SURPRISE BIRTHDAY GIFT PART SEVEN

15 0 0
                                    

KRISTINE'S POV:
Sa stage makikita ang isang malaking sofa, tapos may malaking tarpaulin din doon na may picture ko at may nakasulat na Happy Birthday Kristine. At sa left side ng stage makikita ang naka display na 8 layers na color red cake at sa paligid nun ay may mixed color na blue at red. Oh diba ang bongga.

"Okay so Andito na yung ating birthday celebrant, ngayon ay uunpisahan na natin ang ating programa para sa kanya."-Yung lalaking Emcee.
Hindi ko muna inintindi yung mga sinasabi nung isa pang Emcee. Patingin tingin ako sa paligid na tila may hinahanap. Well may hinahanap nga ako.
"The reason why nangyari itong birthday celebration ng mahal nating si Kristine ay dahil sa isang taong talaga namang nag effort."-Emcee#1
"Yes, and i know yung birthday celebrant natin eh mukhang excited nang makita itong isa sa mga special na tao sa buhay niya"-Emcee#2.
"At pati na rin syempre yung mga bisita natin dito"-Emcee#1.
"Please welcome ang taong naging daan para maging succesfull ang gabing ito, walang iba kundi si Boss GKC"-Emcee#1/2.

Nakita ko si Wu Chun my loves na lumabas mula sa isang malaking red curtain na nakaform na gift wrapper..

Tapos ang gwapo niya sa suot nitong white tuxedo, with matching shades. Wow where is the sun lang ang peg. Naglakad siya papunta sa akin. Tapos tumabi siya sa akin sa sofa.

Titig na titig kami sa isa't isa.
"Ehem ehem, ah excuse me po, andito po kaming lahat oh"-Nagtawanan ang lahat sa sinabi nung Emcee. Dahil dun natauhan kaming dalawa ni Wu Chun my loves. Well masaya naman ang itinakbo ng birthday celebration ko. Kaya lang medyo malungkot lang ako kasi nga hindi man lang ako binati ni Bestie ko at lola ko.

Yung mga batang pamangkin ni Wu Chun my loves nag intermission number sila. Pagkatapos nilang sumayaw nagsipuntahan sila sa akin at kiniss nila ako isa isa.
"Hami mirtday ta"-Sabi yan nung pinaka batang pamangkin ni Wu Chun. Sabay bigay sakin nung gift na hawak niya.
"Thank you Milka"-Ako.

"Now its time naman para sa another surprise gift natin para sa ating birthday celebrant."-Emcee#1.
"Itong mga taong to ay ang mga pinaka importante sa buhay ng ating birthday Celebrant"-Emcee#2.
"At wag na natin patagalin pa, all the way from philippines Please welcome Mr. Emil Paragas, Liesly Paragas the bestfriend and Mrs. Gina Macaraeg the grand mother of our birthday celebrant."-Emcee#1/2.

Maluha luha ako ng makita kong lumabas mula sa nilabasan ni Wu Chun my loves sila Lola Gina, Daddy ni Bestie at si Bestie ko mismo. At nang makalapit sila sa akin ay agad ko silang sinalubong ng mahigpit na yakap. Umiyak pa nga ako eh.
"Uy bestie wag ka ngang umiyak, sige masisira yung ganda mo niyan."-Bestie Liesly.
Pagkatapos ng yakap session namin, pina upo muna sila si Bestie na malapit lang sa stage.

"Tamang tama partner, andito na lahat ng ating mga bisita. I bet may gusto yatang sabihin si Boss GKC para sa ating birthday celebrant"-Emcee#1.

Binigay nung isang Emcee yung mic kay Wu Chun my loves.

"Bago ang lahat gusto muna kitang batiin ng Happy Birthday. Alam kong nagtataka ka kung bakit kita iniiwan sa mansion nitong mga nakaraang araw. And i'm sorry for that. Kaya kita iniiwan sa mansion ay dahil nagpeprepare ako para sa araw na ito. Gusto ko icelebrate ang birthday mo na kasama kaming lahat, kasama ko,. At gusto ko talagang maging memorable ito para sa iyo. Kristine, infront of all this people around here, around us,. I want to tell you that i want you to be my girlfriend. ×My real girlfriend×. You make me happy when i am sad, you make me smile everytime na makikita kita. Hindi ko naman sinasabi nakakatawa ka., pero that's the way na nainlove ako sayo eh. The first time i saw you in the Philippines, hindi ko na makalimutan yung mukha mo. Kaya kinausap ko si Mr. Paragas at humingi ng tulong sa kanya na hanapin ka. And im very glad na kilala ka pala niya. I told him na kung pwede ipakilala ka niya sa akin, yung time na sinend sa akin yung resume mo ay hindi na ako nagpatumpik tumpik pa na kunin ka as one of my employees. And im thankful na tinanggap mo yung trabaho. Marami pa akong gustong sabihin sayo pero alam kong gusto nang sumayaw at kumain ng mga bisita mo....

Nagtawanan ang lahat.

"I want to tell you that i really really love you so much"-Wu Chun.
"Ayiiiiiiiiiiiieeeeeeeeee"-Kinikilig na sabi ng lahat.






"Totoo ba to?"-Bulong ko kay Wu Chun my loves.
"Yeah, its true"-Wu Chun.





Masayang masaya ako ngayon dahil kumpleto ang mga taong mahalaga sa buhay ko ngayong kaarawan ko. Nagsasayaw kami ng sweet dance, partner ko si Wu Chun. Si Bestie ko naman kasayaw niya si Calvin uyyyy mukhang may something na sa dalawa.. ano ba author kakakilala lang nung dalawa...





ELLA'S POV:

"Girl mukhang masayang masaya ngayon ang lahat dahil doon sa babaeng yun"-Selina.
"Maghintay sila, dahil may pasabog ako para jan sa babaeng yan!"-Ella.
"Girls sigurado ba talaga kayong gagawin niyo yun?"-Hebe.
"Oo naman Hebe, naplano na natin tong mabuti kaya gawin na natin."-Ella.
Kinuha ni Ella yung isang cellphone sa bag niya at may tinawagan.
"Hello, gawin niyo na ngayon din!"- utos ni Ella sa kanyang tinawagan.

Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon