A/N: Lagi akong tinatanong kung hanggang anong chapter ba daw ang TFG eh hindi ko naman alam. Hahaha. Nag-eenjoy pa kasi ako sa story and gusto ko pa ng maraming twists. Tapos ayoko pa din kasing tapusin 'tong story na 'to eh pero ika nga nila, lahat ng bagay may katapusan. Huhuhu. Pero kalma lang guys kasi malayo-layo pa naman ang kasukdulan ng kwentong ito. Naks. Mwaaah~
------------------------------------------------------Sophie
Pagkatapos ng iyakan namin sa Greek resto ay nakauwi na rin kami finally. Ang sarap sa pakiramdam na may napuntahan pala 'yung little act of kindness na nagawa namin ni Nyle before. Honestly, kung hindi siya pinaalala ni Dr. Fernandez ay hindi talaga namin maaalala. Matagal-tagal na rin kasi 'yun at nalaman din namin na 'yung tinulungan pala namin ay si Lolo Peter or si Lolo Pedring, palayaw niya.
Nagto-toothbrush lang ako sa banyo habang si Nyle naman ay nakikipaglaro kay Rave. Napadaan kami sa isang mini-bazaar kanina na parang magsasara na yata kaya super sale and naka-marked down talaga ang mga toys nila. Pumasok kami ni Nyle doon at natawa ako sa una niyang napili kasi si peppa pig pa. Lol. Pambabae kasi 'yun at walang kaalam-alam si Nyle hanggang sa sinabi ko sa kanya kung sino si peppa. Well, not totally naman na pambabae kaso kulay pink eh. HAHAHAHA. Syempre dapat panlalaki 'yung laruan ni Rave kasi Nyle Venereza in the making 'yun eh. Lol. Biro lang. Goodboy na naman 'yung Daddy niya eh kaya for sure lalaking matino ang baby namin. Speaking of baby, malapit na akong manganak and two and a half months to go na lang! We don't know the gender pa rin and sabi ni Nyle huwag na lang daw naming alamin para exciting.
Back to the toy, may nakitang Captain America collector's item si Nyle so binili niya 'yun tapos legos and then robot. If I'm not mistaken nasa $50 lang 'yung nabayaran namin which is super sulit na kasi nakatatlong laruan kami.
I'm now doing my skincare routine which is mostly deep cleanser lang and a moisturizer. Hindi naman kasi ako hoarder ng maraming beauty products and I'm so blessed with a glowing skin so konting lagayan lang tayo. Chos~
------------------------------------------------------
Nyle
Nilalaro ko lang si Rave kasi hindi pa yata inaantok ang baby namin. Hyper pa sa hyper eh and okay lang namin kasi hindi ako magsasawang bantayan 'tong gwapitong 'to.
Nagulat ng slight si Rave nang biglang tumunog 'yung phone ko. Pati ako nagulat din naman kasi it's almost midnight and who in his right state of mind ang tatawag at this very hour? I took my phone out from my pocket and it is an unknown number. Hindi ko alam pero ang weird lang kasi bigla akong nakaramdam ng takot. Tsk. Who the heck could this be? Nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko ba but you will never know if you won't find out so I pressed the answer button.
"Hi. May I know who's this please?" bungad ko at wala akong narinig sa kabilang linya
Tinignan ko ulit at hindi naman na-end 'yung call at nakikinig lang yata 'yung tao sa sinabi ko. Darn it. It looks like pinagti-tripan ako nito.
"Hello?"
"Hello?"
"Who's this please?"
"Anong kailangan mo?"
"Hoy!"
Paulit-ulit kong tanong kaso wala talagang sumasagot so I ended the call right away and blocked that certain freaking number. Tsk.
"Babe, sino 'yun?" tanong ni Sophie na kagagaling lang ng banyo
"I don't know. Hindi siya sumasagot. It's so weird. I'm not feeling good about it, babe..." sagot ko at nilapitan lang ako ni Sophie at niyakap
"Don't let that stress you out, okay? Ang main goal natin ay gumaling ka so don't let that stupid phone call ruin everything...." sabi ng asawa ko at hinalikan ako sa noo
"Yeah. I love you babe..." sabi ko kay Sophie at ang tamis ng ngiti niya when she heard it
"I love you too babe. Tara tulog na tayo?" sabi ni misis
And so we decided to sleep. Maaga pa ang treatment ko bukas so might as well sleep now.
Pero sino kaya 'yung tumawag?
------------------------------------------------------
A/N: Any idea guys kung sino 'yung tumawag? Anyways, I hope you like this chap. Mwaaah.
HAPPY WORLD TEACHER'S DAYYY!
10/5/18
3:48 AM.
BINABASA MO ANG
The Fuckboy's Girl (COMPLETED)
Roman d'amourMatagal ng gusto ng isa sa mga hottest bachelors sa bansa na si Nyle Venereza ang supermodel na si Sophie Sanchezo. Hindi siya kilala ng babae pero siya at ang puso niya, he knows very well that all he wants and craved for ay si Sophie. Sophie Sanch...