A/N: Wafi naman! Hindi ko inaasahan na mangyayari ito sa'yo. Ang daya mo naman eh! Pero wait....ako ang author diba? Ang bobo ko talaga. Sorry guys! Alam kong nalungkot din kayo pero kapit lang. Everything happens for a reason. :)
------------------------------------------------------Nyle
Aaminin kong nagulat ako matapos sabihin ni Wafi na mamamatay na siya. I really hate him pero biglang nawala lahat ng galit ko sa kanya at napalitan ito ng awa. Hays.
Umupo kaming tatlo ni Duke at Wafi sa sahig at walang nagsasalita. Nananaig ang katahimikan sa loob ng kwarto at nag-iisip ako kung ano ba ang dapat ko pang sabihin sa kanya. Kinamumuhian ko ang gagong ito pero ayokong masaktan ang damdamin niya. Siguro kaya niya ako pinapadalhan ng death threats ay dahil gusto niya akong mamatay para sa kahuli-hulihan niyang hininga ay kasama niya ang asawa ko. I know that he loves Sophie. I can see how he looks at my wife at kung gaano siya kasaya when he is with her. Pero ano ang gagawin ko kung ako ang piniling mahalin ni Sophie? Wala na akong magagawa kung kaibigan lang talaga ang tingin ng asawa ko sa kanya. Sophie and I are married and not even death or anyone could separate us.
"Nyle, alam ko na kung bakit ka galit na galit sa akin..." biglang nagsalita si Wafi kaya napatingin kami ni Duke sa kanya
"So.....bakit mo ako gustong patayin? Is it because of Sophie?" tanong ko
"Kuya, patapusin mo muna si Wafi. You don't know the whole story yet...." biglang umeksena sa usapan si Duke at sa palagay ko may alam ang dalawang ito na hindi ko pa alam
"'Yung lalaki na nakita mo sa cctv.....hindi ako 'yun..." sabi ulit ni Wafi at nagkasalubong na ang dalawa kong kilay kasi kanina pa palaisipan sa akin kung ano ang balak niyang sabihin
"Ang nakita mo sa cctv ay ang kakambal kong si Wazi. Wazi and I are identical twins kaso akala ng lahat patay na siya. He's in a mental hospital for almost 9 years kasi sobrang na-depress siya when our Mom passed away way back 2008. Kakalabas niya lang two months ago at hindi ko alam kung bakit ka niya gustong patayin....." tumingin ako sa mga mata ni Wafi habang nagsasalita siya and all I could see are sincerity and honesty
Kaya pala pilit niyang sinasabi na hindi siya 'yun. It was all a mistaken identity.
"Sinabi sa akin ni Duke ang lahat at napanuod ko na rin mismo ang cctv footage. I asked Duke to bring a copy of it tonight kasi gusto ko mismo ipakita sa'yo ang ilan pang katibayan na si Wazi 'yun at hindi ako...." inabot ni Duke ang isang flashdrive kay Wafi at mabilis namang tumayo si Duke para kunin ang laptop ko sa desk
"Here..." sabi ni Duke sabay lapag ng laptop sa sahig
Kinonekta ko ang flashdrive sa laptop at muli naming pinanuod ang cctv footage.
"As you can see, my mole sa gilid ng mata niya si Wazi. May scar din siya sa gilid ng labi niya at sugat 'yan noong nalaglag kami sa hagdan matapos kaming itulak ni Kyle. Ako bukol lang siya putok ang labi. If I'm not mistaken, 11 stitches ang tahi diyan....." patuloy lang na sinasabi ni Wafi ang pagkakaiba nila ni Wazi physically at biglang gumaan ang puso ko at sinasabi nito na dapat akong maniwala kay Wafi
"Waf, okay na. Kumbinsido na ako na hindi ikaw ang gustong magpapatay sa akin. Salamat kasi ginawa mo 'to. Akala ko kasi mapapatay na kita eh...." sabi ko at ngumiti naman si Wafi sa akin
BINABASA MO ANG
The Fuckboy's Girl (COMPLETED)
RomanceMatagal ng gusto ng isa sa mga hottest bachelors sa bansa na si Nyle Venereza ang supermodel na si Sophie Sanchezo. Hindi siya kilala ng babae pero siya at ang puso niya, he knows very well that all he wants and craved for ay si Sophie. Sophie Sanch...