/Chapter 147: Nakakawindang na Katotohanan/

2.6K 43 2
                                    

A/N: Hi guys! Welcome back to my channel este story. HAHAHAHA. Tina-type ko 'to ngayon habang nasa faculty room ako at huwag niyo akong isusumbong ah? Yari tayo sa admin. Joke! Anyways, I hope you'll like and will be shocked after reading this chapter. Please VOTE and FOLLOW ME if gusto niyo lang naman po. :)
------------------------------------------------------

Sophie

Iyak nang iyak si Mikael at nakakahiya na sa mga bisita kaya lumabas na lang muna kami at sa garden na lang muna kami. Iniwan ko si Rave sa Daddy niya kasi well-behave si kuya eh hindi gaya ng kapatid niyang cutie pie. Malapit na ako sa garden kaso bigla kong naalala na marami palang natirang cake sa fridge at naisip ko na kagabi pa na bibigyan ko si Harold, ang guard namin, at si Hank na secretary ni Nyle. Nag-bake kasi ako at si Kyelus ng rum cake kaya ayun, 'yung iba pinakain namin kina Auntie Lucia at 'yung iba nga ay ibibigay ko kina Harold. So bumalik ako sa loob ng mansion at kinuha ang ni-ready ko na ibibigay na cake. Nang makuha ko na ang box ng cake ay naglakad na ako papuntang guard house habang hawak-hawak ng isa kong kamay si Kael. O diba ang lakas ko! Hahaha. Ako kaya si Wonder Woman a.k.a Gal Gadott. Char. Feeler masyado eh noh?





Buti na lang at nakita ako ni Harold na naglalakad papunta sa kanya kaya dali-dali niya akong nilapitan at kinuha ang bitbit kong box ng cake.




"Ma'am, ako na po..." sabi niya at inabot ko sa kanya ang cake



"Thank you, Rold. Siyanga pala, para sa'yo at sa family mo 'yang cake na 'yan..." sabi ko at napangiti si Harold sa sinabi ko





"Hala thank you po, Ma'am! Sakto po kasi birthday po ng anak ko at pino-problema pa ni misis kanina kung saan kami kukuha ng pera pambili ng cake..." sabi ni Harold na halos maluha-luha na





"Ikaw kasi hindi ka nagsasabi. Diba ang sabi namin sa inyo na kung may mga problema kayo ay sabihin niyo sa amin ng Sir Nyle niyo?" sabi ko sa kanya at pangiti-ngiti lang siya




"Ma'am, nakakahiya naman po kasi kung pati kayo idadamay ko pa. Marami na ho kayong naitulong sa pamilya ko eh..." sabi niya





"Rold, pamilya tayo dito. Kung hindi din dahil sa'yo ay hindi namin mararamdaman na safe kami, okay? Huwag mo nang problemahin pa 'yung ihahanda niyo mamaya. Samahan mo ako sa mall mamaya ha at mamimili tayo ng mga pang-handa niyo..." sabi ko





"Huwag na po. Nakakahiya po eh..." sabi pa ni Harold. Ganyan 'to lagi eh. Mahiyain kasi.








"Bahala ka diyan basta bibili tayo mamaya..." sabi ko at napakamot na lang siya sa batok






"Maraming salamat po talaga..." sabi niya at ayun na umiyak na siya





"Baliw 'to. Sige na basta bibili tayo mamaya ah?" sabi ko at tinapik ko muna siya sa balikat bago umalis papunta sa garden






Habang naglalakad ako ay may nadaanan akong sasakyan. Kina Auntie Lucia yata 'to eh. Hmmm. Ewan ko lang ha pero bakit parang familiar 'tong sasakyan na 'to?




Di na bale. Tara na sa garden.




Bigla akong napatingin sa side mirror ng sasakyan at nagulat ako nang may nakasulat na 'FERATTI' dito.






OH MY GOD!





Kaya pala parang nakita ko na si Auntie Lucia dati. This can't be! Paano nangyari 'to?





Papasok na sana ako sa mansion nang marinig kung sumigaw si Nyle.





"WHAT THE FUCK! HINDI KO KAPAMILYA ANG GAGONG 'YUN! TELL ME YOU'RE JUST JOKING!"







What the hell. Bakit pa? -_-

-----------------------------------------------------

Announcement!

By December 27, 2018 ay matatapos na ho ang TFG. It's been an amazing year for me and thank you for loving the Venerezas. Dahil mahal na mahal niyo ang Team Long (You all know why...HAHAHAHA), magkakaroon ho ng The Venereza Series! Bale ang susunod na mababasa niyo ay kay Heath naman. :)



---------

11/28/18
9:26 AM.

The Fuckboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon