CHAPTER SEVENTEEN PART THREE

12 0 0
                                    

WU CHUN'S POV:

"Ngayon nasabi ko na ang dapat kong sabihin siguro naman ay pwede na akong umalis"-Ella.
"Sige makaka alis ka na"-Wu Chun.
"One more thing Chun. Ngayon na nalaman mo na ang katotohanan. Gusto kong sabihin sa iyo na ihanda mo ang pamilya mo at syempre yung pinakamamahal mong si Lin."-Pagbabanta ni Ella sa akin.

Sa araw ding iyon ay pinuntahan ko ang Daddy ko sa opisina niya. Naabutan ko siyang abala sa pagbabasa ng mga kontrata.
"Dad!"-Pagtawag ko sa kanya.
Nag angat naman ng ulo ang Dad ko.
"Chun, anong kailangan mo?"-Don Lee.
"Totoo ba? Dad na alam mo ang tunay na pagkatao ni Kristine?!"-Wu Chun
Hindi sumagot si Dad sa tanong ko kaya naman tuloy tuloy na rin akong nagsalita.
"So silence means Yes!"-Wu Chun.
"Chun look..."-Don Lee.
"Dad sinungaling ka!. All this time niloloko mo lang pala ako!"-Wu Chun.
"Chun, son. Oo aaminin ko sayo na niloko kita, na alam ko na ang tunay na pagkatao ni Kristine. Ginawa ko lang naman iyon para protektahan ka sa posibleng mangyari!"-Don Lee.
"Dad, ano ba yang pinagsasabi mo?"-Wu Chun.
Ipinakita sa akin ni Dad yung binabasa niya kanina na inakala kong kontrata yun pala ay banta iyon sa pamilya namin. Habang binabasa ko iyon ay bigla kong naalala yung sinabi ni Ella sa akin.

"Dad alam ko kung sino ang may gawa nito. Hindi pamilya Ying ang may gawa nito."-Wu Chun.
"Paano ka naman nakakasiguro?"-Don Lee.
"Ella told me everything"-Wu Chun.
Kinuwento ko kay Dad yung mga sinabi sa akin ni Ella. Sa una ay ayaw niyang maniwala pero sa huli naniwala na rin siya.

Nung gabing hindi umuwi si Kristine sa Mansion ay lagi akong pumunta sa Condo Unit nagbabakasakali na makita ko siya doon. Pero ang laging sumasalubong sa akin ay ang Bestfriend niyang si Liesly.
"Liesly nagmamakaawa ako sa iyo please ilabas mo si Kristine. Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang makausap. Please naman o."-Pagmamakaawa ko kay Liesly.
"Chun, sinabi ko naman sayo na wala siya rito"-Bestie Liesly.

End of flashback

Kinuha ko mula sa aking wallet yung picture namin ni Kristine na kuha nung birthday party ni Aaron. Hinaplos ko yung mukha niya.
"Please come back"-Sabi ko sa sarili ko...


KRISTINE'S POV:

"Anak sigurado ka bang gusto mong bumalik sa City?"-Tanong sa akin ng Mommy ko.
"Opo Mommy sigurado po ako."-Ako.
"Gusto mo samahan nalang kita Anak,. Para naman makita ko kung okay yung kalagayan mo doon"-Mommy.
"Mommy wag na po. At saka babalik naman din po ako agad dito eh. Saka kasama ko naman po doon si Bestie ko. Pag naayos ko na po ang lahat ng dapat kong ayusin doon, babalik po ako agad dito."-Pag aassure ko sa Mommy ko.


Ngayong araw na ito ang balik ko sa city. Pinaiwan ko na si Lola Gina ko kasi alam kong mapapagod lang siya sa byahe. Dahil malayo itong lugar namin sa city. Naghihintay na doon ngayon si Bestie Liesly ko.



Kasama ko sa buong byahe si Manong Jose at si Maricorn na sa tingin ko eh kaedad ko lang.
"Ma'am Kristine maganda po ba sa City?"-Maricorn.
"Oo naman!. Maraming pasyalan dun. At saka maraming sikat na mga celebrities na makikita doon"-Ako.
"Talaga!? Naku, matagal ko ng pangarap na makakita ng Artista. Sa tinagal tagal ko na rito sa Brunei hindi pa ako nakakakita ng artista na sikat dito eh. Nung nasa Pilipinas pa ako dati si Jose Manalo na pagkapangit pangit yung lagi kong nakikita"-Kwento ni Maricorn.
"Grabe ka naman talagang ipinarinig mo pa sa akin yang kwento mo ha Maricorn"-Manong Jose.
Paanong hindi magrereklamo itong si Manong Jose eh kapangalan niya kasi yung kinukwento ni Maricorn. Di kaya siya yun mismo? Hahaha. O wag niyo akong isusumbong ah.




"BESTIEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!"-Sigaw namin ni Bestie Liesly ko sa isa't isa. Nag yakapan kaming dalawa. Kahit papano namiss ko naman tong isang to noh. Pero mas na miss ko pa rin si Wu Chun my loves hihihi.
"Ay Bestie Si Manong Jose Driver ko at si Maricorn ang aking Personal Maid. Manong Jose, Maricorn, si Liesly nga pala siya yung sinasabi ko sa inyo na Bestfriend ko."-Pagpapakilala ko sa kanilang tatlo. Nagkamayan naman sila.





"Infearness Bestie ah, kamukhang kamukha mo ang Mommy mo. Pero yung kutis mo nakuha mo sa Daddy mo"-Sabi ni Bestie Liesly ko. Tinitgnan niya kasi yung mga litrato namin ng mga magulang ko. "Pero Bestie, ngayon na nandito ka na ulit ano na ang plano mo? Magpapakita ka ba kay Wu Chun labidabs mo? O makikipag sabunutan ka doon kay Ellang mangkukulam?"-Bestie Liesly.
"Pwede bang pareho ang sagot ko sa tanong mo?. Oo bumalik ako rito para makita ulit si Wu Chun my loves. Hindi ko naman siya pwedeng pagtaguan dahil siya ang ama ng magiging anak namin at mahal na mahal ko siya. At yung si Ella naman hindi ko siya uurungan. Hindi ako makakapayag na sirain niya ang pamilya ko at ang pamilya ni Wu Chun my loves."-Mahabang paliwanag ko kay Bestie Liesly.
"Teka, anong ibig mong sabihin?"-Bestie Liesly.
"Alam ko na ang buong katotohanan Bestie. Pamilya ni Ella ang nagpabagsak noon sa mga negosyo nina Don Lee. Kaya lang naman nasisi ang mga magulang ko ay katunggali sila ni Don Lee noon. Inakala rin ng mga magulang ko noon na si Don Lee ang dahilan kung bakit gipit na gipit kami, pero ang totoo nun ang pamilya na naman ni Ella ang may kagagawan nun."-Ako.

Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon