/Chapter Five: Dr.Heath To The Rescue/

22.8K 236 7
                                    

A/N: So break muna tayo kina Sophie at Nyle and let's give the spotlight to Heath. Kung sino man po ang may pagnanasa kay koya ay masilabasan na. Fellow fuckboy din ba siya like Nyle? Watch out♥
------------------------------------------------------

Heath

Maaga akong nagising ngayon kasi tumawag sa akin si Mrs.Santos at nag-aalala siya sa alaga niyang bichon frise na si Lucca. Medyo matamlay daw ito at hindi kumakain. Tumungo agad ako sa clinic kung saan katatapos lang ng shift ng bestfriend kong si Peter or Pete, as I used to call him, at alam kong pauwi na siya sa bahay nila kung saan nag-aantay sa kanya ang inaanak kong si Javi.



I'm not that old, you know. I'm just 29 years old at wala pa naman sa plano ko ang mag-asawa. Hahaha. That's a big decision to do at wala naman akong girlfriend para mangyari 'yun. Magpa-praktis muna ako maging daddy at aalagaan ko ang future baby ni Kuya Nyle at ni Sophie. Hahaha.
Speaking of the lovebirds, sila na pala talaga officially. Kaya kung magharutan ay parang wala ng bukas. They both deserve each other, parehong mabubuting tao.

"Bro, alis na ko ah? Kilala mo naman si Javi baka magtampo pa..." sabi ni Peter sabay tapik sa balikat ko







"Sure bro. Ingat..." sagot ko naman at lumapit na kay Luca para suriin ito






Ilang beses kong tinignan-tignan si Luca at wala naman itong sakit. Well, matutuwa pa nga si Mrs.Sanchez kasi may good news ako sa kanya.







"Doc, so ano na? Mamamatay na ba si Luca? My poor baby..." agad niyakap ni Mrs.Sanchez si Luca




Ngumiti lang ako bago nagsalita.




"She's very much okay, Mrs.Sanchez. Normal lang na maging ganito siya kasi buntis eh..." halos hindi na makahinga si Luca nang muli siyang niyakap ng amo niya






"Oh my gosh! Luca baby, magiging mommy ka na!!!!!!" sobrang tuwa ni Mrs.Sanchez at pati ako at ang assistant kong si Lyndon ay niyakap na niya






"Pahingi po ng isang puppy ah..." biro naman ni Lyndon kay Mrs.Sanchez at mabilis namang tumango ang matanda






"No worries, bibigyan kita..." sabat ni Mrs.Sanchez at napa-clap clap clap naman si Lyndon






Fresh graduate si Lyndon at pinsan siya ni Peter kaya wala namang problema sa akin. He's the ice breaker in the clinic at lahat kami natutuwa sa pagiging komedyante niya. Sumama siya kay Peter sa engagement party ni Kuya Nyle at Sophie at ayon kay Lyndon, kung hindi niya daw nalaman na si Kuya na at si Sophie na, baka daw ligawan niya pa ito. Hahaha. Pilyong bata talaga. Hindi mo naman siya masisisi eh, dyosa naman si Soph at halos magkalapit lang naman ang edad nila.






Pagkaalis ni Mrs.Sanchez ay sunud-sunod na ang mga pet lovers na pumunta sa clinic para ipa-check up ang mga alaga nila. It's gonna be a long day for me. Well, bring it on 'coz I love stress and fatigue. :)

------------------------------------------------------

Kuya, nasa Pinas na kami. Can we stay at the mansion? Please tell Kuya Nyle that we're on our way.




Nakatanggap ako ng text mula sa isa sa mga kapatid ko habang nagpapahinga ako sa clinic.

So, nasa Pinas na pala ang mga mokong ha? Hahaha. Paniguradong riot na naman sa mansion.






Okay, you take care guys. Love you all.



Reply ko sabay press ng send button.








The Fuckboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon