/Chapter Sixty-Five: The Unfinished Business/

4.4K 49 0
                                    

A/N: Ako lang ba ang naiirita sa presence ni Gracie Walkers? Magkano kutsilyo ngayon? Kasi papatayin ko 'yung bruha. Hahaha. Joke lang guys! Happy 6.33K reads!
------------------------------------------------------

Nyle

Katatapos lang ng meeting namin at nasa parking lot na ako kung saan inaantay ako ni Mang Dante. Uuwi ako ngayon kasi nangako ako kay Sophie na ako ang maghahatid sa kanya sa The Trends. Ilang hakbang na lang ako papunta sa hummer ko nang biglang umeksena si Gracie. Hindi niya kasama si Mr. Chen na baka may kinausap pang kapwa stockholder. Nasa tabi niya pa rin ang kanina pang nakabuntot sa kanya na binata.





"Long time no see, Nyle. Namiss kita.." yayakapin niya pa sana ako kaso agad akong umiwas






"Please stop acting like we're okay, Gracie. You almost ruined my family and you're expecting na mapapatawad kita? Dream on!" sabi ko at nakita kong ngumisi ang binata na parang kaedad lang ni Vyke









"Stop laughing, you idiot! Hindi 'to nakakatawa!" sinigawan ni Gracie ang binata sabay sampal dito






"I'm not an idiot, Mom! Kung gago man ako it's all because ginawa mo akong gago. Bakit kasi hindi mo na lang ako binigay kay Dad?!" galit na galit na sumigaw ang binata sabay tingin sa akin







Kung hindi ako nagkakamali....it's him. Mga mata pa lang alam ko na. He's our half-brother. Siya ang anak ni Dad sa babaeng ito.







"It's you.." ang tanging nasabi ko at tila naguluhan ang binata






I don't know what his name is pero alam kong siya na siya 'to. I saw him once noong isang beses kong pinakialaman ang cellphone ni Dad at nakita kong may picture siya ng binatang ito.








"What? Do you know me? Kasi ako hindi kita kilala eh..." matapang na birada ng binata sa akin






"Kilala kita pero ako hindi mo kilala. Just ask your Mom kung sino ako..." pareho kaming napatingin kay Gracie na putok na putok ang labi sa kulay pula niyang lipstick








"Mom, what is he talking about? Is he my Dad?" inirapan lang ako ni Gracie bago itinuon ang atensyon sa anak niya







"Kaya ko pina-empake ang mga gamit mo..it's because staring today, sa bahay ka na ng lalaking 'to titira. I am so done with you, idiot.." tinulak niya ang binata papalapit sa akin na parang laruan lang na basta-basta niya na lang pinamigay





Anong klase ng ina ang gagawa nito? How dare her call his son an idiot? Ni minsan sa talambuhay ko hindi ako tinawag ni Mommy na gago o idiot. This only shows how good her parenting style is.








Nagulat ang binata sa sinabi ni Gracie at hindi maipinta ang reaksiyon nito.








"WHAT?! But I don't even know this guy! Siya ba? Siya ba ang Daddy ko?!" nagsisigawan na sila sa parking lot kaya napapatingin ang mga dumadaan












Tila naubos na lahat ng pasensiya ni Gracie at nagtitimpi na lang ito kasi tingin ko anumang minuto ngayon ay baka paghahampasin niya ang anak niya. What's new? Noon palang ayaw na niya sa mga bata. 'Yun na nga ang nakakatawa eh. Ayaw niya pala edi sana hindi siya bumukaka at hinayaang taniman siya ng bomba ni Dad. Tsk.










"HE IS YOUR BROTHER! KAYA SA AYAW MO AT SA GUSTO..SASAMA KA SA KANYA!" nanlaki ang mga mata ng binata at akala ko noong una ay poprotesta siya na ayaw niyang sumama







The Fuckboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon