A/N: Hey guys! Namiss kong mag-update. Kamusta ang lahat? Hope y'all are doing good.♥
------------------------------------------------------Heath
Mabilis tumakbo ang mga panahon at apat na araw na kaming nasa resthouse. Bukas na rin pala ang kaarawan ni Duke kaya pala nasa loob kami ng kwarto ni Flint ngayon na siyang punong-abala sa surprise na gagawin namin bukas. Nasa kwarto niya lang si Duke na alam kong may sinusulat na naman kaya pasimple kaming nagtipon dito sa sobrang linis na kwarto ni Flint na daig pa ang kwarto ng isang babae sa sobrang organize nito.
"So ganito 'yun guys. Kye and Vyke kayo na ang bahala sa balloons tapos si Kuya Nyle naman at Sophie ang sa catering kasi marami silang pera.." sabi ni Flint at kumontra naman si Kuya Nyle
"Wala akong pera. Hawak na ni Sophie noh. Sa kanya kayo mag-solicit..." sabi niya sabay akbay kay Sophie na humihikab na naman ( Anobayan! Ang swerte naman ni Sophie. Kapag gusto niyang matulog all day okay lang HAHAHAHA. Kidding~)
"Kami na ang bahala sa catering, guys. No worries, sobrang taba ng wallet ng Kuya Nyle niyo..." ngumingising sabi ni Sophie and as always ay napalundag sa tuwa si Vyke
"Yeah. More foods all the way!" masayang ani nito
"Okay then. Kami naman ni Jarri ang bahala sa design at si Kuya Heath naman ang bahala sa mga games..." sabi ulit ni Flint at medyo napaisip ako doon
"Games? Children's party ba ang kay Duke? Hindi niyo naman sinabi na 6 years old lang pala si Duke..." pabiro kong sabi at tumawa naman si Jarri na kolokoy talaga
"Yeah. Wala bang party hats? Dapat 'yung ben 10 ah..." sabi niya at agad naman siyang tinignan ng masama ni Flint
"I'm not joking here,bro. Isa pa talaga at gagawin na kitang clown..." sabi ng ngayo'y seryoso pa sa seryoso na si Flint
Pagkatapos naming mag-meeting ay pasimple na kaming nagsilabasan ng resthouse at pumunta sa kalapit na mall para mamili ng mga balloons at iba pang gagamitin para sa party. Tinawagan naman ni Kuya Nyle ang kakilala niyang may-ari ng catering business kaya wala na siyang poproblemahin pa. Ako lang at sina Flint at Jarri ang lumabas, sakay ng van na si Mang Dante na ang nagmaneho. Sumama din si Manang Ludy kasi may bibilhin lang daw na mga gulay para sa lulutuin niyang pinakbet mamaya. Nagpapabili din kasi si Sophie ng kalabasa na gagawin niyang squash shake. Meron pala 'nun? Kahit ano na lang kasi basta may kalabasa ay kakainin ni Sophie. Paano kung tae na may kalabasa? Hahahaha. Biro lang. Pasintabi lang po. :)
Nakarating na kami sa GVS Mall na pagmamay-ari ng kaibigan ni Daddy. Matagal-tagal na rin kaming hindi nakapunta dito at marami na palang mga bagong restaurants at boutiques dito. Agad akong naghanap ng shop na may party essentials at nakailang libot ako sa mall bago ko nakita ang Beddy's Party Needs na may mascot pa na naka-party hat. Super cute parang ako lang. Hahahaha. Pagkatapos kong mamili ay naglibot-libot muna ako sa mga boutiques at tiyangge doon. Baka makakita ako ng mga pwede kong gamitin sa clinic. 'Nung wala akong makita ay pumasok muna ako sa Tiezza Pastry Shop kung saan ako bumili ng mga tinapay doon para may kainin kami sa resthouse. Lagi na lang kasi chips ang kinakain ni Vyke at Kyelus which we all know ay hindi recommended on a daily basis. Kaya okay na nga lang sa'kin if masaniban ng pagka-chef si Kye at magluto ng merienda. Atleast maiba naman diba? May truffles, waffles, avocado ice cream, lava cake, at minsan naman ay burger, fries, or any sandwich of his preference. Pagkaraan ng ilang minuto ay bumalik na ako sa parking lot kung nasaan nakapermi ang van namin at doon ay naghihintay na pala si Manang Ludy at Mang Dante. Kung kasama namin si Kyelus at Vyke ay paniguradong tutuksuhin na naman nila ang dalawa. Loveteam din kasi si Manang Ludy at Mang Dante na parehong biyuda at biyudo. Nagkwe-kwentuhan sila at bigla silang natigilan nang makita nila ako. Hmmmmmmmmm. May something ba ang dalawang 'to? Tiyak akong sasabihan na naman ako ng mga kapatid ko na buti pa si Mang Dante may lovelife. Tsk tsk tsk. Manahimik na nga lang. Lol
BINABASA MO ANG
The Fuckboy's Girl (COMPLETED)
RomanceMatagal ng gusto ng isa sa mga hottest bachelors sa bansa na si Nyle Venereza ang supermodel na si Sophie Sanchezo. Hindi siya kilala ng babae pero siya at ang puso niya, he knows very well that all he wants and craved for ay si Sophie. Sophie Sanch...