/Chapter 115: Klaro/

2.7K 41 10
                                    

A/N: Natatawa ako sa mga comments niyo tbh. Patunay lang na binabasa niyo talaga ng maiigi at hook na hook talaga kayo sa mga happenings sa story ko. Thank you naman guys. I do appreciate all the love that you're giving me and happy ako na hindi pa rin kayo nagsasawa sa kwento ko. Yeeeee. Kating-kati na ako na isulat ang kabanatang ito at alam niyo bang 1:47 AM pa lang ngayon? Lol.

S/O: Happy Birthday nga pala sa kapatid ko na si 'Poypoy'. Lol♥
------------------------------------------------------

Sophie

From: Sophie

Hi Sophie the 2nd. Huhuhu. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Umaasa ako na baka mahalin niya rin ako dahil ganito nga ang nangyari pero alam ko naman na ikaw talaga ang mahal niya eh. Para akong ewan ngayon. Sana ako na lang ikaw. Huhuhuhu.













Nakatitig lang ako sa text message ni Sophie at hindi ko alam kung ano ang ire-reply ko sa kanya. Ilang araw niya na rin akong kinukulit na sabihan si Duke na kausapin siya nito kaso after what happened between Nyle and him, I don't think he is capable of juggling both the stress of confessing that he still loves me and having a baby of his own. Maski ako nagulat na ganito ang nangyayari ngayon. I don't personally know Sophie pero she seems like a very nice woman. Feeling ko nga hindi niya deserve na dini-dedma lang siya ni Duke. Hays. Parang manganganak na ako sa sobrang dami ng sress na kinikimkim ko ngayon.







"Baby, are you okay?" tanong ni Nyle pagkalabas niya ng banyo







Matutulog na kami pero parang hindi pa rin ako inaantok eh.





"Babe?" nagulat ako nang bigla akong nilapitan ni Nyle at inilagay ang kamay niya sa noo ko







"Babe, what are you doing?" nagulay ako ng slight sa kanya






"I'm just checking kasi baka may lagnat ka eh. Are you okay? Tulala ka eh..." sabi niya pa bago pumunta sa walk-in closet niya para magbihis









"Ahhh....oo naman. Iniisip ko lang 'yung business proposal ni Georgina sa'kin..." rason ko para hindi na mapaisip pa si Nyle







"Babe, gabing-gabi na problema pa rin? Get some sleep. Makakasama kay baby 'yan..." sabi niya at tinabihan na ako sa kama






Hindi talaga ako makatingin ng direkta sa kanya. Hindi kasi ako sanay na may nililihim eh. Hays. Sobrang nakaka-guilty na talaga eh.





"Huwag mo nang problemahin 'yung kay Duke. Hindi ako galit sa kanya Babe. Well, galit ako sa part na mahal ka pa rin niya pero hindi 'dun sa part na posibleng siya 'yung ama ng ipinagbubuntis ng anak ni Mr. Lagdameo. Ako nga hindi kinakabahan na baka i-pull out niya lahat ng shares niya sa kompanya if hindi papanindigan ni Duke 'yung anak niya eh..." nanlaki ang mga mata ko matapos marinig ang sinabi ng asawa ko







So alam pala niya? Huhuhu. Para akong tanga na kinakabahan na baka malaman niya tapos alam na pala niya. Kakainis. -_-









"Paano mo nalaman?" tanong ko sa kanya and he pinched my nose bago nagsalita











"Hindi ko sinasadyang narinig ang pag-uusap niyo ni Duke couple of days ago. Akala ko nga ginugulo ka na naman eh kaya nakinig ako..." sabi niya









Hindi daw sinasadya tapos nakinig? Sus. Nyle talaga. -_-









Kinuha ko 'yung isang unan at binato sa kanya.








"Aray babe! Why are you so upset?" tanong niya at gusto ko siyang sabunutan for unlimited times








"I hate youuuuuuu! Kabang-kabang na ako tapos alam mo lang pala..." sabi ko and he just hugged me









"Alam ko naman kasi na natatakot kang sabihin sa akin kasi baka magalit ako kay Duke. Medyo galit nga ako kasi major shareholder namin si Mr. Lagdameo eh tapos nanganganib pa kasi baka umalis siya sa company but don't worry babe, I got it covered. Kung mapatunayan man na si Duke ang ama, prepared na ang company sa posibleng pag-alburuto ni Mr. Lagdameo...." sabi ni Nyle at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin








"So hindi ka galit sa'kin?" tanong ko agad









"Why would I be mad, baby? Basta next time kapag may problema ka sabihin mo lang sa'kin. Malay mo makatulong pa ako. Ako kaya ang Superman mo at ikaw naman ang Wonder Woman ko. Kaya huwag ka nang mag-emote diyan, okay?..." sabi ni Nyle sabay halik sa likod ko











"Oo na po, Mr. Venereza. Pero alam mo kasi babe...naaawa ako kay Duke eh kasi nakipag-sex siya para makalimutan niya ako. Alam mo 'yun? Parang nakakalungkot lang kasi nagawa niya 'yun..." sabi ko at tumango naman si Nyle










"Yep. Hindi ko inakala na magagawa niya 'yun pero kahit na galit ako sa mokong na 'yun I am hoping na sana hindi siya 'yung daddy ng anak ni Sophie. It's not about Mr. Lagdameo or whosoever pero gusto ko na maging maayos ang buhay niya. He deserves better. Siguro naging tanga lang siya sa pag-ibig but that shouldn't stop him from finding and seeking who is really meant for him..." sabi pa ni Nyle at napa-smile ako 'dun








Kahit na galit 'tong asawa ko obvious na obvious pa rin na mahal na mahal niya ang kapatid niya. Hays. Buti na lang at solve na ang problema ko. Hindi na ako magi-guilty pa. Thank you talaga Lord pero sana po gabayan niyo rin si Duke. Sana malaman na kung siya ba talaga ang ama o hindi.









"Pero you know what babe, feeling ko talaga hindi si Duke ang ama eh. I mean...we all know na patay na patay 'yung Sophie Lagdameo kay Duke. What if planado 'tong lahat para masakal at mapasa-kanya si Duke?..." napaisip ako sa sinabi ni Nyle










Pwede din kasi simula palang 'nung magkita sila sa park halata na daw na gusto siya ni Sophie eh tapos every book signing ni Duke nandun din si girl. Nag-confess din ito na may feelings nga siya kay Dukey. I swear, kapag nalaman ko na niloloko niya lang si Duke ako mismo ang kakalbo sa kanya. Sinisira niya ang buhay ng tao eh. Fishtea!













"Tutulungan natin si Duke na malaman ang katotohanan pero for now, matulog ka na muna..." sabi ni Nyle at kinumutan na ako











"Sige na nga. I love you..." sabi ko kay Nyle












"I love you more...." sagot niya naman at hinalikan pa ako sa noo

------------------------------------------------------

A/N: So clear na ba guys? Hahaha. Stop the hate na kay Sophie. Sabi ko naman sa inyo eh. Sabi nga ni Nyle, 'I got it covered'. Hihihi.

Ibang Sophie 'yun eh. Sana talaga hindi anak ni Duke 'yun. Magpapakasal pa kami eh. Lol

5/31/18
2:36 AM.

The Fuckboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon