CHAPTER FIFTHEEN PART FOUR

11 0 0
                                    

MOLLY'S POV:

"Hello Ma'am Ella"-Molly.
"Molly, ano nang Balita?"-Ella.
"Ma'am Ella. Andito po sila Kristine sa Mall ngayon dito po sa may GKC Restaurant."-Molly.
"Ganun? Sige hintayin mo kami jan."-Ella.
"Sige po Ma'am."-Molly.



Inend call na ni Molly ang kanyang cellphone. At saka niya tinitigan sina Kristine, Wu Chun, Manang Bebeth, Manang Joy, Arcelie, At Mary Rose na kasalukuyang naghuhugas ng mga pinagkainan ng mga costumers. Parusa nila iyon dahil sa pag iingay nila sa loob ng restaurant.



"Humanda ka Kristine sa matinding balita na dala namin ni Ma'am Ella. Maghintay ka lang. Ilang oras na lang ang pananatili mo sa tabi ni Sir Wu Chun. Sa piling ng lahat ng mga nagmamahal sa iyo."-Molly.



ELLA'S POV:

After akong tawagan ni Molly at sabihing magkasamang nasa Mall sina Kristine at Wu Chun ay tinawagan ko si Don Lee. Na agad namang nakipagkita sa aming tatlo nina Rain at Selina.



Tama si Don Lee na ama ni Wu Chun. Tinawagan namin siya para kausapin tungkol kina Kristine at Wu Chun. Agad naman siyang nakipagkita sa amin dito sa restaurant na pag mamay ari din ng pamilya nila. Malapit lang sa Mall ang restaurant na pinuntahan namin.




"Ano ang dahilan niyo at bakit niyo ako gustong makausap?"-Sabi ni Don Lee na pagkatapos magsalita ay uminom ng hot chocolate.
"Hindi na po kami magpapaligoy ligoy pa Don Lee. Nakipagkita kami sa inyo dahil gusto namin sabihin sa inyo ang isang balita."-Ella.
"At ano namang balita iyon?"-Tanong ni Don Lee.
"Alam namin Don Lee na matagal niyo nang alam na buhay pa si Lin Li Ying. At alam rin namin na pinaghahanap niyo na siya ngayon"-Rain.
"Ano naman ngayon sa inyo kung pinapahanap ko nga ang babaeng yun?"-Don Lee.
"Don Lee big deal ho sa aming tatlo yung babaeng yun."-Selina.





Bakas sa mukha ni Don Lee ang pagtataka sa mga sinasabi namin. Kaya hindi na namin iyon pwedeng palagpasin pa. Alam namin na hindi niya gusto si Kristine para sa anak niyang si Wu Chun. Lalo pa niyang aayawan ito kapag nalaman niya na si Kristine at si Lin Li Ying ay Iisa lang.





"At bakit naman?"-Tanong ni Don Lee kay Selina.
"Dahil si Kristine at ang hinahanap niyong si Lin Li Ying na inakala niyong patay na ay iisa. Siya ang anak ng katunggali ninyo noon sa negosyo at sa pulitika."-Ella.
Hindi makapaniwala si Don Lee sa mga pinagsasabi ni Ella. Yung batang matagal na niyang hinahanap ay nasa malapit lang pala.





"Don Lee alam ho namin na hindi mo gusto si Kristine para sa anak mong si Wu Chun. Kaya nandito ho kami para tulungan ka para mapadali ang paghihiwalay ng dalawa."-Rain.
"At paano naman natin gagawin iyon?"-Don Lee.
"Madali lang po yan Don Lee. Ako na po ang bahala doon sa bagay na iyon. Basta watch and learn lang ho kayo"-Rain.





DON LEE'S POV:

"Ikaw pala si Lin. Kaya pala malakas ang kutob ko sa iyo. Ikaw pala ang nawawalang si Lin. Matagal na panahon kitang hinanap nasa paligid ka lang pala. Hindi ako makakapayag na maging bahagi ka ng pamilya namin! Ayaw kong mabahiran ng kriminal ang pamilya ko!"-Sabi ni Don Lee habang nakatingin siya sa litrato ng batang Si Lin Li Ying. May kopya siya nun, kasi nung pinapahanap niya si Lin ay kumuha siya ng litrato nito sa kwarto ng anak niyang si Wu Chun.






"Dad!"-Tawag sa kanya ng anak niyang babae na si Senyorita Lea. Agad naman niyang itinago ang litrato sa kanyang bulsa. Pero napansin iyon ni Senyorita Lea.
"Bakit Lea?"-Tanong niya sa anak na nakaupo na sa mini sofa. Nasa library kasi siya sa mga oras na iyon.
"Dad, nagpunta po ako rito para kausapin kayo tungkol doon sa investment natin sa isa pang hospital na ipapatayo natin. Are you sure na kailangan nating isuko ang lahat ng iyon kay Mr. Tan?"-Senyorita Lea.
"Hindi naman lahat ay kailangan nating isuko. Kalahati lang ng investment natin ang kailangan nating i give up kay Mr. Tan para hindi tayo malugi ng tuluyan. And don't worry Wu Chun and Leo will be going to handle that."-Sabi ni Don Lee sa Babaeng Anak na kasalukuyang nagbabasa na ng libro.





"Don Lee, narito na po si Sir Wu Chun"-Sabi ng isang katulong.
"Sige Lucy pakitawag mo siya rito sa library ngayon din"-Maawtoridad na sabi ni Don Lee.






Nang makapasok ang bunsong anak ni Don Lee na si Wu Chun sa library ay agad na pinaalis ni Don Lee ang babaeng anak na si Senyorita Lea. At sumunod naman sa utos ng Ama si Senyorita Lea.





"Ipinatawag mo raw po ako Dad?"-Si Wu Chun na hindi na nag abala pang umupo. Nanatili na lang siyang nakatayo dahil alam ni Wu Chun na hindi naman magtatagal ang usapan nilang iyon ng kanyang Ama.
"Ipinatawag kita kasi may gusto akong ipakita sa iyo"-Don Lee.






Inilabas ni Don Lee mula sa brown envelope ang mga litrato................................................





Litrato iyon nina KRISTINE AT RAIN NA MAGKAYAKAP. Meron pa yung NAKATALIKOD SI KRISTINE, NAKAHARAP SIYA KAY RAIN NA PARANG NAGHAHALIKAN SILANG DALAWA. KUHA IYON NUNG NAGSOSHOOT SINA WU CHUN AT ELLA SA PARK NUNG NAKARAANG ARAW!.






"Yan ba ang klase nang babaeng minamahal mo?. Harap harapan ka nang niloloko?"-Sabi ni Don Lee sa anak na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha dahil sa mga nakikitang litrato na nakalagay sa mesa.

Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon