ELLA, SELINA AND RAIN IS BACK PART FOUR

13 0 0
                                    

RAIN'S POV:

After namin makapagplano kung ano ang gagawin namin pagganti kay Kristine ay umuwi na ako dito sa Condo ko. Pagpasok ko ay pumasok ako sa isang kwarto...

Yung kwartong iyon ay punong puno ng ala ala para sa isang taong labis ko ring minahal nung bata pa ako.

Nakita ko ang isang box. Kinuha ko iyon. Doon nakalagay yung mga gift na hindi ko naibigay kay Lin noon.

Si Lin na inakala kong patay na. Ay buhay pa pala. Si Lin na naging kaibigan ko noon, si Lin na minahal ko. Si Lin na naging dahilan ng hindi namin pagkakasundo ng pinsan kong si Wu Chun ay buhay pa pala. Kinuha ko yung lumang picture ni Lin na nakalagay sa pocket ko.
"Buhay ka pa pala. Akala ko patay ka na., Hindi ko hahayaang mapunta ka kay Chun. Magiging akin ka."-Rain.
Ibinalik ko yung picture sa dati nitong lagayan tapos lumabas na ako ng kwartong iyon. Saka ako nagtungo sa aking kusina at kumuha ng beer sa ref...
Nang malasing ako ay dinial ko ang number ni Molly., kailangan kong makausap si Kristine at marinig ang boses niya.
"Hello Sir, napatawag po kayo?"-Molly.
"Gusto kong makausap si Kristine."-Rain.
"Pero Sir Bakit po?"-Molly.
"Dali na! Ibigay mo na sa kanya ang cellphone mo at gusto ko siyang makausap!"-Sigaw ko kay Molly. Alam kong nagulat siya dahil sa pag sigaw ko, maging ako rin. Hindi naman ako naninigaw talaga eh. "Ano? Ibigay mo na yung cellphone mo sa kanya!"-Rain.
"Sir gabi na po. Siguradong tulog na ho siya!"-Naiinis na rin si Molly dahil sa kakulitan ko.
"Pwes gisingin mo siya! Gusto ko siyang makausap!"-Rain.
"Sir, kung gusto niyo po siyang makausap pwedeng ipagpabukas niyo nalang po? Makikita niyo rin naman po siya bukas sa set niyo!"-Molly.
Oo nga pala, makikita ko rin pala siya sa set bukas.

Sa set:

Katatapos lang kunan yung eksena ko. At ngayon ay break time ulit. Lalapitan ko na sana si Kristine na mag isang nag aayos ng gamit sa loob ng malaking tent, kaya lang ay lumapit ang asungot kong pinsan na si Wu Chun., kaya heto ako nagngangalit sa sobrang selos.
"Ang sweet nila hindi ba?"-Si Ella na kakatapos lang din kumain. "Ikaw naman kasi Rain, babagal bagal ka ayan tuloy naunahan ka na naman ng pinsan mo. Bata pa lang kayo lagi ka ng inunuunahan ni Chun sa lahat ng bagay, pati ba naman kay Kristine or should i say Lin eh magpapahuli ka?. Kung ako sayo Rain bilis bilisan mo ang kilos mo, baka mamaya niyan makita mo nalang silang dalawa na masayang ikinakasal sa simbahan."-Ella.
"Wag kang mag alala Ella, hindi mangyayari yang sinasabi mo. Sayo si Wu Chun, akin naman si Kristine."-Rain.
"Hmp dapat lang. Akin naman talaga si Wu Chun eh, mang aagaw lang naman yang pinakamamahal niyong si Octopus!."-Ella.

KRISTINE'S POV:

"Ay Bestie may gagawin ka ba mamaya?"-Tanong ni Bestie Liesly sa akin. Nag aayos ako ng mga gamit ni Wu Chun my loves dito sa set nang tawagan ako ni Bestie Liesly ko.
"Wala naman Bestie bakit?"-Ako.
"Kasi, magpapasama kasi ako sa yo sa mall mamaya. Saka bonding na rin natin yun, matagal na rin tayong hindi nakakapag bonding Bestie"-Bestie Liesly.
"Sure, Bestie mag bonding tayo."-Ako.

Mall:

"Bestie, paano nga pala nangyari na hindi na ikaw yung ka loveteam ni Wu Chun labidabs mo?"-Bestie Liesly.
"Sabi kasi nung boss nila Wu Chun my loves, si Ella nalang daw. Since nakabalik na si Ella. Kaya siya nalang daw"-Ako.
"Sayang naman yun Bestie chance mo na sanang sumikat eh"-Bestie Liesly.
"Oo nga eh. Pero wala naman akong magagawa dun dahil wala naman talaga akong alam pagdating sa acting. Kantahan at sayawan lang naman ang alam kong gawin"-Ako.
"Sabagay, Bestie baka nga hindi mo linya yung pag acting. Tara maghanap na tayo ng kakainan natin"-Bestie Liesly.
Naka hanap kami ni Bestie Liesly ng restaurant na hindi masyadong matao. Hinihintay namin yung inorder naming pagkain nang may mapansin kami ni Bestie Liesly na pamilyar na tao................................................



Si Wu Chun my loves na may kasamang isang lalaki. Mukhang seryoso yung usapab nila.
"Anong ginagawa ng Wu Chun labidabs mo rito sa Restaurant?"-Bestie Liesly.
"Hindi ko din alam eh."-Ako.
"Di kaya may sinisikreto sayo yang boyfriend mo?".
"Wala naman siguro."-Ako.
"Tara lapitan natin"-Bestie Liesly.
"Bestie wag nalang. Lipat nalang tayo ng ibang restaurant."-Ako.





Kahit ako nagtataka kung bakit naroon sa restaurant na iyon si Wu Chun my loves. Ang sabi niya kasi sakin kanina bago siya umalis ay pupunta siya sa Seri dahil may i checheck daw siya doon.
Lumipat kami ni Bestie ng restaurant.






Shooting:

Nanonood ako ng eksena nila Wu Chun my loves at Ella na nagbabike sila around the park. Nakaupo ako sa isang bench.
"Hi, Kristine"-Rain.
Hindi ko pinansin si Rain. Tumabi siya sa akin sa pag upo.
"Ang sweet nila no?"-Rain.
Tinutukoy ni Rain ay sina Wu Chun my Loves at Ella.
"Bakit? Naiinggit ka?"-Pasuplada kong sabi sa kanya.
"Hindi naman ako naiinggit sa kanila. Its just that i find them sweet. Nung sila pa kasi sobrang sweet talaga nilang dalawa., with or without camera."-Rain.
"So?"-Tinaasan ko ng kilay si Rain.
"Bakit ba ang suplada mo sa akin? Wala naman akong ginagawang masama sayo ngayon ah"-Rain






Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon