/Chapter Forty-Eight: Naenae King /

5.1K 56 1
                                    

A/N: Title pa lang interesting na diba? HAHAHA. How are the previous chapters, guys?Hope you all like it♡

Ps. Hi sa asawa kong si Klay Thompson. Hahaha♥
------------------------------------------------------

Sophie


Medyo may kalayuan pala ang Brgy. Maasin pero okay lang kasi marami naman kaming matutulungan na tao pagdating namin doon. Sabi ni Nyle ilang minuto na lang daw ay makakarating na kami doon kaya excited na akong makita ang lugar. Sana magustuhan ng mga bata ang binili naming mga laruan at school supplies. :)







"Soph, I want to tell you something.." kinalabit pa ako ni Natalie kahit na magkatabi lang kami









"What is it? Huwag mong sabihing buntis ka kasi hindi pa ako handang maging ninang.." sabi ko at kinurot niya lang ako sa tagiliran










"Ouuccchhhhh..Ano ba! Ang sakit 'nun ah..." sabi ko and promise, ang sakit talaga. Sobra pa sa kinagat ako ng langgam









"Adik! Siyempre hindi noh. What I want to say is kilala ko na si Lucy dati pa..." I gave her a 'wehhh? di nga?' look at tumango lang siya











"Really? Papaano?" tanong ko at hindi naman nakikinig si Nyle kasi naka-earphones siya habang naglalaro ng online game sa phone niya










Pabulong lang naman ang usapan namin kasi baka maki-chika pa 'yung iba. Mahirap na baka maging The Buzz dito mamaya. Hahaha. :)









"Classmates kami 'nung high school eh. At kilala mo 'yung crush ko dati na si Damon Solvetera, diba? 'Yung japanese na palagi kong kinukwento sa'yo? Ex niya si Lucy.." sabi ni Natalie at grabe ah nagulat ako








Tandang-tanda ko pa kasi kung papaano iniyakan ni Natalie si Damon dati. Sobrang crush niya kasi 'yun at kahit na magkahiwalay na kami ng school 'nung high school ay pinupuntahan ko pa siya sa St. Francis Academy para lang i-comfort siya at pasayahin ang nasaktan niyang puso. Simula kasi 'nung nagka-girlfriend si Damon ay naging malungkot na si Nat. Muntik na kasing maging sila dati kaso tutol pa ang parents ni Natalie na magka-boyfriend siya kaya pinatigil niya muna ang nanliligaw na si Damon. Sabi naman ni Damon maghihintay daw siya tapos one day, base sa sinabi at ni-narrate ni Nat sa akin, ay nakita niya raw na naka-akbay si Damon sa babaeng nagngangalang Lucy. And so on and so forth. To make the story short, feeling ni Natalie dati ay inagaw ni Lucy si Damon sa kanya. Hindi ko naman alam na si Lucy pala 'yung Lucy dati.







"Pero naka-move on ka na naman, diba? No grudges left?" tanong ko at masaya naman siyang tumango









"Oo naman. Masaya na 'ko sa piling ni Heath noh. Pero medyo awkward lang sa'kin na bigla ko siyang makikita ngayon. Hindi kami close dati pero alam kong nakita niya na iniyakan ko si Damon dati. Nagtataka lang ako kung bakit parang wala lang sa kanya ngayon at kung bakit parang hindi na niya 'ko kilala..." sabi ng bestfriend ko at napatingin kami pareho sa kung saan nakaupo si Lucy. Tulog na tulog ito at naka-nganga pa.










"Feeling ko nahihiya lang siya na i-approach ka. Hayaan mo na muna. Baka mamaya or bukas kausapin ka na rin niya..." sabi ko at tumango siya ulit











"Baka nga. Gusto mo ng chips? Kain na lang tayo and forget about the past.." sabi ni Nat at binuksan ang dala niyang chips









The Fuckboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon