A/N: Hi guys! Kung sino man ang gustong pumunta sa party ni Rave punta lang kayo. Make sure na naka-superhero costume kayo ah?
------------------------------------------------------Sophie
So far nakikita ko naman sa mga mukha ng mga bisita namin na enjoy na enjoy sila sa party ni Rave. Marami kasi kaming hinandang games para sa nga bata at ang galing pa ng mga magicians, clowns, at cosplayers na binayaran namin.
Halos lahat ng mga taga-VGC ay nandito kasama ang mga anak nila. 'Yung mga singles naman o hindi pa kasal na couples gaya ni Hank at Hannah nandito din. I also invited Georgina at ang iba pa naming business partners sa The Trends. Nandito din sina Mom, Daddy, at ang gwapo kong kapatid na si Vince at siyempre kasama din pala nila ang mga pinsan kong parang ka-tribu na rin ng mga Venereza. Wala lang si Rafa kasi alam niyo naman para iwas gulo. Inimbitahan ko rin si Wafi at Kyle kaso hindi daw sila pwede due to work priorities. Nakalimutan ko pala ng doctors ang mga bestfriends ko at malamang nasa ospital sila ngayon. Hindi na bale...magtitira ako ng lechon o ano pa man para sa kanila. :)
"Ang saya ng party mo girl ha. Sana sa birthday ni Hoyle ganito din..." sabi ni Cheska na parang naging bestfriend ko na ngayon simula nung hindi na nagparamdam si Natalie
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung kamusta na siya. She doesn't text nor call me anymore so nag-assume na ako na maybe hindi na niya ako kailangan. Ang palaisipan lang sa akin ngayon ay kung bakit siya umalis ng mansion at bakit parang hindi na niya kami kilala nila Wafi. Kahit si Heath hindi din alam kung bakit siya nakipaghiwalay eh. Halos gumuho ang mundo ng tao dahil sa kanya tapos wala man lang kaming narinig mula sa kanya. Tsk. I definitely hate her now. Why did she do this to us? Pft.
"Hoy, okay ka lang? Bakit ang tahimik mo ngayon? Sayang ang Cat Woman costume mo ngayon kung hindi ka magma-meow diyan..." sabi ni Ches at napangiti ako sa 'magma-meow' niya. Lol. Adik talaga 'to.
"Wala. Naisip ko lang si Natalie. Kamusta na kaya 'yun?" sabi ko at biglang umismid si Cheska nang marinig ang pangalan ni Nat
"Alam mo....huwag mo ng hanapin ang mga taong ayaw magpahanap. Si Natalie parang ex-boyfriends lang 'yan natin eh..dapat kinakalimutan na..." ratatat ni Cheska at alam kong maingay ang bunganga nito eh
Wala na. Buong araw na akong pagsasabihan nito. HAHAHA.
"Mag-focus na lang tayo sa mga taong nandiyan para sa atin. People come and go kaya kung ayaw niyang magparamdam, might as well treat her as nothing. Mabuti pa nga ang multo nagpaparamdam eh. We don't need her existence anyways..." sabi ulit ni Cheska habang iginagala ko ang paningin ko kasi hinahanap ko si Nyle at Rave
There they are! Nakita kong kausap ni Nyle ang bestfriend niyang si Elliot at ang asawa nitong si Violet a.k.a V. Matagal na namin silang hindi nakita ni Nyle at buti na lang at nagka-oras sila para pumunta dito. Halatang aliw na aliw si V kay Rave kasi siya mismo ang 'nanny' nito since nag-uusap ang dalawang guys. Panay pa ang kiss ni V sa forehead ng anak ko at dahil nainggit ako bigla ay nagpaalam muna ako kay Cheska at agad silang pinuntahan.
"Look Rave...it's Mommy! Hi Soph! You look dashing. Hindi halatang buntis ha..." sabi ni Violet at pagkatapos ay bineso ako
"Grabe naman. Ako nga 'tong hiyang-hiyang sa figure mo eh. How are you? I miss you, V!" para kaming high school bestfriends na ngayon na lang ulit nagkita after a long time
BINABASA MO ANG
The Fuckboy's Girl (COMPLETED)
RomanceMatagal ng gusto ng isa sa mga hottest bachelors sa bansa na si Nyle Venereza ang supermodel na si Sophie Sanchezo. Hindi siya kilala ng babae pero siya at ang puso niya, he knows very well that all he wants and craved for ay si Sophie. Sophie Sanch...