A/N: Happy Birthday sa panganay ni Nyle at Sophie na ubod ng gwapo at saksakan ng cute. Nawa'y lumaki siya ng maayos at huwag sumunod sa Daddy niya na dating playboy. Lol. Btw, HAPPY 28.1K reads!♥
------------------------------------------------------Sophie
Napasarap ang tulog ko kaya hindi ko namalayan na umaga na pala. It's 9:30 in the morning and the moment I opened my eyes, isang magandang pambungad ng araw ang tumambad sa harapan ko. Nakita ko si Nyle na niyayakap si Rave with a smile plastered on his face. Ang ngiti sa mukha ng asawa ko habang nasa mga bisig niya ang anak namin ay walang kapantay. It's a billion-dollar smile. 'Yung ngiting parang mababaliw na. HAHAHA. :)
Nakita ako ni Nyle kaya mas lalo pa siyang napangiti. Dinala niya si Rave sa kama at nilagay sa pagitan namin. Amoy baby powder si little boy na behave na behave lang ngayon. Maybe it's all because it's his big day today and he's one year old now. Grabe noh. Ang bilis lang ng mga araw.
"Hey beautiful..." sabi ni Nyle at hinalikan ako sa noo
"Hey handsome...." sabat ko sa bola niya sa akin at kinurot ko siya sa pisngi
"How's your sleep? Kamusta na si baby Mikael diyan?" tanong ni Nyle at grabe ha...may pangalan na talaga?
"So far so good, Babe. Mikael talaga ha?" sabi ko at tumango si Nyle
"Yep. Let's name him Mikael..." sabi niya. Bakit kaya Mikael?
"Bakit naman Mikael, babe? At paano ka nakasisiguro na lalaki si baby?" tanong ko at nasampal pa ako ni Rave. Very very light lang naman. Ang likot niya kasi eh. Lol
"Basta. It's a long story. Anyways, may gusto ka bang kainin?" tanong ni Nyle sabay ayos sa sando ni Rave
"Babe, I'm not hungry yet..." sabi ko sabay puppy eyes kay Nyle HAHAHAHAHA
"Mrs. Venereza, huwag na huwag mo akong aakitin ngayon kasi baka pagkapanganak mo pa lang ay mabuntis na naman kita...." HAHAHAHAHAHA. OMG! Nyle and his effin' words. Wala talagang filter? Straight to the point eh. Lol
"Ang bastos mo talaga..." sabi ko at hinampas sa balikat si Nyle
"Gusto mo rin naman na binabastos kita eh..." sabi niya naman at kinindatan ba naman ako HAHAHAHA
"PAPA.......MAMA....PAPAPAPA.." sabi bigla ni Rave kaya tumawa kami pareho ni Nyle
"Kita mo na, babe. Pati ang anak mo naiingayan na sa'yo..." sabi ko and then Nyle pinched my nose
ARAY NAMAAAAAANNNNN! Ang sakit bes! Pero when it comes to Nyle lahat ng masakit ay masarap. HAHAHAHAHAHA. Ssshhhh!
"I love you so much..." sabi ni Nyle sabay tingin sa mga mata mo
"I love you, babe..." sabi ko rin sa kanya
------------------------------------------------------
Duke
"And they lived happier than an even after..."
Sa wakas ay natapos ko na rin ang novel na sinusulat ko for the past six months. Inabot na ako hanggang 9:30 A.M at wala pa akong tulog. YAHOOOOOO! Thank you so much Lord! :)
Isinara ko na ang laptop ko at pagkatapos ay tumungo na sa kama ko. FINALLY! Magkaka-moment na rin kami ng beloved bed ko. Lol. No more mental block's to get through and more sleeping hours for me. Pagkatapos ng novel na ito ay magpapahinga muna ako and I'll try to retrieve my social life kasi nagtatampo na ang mgs kaibigan ko. Napabayaan ko na rin ang puso ko at hindi na naging uso ang lovelife sa akin. HAHAHAHA.
I slowly close my eyes .
