/Chapter 122: Duke's Secretary/

3.2K 43 11
                                    

A/N: Thank you sa magagandang feedbacks na natatanggap ko from you guys! Naiiyak na ako. Grabe kasi kayo eh. Huhuhu. Anyways, vacant ko ngayon kaya magsusulat muna ako habang nagpapa-aircon sa faculty. Lol. I hope you will enjoy this chapter guys. Mwaaah♥

Ps. MAHAL KO SI DUKE. HAHAHA
------------------------------------------------------

Nyle

Pagkatapos naming makipag-usap kay Mr. Lagdameo ay nagyaya si Duke at ang kaibigan niya 'nung grade school na ka-close ko din na si Oort na mag-coffee daw sa kalapit na coffee shop. Nakakailang kape na yata ako ngayon ah. Haha. Lagot tayo nito. Iba na lang oorderin ko mamaya. I texted Sophie that I'll be home early at natuwa siya kasi magpapahatid raw siya sa The Trends para kuhanan ng bagong damit si Rave. Wala kasi masyadong jacket 'yung anak namin eh paniguradong malamig sa Boston kaya bibili si Sophie ng marami. Bibili? Kukuha pala. Negosyo niya 'yun eh. Tsk. Nakalimutan ko. Ulyanin na talaga ako. Hahaha.

"Kuya Nyle! Long time no see ah. Kamusta na?" sabi ni Oort 'nung makita niya ako at si Duke na pumasok sa coffee shop




"Hey you! Okay naman ako. Sobrang gwapo pa rin. Ikaw ba?" tanong ko sa kanya at nagsi-upo na kami




"Mana lang po ako sa inyo eh. Alam niyo namang sobrang idol kita matagal na..." sabi ni Oort at ang galing talaga nito makisakay sa trip ng iba

"Naks ha. Hindi niyo man lang sinabi na Happy Feeler's Day pala ngayon..." biglang nakisali sa usapan si Duke




"Alam mo dude ang kontrabida mo talaga lagi. Support din 'pag may time bes..." sabi naman sa kanya ni Oort





"Oo na nga. May choice pa ba ako?" sabi ni Duke at dumating na 'yung waiter dala ang menu






"Here's the menu po..." sabi ng waiter na naka glasses at kulot pa ang buhok




"Thank you. Order na kayo guys, sagot ko ngayon. Nextweek si Kuya Nyle naman..." sabi ni Oort na wala pa ring pinagbago






Kakauwi niya lang kasi mula sa Portugal kung saan siya nagtatrabaho bilang isang architect. Kaklase siya ni Duke at Sophie noong grade school at naging girlfriend ko rin dati ang ate niya. Ganun ako katinik sa mga chicks dati eh. Hahaha. Pero ngayon ay goodboy at loyal na loyal na kay misis.






"Guys, so ano na 'yung gusto niyo? Americano lang 'yung akin tapos ita-try ko 'tong mudpie nila..." sabi ni Oort





"'Yun na lang din. Busog pa ako eh. Ikaw Kuya?" ako naman ang tinanong ni Duke






"Frap lang ako. Busog pa din ako eh. Sarap kasi ng niluto ni Sophie..." sabi ko at umalis na 'yung waiter after makuha ang orders namin







"Speaking of Sophie nga pala, how is she? To be honest, nagulat ako nang mabalitaan ko na nagpakasal kayo ni Sophie. I mean...who would imagine?" sabi ni Oort at pati ako ay sumang-ayon din






"Oo nga eh. Ganun talaga siguro sa love. Kung sino pa 'yung hindi mo ineexpect na mahalin ay siya pa lalo ang ibibigay ng Diyos sa'yo..." sagot ko at ang talinhaga ko naman yata magsalita ngayon HAHAHAHA





"Ganun ba talaga? Duke pare, maghanap na tayo ng lovelife. ASAP..." ngumiti lang si Duke habang nagta-type sa phone niya






"Sino ba katext mo? Mas importante pa ba 'yan sa akin?" pabebeng sabi ni Oort






"Tumigil ka nga. Kay lalaking tao ang chismoso..." saway ni Duke nang subukan ni Oort sumilip sa phone niya






"Okay fine. Wala ka namang dapat itago kasi wala kang lovelife. I repeat, WALA KANG LOVELIFE..." ouch naman. Ang sakit nun. HAHAHA.




The Fuckboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon