A/N: Hi guys! Sorry late update na naman si ako. Busy lang talaga ako kay Duke eh. Alam niyo naman. Kapag mahal mo ibibigay mo lahat ng oras mo. Lols. Happy 25.1K!♥
------------------------------------------------------Flint
"There! Nakikita mo ba ang nakikita ko, Sir Flint?" pabulong na tanong ni Illya habang nagtatago kami sa isang malaking plywood sa likod ng Mansion B
"Yep. Kitang-kita ko. Who the hell are these people?" sabat ko at siyempre hininaan ko lang ang boses ko
Nakamasid kami sa mga lalaking nakasuot ng black suits at naka-shades. Para silang may minamatyagan sa mansion at malakas ang pakiramdam ko na may pakay sila sa isa sa mga kapatid ko. Pero ano naman ang atraso namin sa mga taong 'to? These guys look like criminals at parang ang agenda nila ay ang pumatay ng tao.
"Ano naman kaya ang ginagawa nila dito?" bulong ni Illya sa akin at kahit ako ay wala ring kaide-ideya
"I also don't know. Ganito na lang...dala mo ba ang cellphone mo? Kunan natin ng picture para may maipakita ako sa mga pulis..." sabi ko at agad na kinapa ni Illya ang phone niya sa bulsa ng pantalon nito
"Sure. Ako na lang ang magpi-picture, Sir..." pasimpleng kinunan ng litrato ni Illya ang mga lalaki and one she's finished, we walked slowly habang patagong nagni-ninja moves para hindi nila makita
Nang makarating na kami sa Mansion A kung saan may pakain para sa baby ni Kuya Nyle at Sophie, umapir si Illya sa akin sabay ngiti.
"Ang sarap pala maging undercover agent noh?" sabi niya at napangiti ako 'dun
"Yeah. I hope malaman natin kung ano ang pakay ng mga 'yun..." sabi ko at nagulat ako nang bigla niyang sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya
"Don't worry po, Sir. Sooner or later magiging klaro din ang lahat.." sabi niya at nakakabighani kapag nakangiti siya
"Thank you, Illya. Tara? Balik na tayo sa loob?" tanong ko at mabilis naman siyang tumango
"Okay po. Baka kasi hinahanap na rin ako ni Kyle eh..." wika ni Illya
In case you're wondering, pinsan ni Illya ang fiancé ni Kyle na si Gertrude. Si Kyle ang nagsabi kay Sophie na si Illya na lang ang kunin para hindi na mahirapan pang maghanap.
Buti nga at si Illya ang kinuha nilang events planner eh. Magiging masaya ang puso ko nito. Lol. :)
------------------------------------------------------
Nyle
Nakita namin ni Jarri na sabay pumasok sa mansion si Flint at ang events planner para sa birthday ni Rave na si Illya Fuseco.
"Dude, what do you think? May nangyari ba o wala?" tanong ni Jarri sabay siko sa akin
"Knowing Flint, tingin ko wala. Hindi naman siya kagaya mo na kahit sino na lang pinapatulan..." ngumisi ako kay Jarri at alam kong mag-rereact siya ng grabe sa sinabi ko
"HEY! Nagbago na kaya ako. Loyal na 'to kay Cheska noh..." at tama ako HAHAHAHA
"Alam ko kaya huwag kang parang engot diyan. Kunin mo si Hoyle kay Cheska kasi paniguradong pagod na 'yun. Be a true Venereza, dude. We handle women with care..." sabi ko at saktong tumingin sa akin si Rave
Yes son. Magiging malupit kang Venereza. Mas malupit pa sa Daddy mo. Hahaha. :)
"Fine. I'll be back..." sabi ni Jarri sabay lagay ng champagne glass niya sa isang sulok
"Son, don't be like Uncle Jarri ha? Follow Dad's footsteps, okay?" sabi ko kay Rave at pagkatapos ay hinalikan ko ang noo niya
Pinagmasdan ko ang mga kapamilya naming nandito ngayon and they all look happy. It's great to know that they're having a good time and they are all thrilled about the goodnews we told them.
Pasimple akong tumingin sa asawa ko habang kausap niya si Cheska at Jarri. Wow. I've got the most beautiful woman in the entire universe. Kitang-kita ng mga mata ko ang kagandahan ng asawa ko at ang bawat pagkislap ng mga mata niya. She's one in a million. She's amazing.♥
Okay na sana ang mood ko kaso nakita kong nakatingin din si Wafi sa asawa ko. What the hell?!
"Don't tell me galit ka na naman kay Wafi..." napatingin ako sa nagsalita and it's Duke
"Hindi naman nawawala ang galit ko sa kanya eh. Hindi pa kami tapos ng mokong na 'yan..." sabi ko at biglang umakbay sa akin ang kapatid ko
"Well, lahat ng tao may kwento. Hear him out first. Nakausap ko siya kani-kanina lang. Mag-usap kayo at malalaman mo..." tumayo lahat ng balahibo ko sa sinabi ni Duke
What is he saying?
"What...what do you mean?" tanong ko at nagkibit-balikat lang si Duke
"It's not my story to tell. Just talk to him..." sabi niya at naguguluhan na talaga ako
Tumingin ako kay Wafi at sakto namang nakatingin din siya sa'kin. Siguro alam niyang siya ang pinag-uusapan namin ni Duke.
Ano ba talagang meron?
------------------------------------------------------
Heath
Sinama ko si Raine sa mansion and so far she's having a great time here. Madali naman kasing pakisamahan ang babaeng 'to. She's like the life of the party. :)
"Sophie is so gorgeous! She's so hot and look at her, hindi pa rin nawawala ang pagiging supermodel niya..." sabi niya habang nakaupo lang kami at kumakain
She keeps on complementing Sophie and she doesn't even know that like Sophie, she's also gorgeous, hot, and of course, she's my girl. :)
------------------------------------------------------
Wafi
I guess today is the day meant for Nyle to know the truth. :)
------------------------------------------------------
A/N: Wafi baby, anong meron? Sabihin mo sakin please? Okay naman tayo lastweek ah. HAHAHA.
Any idea, guys? :)
12/14/17
11:17 A.MHi.
BINABASA MO ANG
The Fuckboy's Girl (COMPLETED)
RomanceMatagal ng gusto ng isa sa mga hottest bachelors sa bansa na si Nyle Venereza ang supermodel na si Sophie Sanchezo. Hindi siya kilala ng babae pero siya at ang puso niya, he knows very well that all he wants and craved for ay si Sophie. Sophie Sanch...