FINALLY, a good sleep. :)
------------------------------------------------------
Jarri
"So...aalis kayo mamaya pagkatapos ng party?" tanong ko kay Kuya Nyle habang nasa veranda kami ni Dad, Flint, Kyelus, at Kuya Heath at nag-uusap kami tungkol sa napipinto nilang pag-alis ni Sophie mamaya
"Yep. Ayokong madamay pa kayo sa gulo kaya kami na lang mismo ang aalis. Doon na lang muna kami sa resthouse ko sa Tagaytay at sasamahan ako ni Duke, Kyle, at Wafi..." sabat ni Kuya Nyle at hindi na ako nagtaka pa kung bakit sasama si Duke
Si Sophie na 'yan eh. Hindi niya man sinasabi pero alam kong may katiting pa rin siyang feelings para kay Sophie. Malalim kasi magmahal si Duke kaya lagi siyang nahihirapan na magmove-on.
"Son, hindi niyo na kailangan pang umalis. Sinabi sa akin ni Flint na may umaaligid-aligid sa mansion kagabi at posibleng mga tauhan sila ng gustong magpapatay sa'yo. You don't have to worry at all. Ayokong umalis ka at ang pamilya mo kaya kinausap ko si kumpareng Mauricio at nag-request ako ng tig-dadalawang police escorts sa bawat miyembro ng pamilyang ito...." sabi ni Dad sabay akbay kay Kuya Nyle
By the way, ang kumpare ni Dad ay si General Mauricio Torigba na siyang Director General ng PNP.
"Oo nga Kuya. Huwag na kayong umalis ni Ate Sophie. Huwag tayong magwatak-watak..." sabi naman ni Kyelus kay Kuya Nyle
Lahat kami ay napatingin kay Kuya Nyle at hinihintay namin na magsalita siya. Sana naman huwag na silang umalis. Mag-iiba ang mansion kung wala sila. Tsk..
"Bro, please huwag na kayong umalis. Let's just be aware of who are around us and be extra careful. Danger is everywhere kaya maging mapagmatyag tayo..." sabi naman ni Kuya Heath at lahat kami ay napa-agree sa kanya
"Son, so what do you think?" tinanong ulit ni Dad si Kuya Nyle
Ilang segundo pa bago nagsalita si Kuya Nyle. Please Lord....sana huwag na silang umalis.
"Sorry Da-----" Hindi pa tapos magsalita si Kuya ay napa-react na kami. Sayang naman! Akala ko hindi na sila aalis eh. Tsk..
Lahat ay napa-'tsk' kaya ngumisi si Kuya Nyle sabay sabing , "Let me finish first. Sorry Dad kasi kailangan pa mangyari sa'tin ito. Tama ka...hindi kami dapat lumayo. Hindi ko hahayaan na kahit sino sa atin ay mapahamak. Ilalaban ko kayo ng patayan..." niyakap naming lahat si Kuya Nyle and yesssssss....bromance kami ngayon
So what? Atleast hindi na aalis si Kuya Nyle. YEHEYYYYYYYYY!
"Grabe! Kinabahan ako 'dun. Akala ko talaga aalis na kayo eh..." sabi ni Flint and yeah...pati ako kinabahan rin. Buti na lang at nabago namin ang desisyon niya
"Let's spread happiness then. Magbihis na ang lahat para sa party ni Rave!" cheerful na sabi ni Dad sabay akbay kay Kuya Nyle
Happiness is indeed being complete as a family. :)
------------------------------------------------------
A/N: Pasilip na lang muna 'yan bago ang birthday party ni Rave. Buti na lang at hindi na aalis ng mansion si Nyle at Sophie. :)
MERRY CHRISTMAS, PENGUINS! Thank you sa suporta at hiling ko ay maging maligaya ang kapaskuhan niyo. ♥
Ps. Marami pang bulagaan. :)
12/25/27
3:11 A.M
BINABASA MO ANG
The Fuckboy's Girl (COMPLETED)
RomanceMatagal ng gusto ng isa sa mga hottest bachelors sa bansa na si Nyle Venereza ang supermodel na si Sophie Sanchezo. Hindi siya kilala ng babae pero siya at ang puso niya, he knows very well that all he wants and craved for ay si Sophie. Sophie Sanch...