A/N:Valentine's Day na naman at uso na naman ang mga bitter. Tanong ko lang..bakit ka magpapaka-bitter kung mas okay nga na maging single kaysa in a relationship nga kaso puro naman sakit at duda ang dulot sa'yo. Lol. Hindi 'to based on my own experience ha. Masaya kaya ako♥
------------------------------------------------------Sophie
Pagkatapos kong pumunta sa The Trends ay dumiretso agad ako sa St. Thaddeus Medical Center kung saan naka-confine si Wazi at Wafi. Si Mang Dante lang ang kasama ko since busy si Nyle ngayon kasi marami siyang meetings. Kahapon pa lang ay nagpabili na ako ng fruit basket kay Manang Ludy na pinuno ko ng samu't-saring mga prutas. Wafi loves apple and kiwi so dinamihan ko ang basket niya ng mga ito. Si Wazi naman orange at strawberries ang gusto so I did the same thing.
"Sophie anak, 'dun lang ako sa canteen ha. Magkakape lang ako. Kung may kailangan ka itext mo lang ako ha..." sabi ni Mang Dante 'nung nasa labas na kami ng room ni Waz at Waf
"Sige po. Pakidala na lang po muna ng mga baskets na 'yan sa loob..." sabi ko at pumasok na kami ni Mang Dante sa loob
Naabutan naming parehong tulog si Wafi at Wazi at pati ang bantay nila na si Kyle at Gertrude ay tulog rin. Tahimik na inilapag ni Mang Dante ang nga basket sa sa table na nasa sulok at sumenyas na lalabas na ng kwarto. Ako na lang ang naiwan at pinagmamasdan ko lang ang mga natutulog kong mga kaibigan.
Maya-maya ay unti-unting bumukas ang mga mata ni Gertrude at nakita niya ako. I smiled at her and she smiled back at me. This is our second or third meeting, I guess. Nahihiya kasi 'to sa amin eh. Shy type kasi 'tong fiancé ni Kyle. Tumayo siya at agad akong nilapitan.
"Hi Sophie..." mahina niyang bati sa akin para hindi magising ang mga sleepy heads dito
"Hi Gert. It's so good to see you again. Kamusta na at kamusta na sila ni Wafi?" tanong ko at niyaya ko na lang siya sa labas para doon na lang kami mag-usap
Umupo kami sa upuan sa labas and Gertude forced a smile on her face. 'Yung tipo ng ngiti na parang may something. Hindi ko lang alam kong anong meron.
"Are you okay?" tanong ko at agad naman siyang tumango
"Yeah. Kamusta ka na pala? Kamusta si baby?" she changed the topic so I am so sure now that there's something wrong. She's been acting so odd at alam ko talagang may hindi tama
"Okay naman ang baby ko. Ikaw ba kailan ka magkaka-baby?" tanong ko sa kanya and I tried to do my best para hindi niya mahalata na somehow ay naghihinala at napapaisip na ako
"Kasal muna bago 'yan..." sagot naman ni Gertrude at biglang bumukas ang pinto at may lumabas
Pareho kaming napatingin sa kung sino man 'yun and it's Kyle..
"Sophie? Anong ginagawa mo dito? Ang aga pa ah..." Isa pa 'tong si Kyle eh. Feeling ko talaga may hindi sinasabi ang mga 'to
"I brought them fruits. Kamusta na pala sila?" tanong ko at nagkatinginan muna silang dalawa
"Uhmmm...si Wazi okay na at hinihintay na lang na humilom ang mga sugat...." sabi ni Kyle sa akin and he can't look directly in my eyes
BINABASA MO ANG
The Fuckboy's Girl (COMPLETED)
RomanceMatagal ng gusto ng isa sa mga hottest bachelors sa bansa na si Nyle Venereza ang supermodel na si Sophie Sanchezo. Hindi siya kilala ng babae pero siya at ang puso niya, he knows very well that all he wants and craved for ay si Sophie. Sophie Sanch...