginawa nila sayo"-Galit na sabi ni Senyorita Lea.
"Naku, Senyorita Lea pag gumanti tayo lalo lang madadagdagan yung galit sakin ni Ella. Hayaan nalang po natin siya., pero kung mapilit po kayo sige po"-Ako.
Nakita ko yung pagngiti ni Senyorita Lea.
"Alam mo ang dali mo ring kausap eh no? Pero makulit ka"-Senyorita Lea.
Napangiti nalang ako sa sinabi sakin ni Senyorita Lea."Oh ano Bestie, sana naman eh natauhan ka na!. Yan palang ang ginawa sayo ni Ella."-Bestie Liesly
Kausap ko na naman sa skype si Bestie Liesly. Ikinuwento ko rin sa kanya yung ginawa sa akin ni Ella at ng mga alipores niya. Hindi ko nga alam kung kampi sakin ang Bestie ko o sadyang ganyan lang talaga siya.
"Anong gagawin mo ngayon? Sasabihin mo ba kay Wu Chun ang ginawa sayo ni Ella?"-Bestie Liesly.
"Hindi ko nalang siguro sasabihin sa kanya Bestie"-Ako
"Ha? At bakit naman? Ganun na nga ang ginawa sayo ni Ella. Aba dapat panagutan ka niya!"-Bestie Liesly
"Ano ka ba, hindi naman ako buntis para panagutan ako ni Wu Chun. Kinulong lang ako ni Ella sa CR."-Ako.
"Hala hindi ko naman sinabing buntis ka para lang panagutan ka ni Wu Chun, ang sinasabi ko eh dapat panagutan ka niya dahil dun sa ginawa sayo ni Ella"-Bestie Liesly.
"Akala ko naman kung ano na yung sinasabi mo. Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko kapag nakita ko si Ella. Pero si Senyorita Lea may nakaplano nang gawin."-Ako.
"Yun naman pala eh. Alam mo Bestie. Minsan matuto ka namang maging palaban. Nasuntok mo nga dati si Rain my loves diba?"-Bestie Liesly.
Oo nga pala naikwento ko na rin kay Bestie Liesly yung pagsuntok ko kay Rain nung birthday ni Aaron Yan. Hindi nga siya makapaniwala na magagawa ko yun!. At higit sa lahat hindi rin siya makapaniwala na may pagka manyak yung Rain my loves niya!. Pero kahit ganun yung ginawa sa akin ni Rain hindi pa rin nabawasan yung paghanga ni Bestie para sa kanya. Katulad ko lang din naman si Bestie eh, nagmamahal pagdating sa mga idol namin.
"Oh siya sige Bestie papasok pa ako ng school. Mag ingat ka jan Bestie ah."-Bestie Liesly.
"Okay sige, pakamusta nalang kay Lola Gina. Ingat ka rin"-Ako.
"Bye."-Bestie Liesly."Kristine pinapatawag ka nga pala ni Sir Wu Chun, punta ka raw sa Tent nila. Mukhang namiss ka niya ha"-Mary Rose.
"Sigurado ako uutusan lang ako nun hehe"-Ako.Lumabas na ako sa tent namin at nag tungo sa tent nila Wu Chun.
Pinayagan na ako ni Wu Chun na bumalik sa trabaho dahil nakarecover na ako mula sa pagkakahospital ko.Nag umpisa ulit mag shooting si Wu Chun ng bago niyang movie, this time hindi si Ella ang ka love team ni Wu Chun my loves. Si Angela Zhang yung ka love team rin niya sa Romantic Princess. Isa lang ang ibig sabihin nito, puyatan time na naman.
Narating ko yung tent nila, sa labas nun may dalawang guard nakabantay doon.
"Si Wu Chun ba nanjan?"-Ako
"Opo Ma'am nasa loob po siya at hinihintay ka po niya"-Manong guard#1.
Binuksan naman nung isang guard yung pinto na gawa lang sa flywood. Pagbukas nun nakita ko si Wu Chun my loves na nakaupo at nagbabasa. Marahil script yung binabasa niya.
BINABASA MO ANG
Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)
RandomIsang napakamaningning na bituin na napakahirap abutin, pero pilit na inaabot. Yan ang laging nasa isip ni Kristine. Mahirap lang si Kristine Pero may pangarap sa buhay at yun ay ang makita sa personal ang kanyang ultimate crush na si Wu Chun. Sa to...