/Chapter 151: Loaf Bread/

3.3K 41 0
                                    

A/N: Hi guys! So wala na namang tulugan ito since may tinatapos akong school works and at the same time nagta-type nito. Kamusta mga araw niyo? Konting kapit na lang guys kasi ilang chapters na lang before this story ends. Hi D! :)
------------------------------------------------------

Sophie

Nasa sala kaming lahat ngayon kasi may pinapanuod kaming movie. Ang saya nga eh kasi nagba-bonding kami. Lahat kami ay nagluluksa pa rin pero sabi ni Daddy Taron sa letter we should keep going and be happy as a family. Kinakain namin 'yung nilutong bibingka ng asawa ni Harold. Munting pasasalamat daw ito para sa tulong na binigay ko para sa birthday ng anak nila. Tapos may nabili din si Kyelus na spicy balut daw. Bago 'to kaya titikman namin.




Pati si Rave at Mikael ay nanunuod din pati si little Hoyle. Gumawa din pala si Manang Ludy ng lemonade kaya sagana ang foodtrip namin ngayon. Mga bandang 11:00 PM na at weekend naman kaya okay lang na ma-late 'tong mga bossings. Katabi ko si Cheska at kanina pa siya kwento nang kwento tungkol sa kasalang Priyanka Chopra at Nick Jonas. Buti na lang at hindi ako fan ng kahit isa sa kanila. Mas bet ko si Joe Jonas eh na sa kasawiang palad ay ikakasal na rin kaya si Nyle Venereza na lang ang akin. Naks. Loyal si misis kay mister! Yeeee~





"Babe, let me hold Mikael. For sure masakit na 'yang arms mo..." sabi ni Nyle sabay kuha kay Kael



"Dada!" sumigaw naman si Rave na gusto ding magpakandong sa Daddy niya





"Okay baby. Kaya ko naman kayong dalawa eh. Come here..." sabi ni Nyle at agad na lumapit si Rave sa kanya





"Ang cute naman ng mga babies ko!" sabi ko






"Eh ako? Cute din ba ako, Mommy?" sabi ni Nyle sabay baby talk





"Oo nga. Tatlo nga kayong babies ko..." sagot ko naman


Kinakalabit naman ni Cheska si Jarri kasi ganyan siya lagi eh kapag sweet-sweetan kami ni Nyle. Gusto niyang gina-ganun din siya kaso si Jarri ay hindi ganun ka sweet.

------------------------------------------------------

Duke

Pasimple akong tumingin kay Sophie and I'm happy that she is happy. She deserves the world. I've already moved on from her but I guess ganyan talaga kapag first love mo---hindi mo talaga madaling makalimutan. Drew and I are doing great but as time goes by parang nagbabago na siya. When we first began dating, she loves sharing everything to me but now, fishy na 'yung mga kilos niya. Maybe it has something to do with that one night when she wanted to have sex and I said no. Bakit ako humindi? Because for me she deserves more than that---na dapat munang pakasalan siya bago mangyari 'yun. I did have sex with someone before and that was all because I wasn't thinking straight and I was kinda immature that time pero ngayon na medyo nag-mature na 'ko, I know how to treat a woman right. Drew isn't someone na pang-kama lang kasi dapat sa kanya pang-altar. Kaso ayun na nga, she's been so distant the past few days and hinahayaan ko na lang muna siya. If gusto niya talaga ako, she'll come back pero if hindi na, I hope mahanap niya 'yung magpapasaya talaga sa kanya. Gaya ni Sophie. Parang tatanda yata akong binata ah. Hahaha. Okay lang basta makita ko lang na masaya sila. :)


"Ang lalim yata ng iniisip mo ah..." biglang sabi ni Flint na siniko pa ako



"Nah, I'm fine. Nag-iisip lang ako ng magandang twist sa novel ko..." kunwari kong sagot





"Ahhhhhh..." sabi pa ni Flint and by the way he looks at me halatang hindi siya naniniwala sa akin
------------------------------------------------------

Nyle


Nakita kong pasimpleng tinignan ni Duke si Sophie and okay lang 'yun para sa 'kin. Syempre minahal niya dati asawa ko eh kaya hindi mawawala 'yun. Hinayaan ko lang siyang tumitig kasi kahit sa titig man lang maging masaya siya. Alam kong may pinagdadaanan 'to eh and it is not work kundi personal matters. Baka hindi na naman nag-workout 'yung kanila ni Drew. Kaya ko nga binigyan ng trabaho si Drew para maging masaya siya at hindi ma-pressure lalo sa work as the acting CEO kaso wala din pala eh. Bakit minamalas 'tong kapatid ko pagdating sa lovelife eh sobrang bait naman nito? Deserve niya ang pinaka-dabest na babae sa mundo.



"Babe, could you please hold our kids for a bit? I'll just go to the kitchen..." sabi ko kay Sophie and okay naman sa kanya






Tumayo ako at pumunta sa kitchen. I grabbed a plate and two slices of loaf and chocolate syrup. Nag-drawing ako ng smiley sa dalawang slices ng loaf and when I'm done, bumalik na ako sa sala at binigay ang ginawa ko kay Duke. Yeeee~





Nagulat siya when he saw it.





"Ano 'to kuya?" tanong niya pa




"Dapat maging ganyan ka kasi kung hindi tatadyakan kita..." biro ko at napangiti si Duke sa ginawa ko






" Parang girlfriend lang ah pero thank you..." sabat naman ni Duke

------------------------------------------------------
December 7, 2018
12:05 AM.

The Fuckboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon